CHAPTER 27
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni nanay agad akong umalis ng bahay at naglakad pakad para magpahangin at magpapalipas ng sama ng loob. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa mall at nang makarating na ako ng mall agad akong pumila para bumili ng ticket at manood ng kong anong showing ngayon pero ng dahil sa haba ng pila nabagot kaya umalis ako sa pila at naglakad lakad nalang at kong may magustuhan saka ako bibili. Pumasok ako sa isang RTW at namili doon habang namimili ako may naririnig akong nag-uusap tungkol sa kani-kanilang boyfriend na ang boyfriend niya daw ay lagi lang nakatutok sa ML niya at hindi na maalis alis at yong isa naman ay naiirita na dahil seloso daw yong boyfriend niya e pasalamat nga siya at may boyfriend pa siyang nagseselos kapag ang lalaki ay nagseselos ibig sabihin mahal siya ayaw pa niya noon gusto niya magpalit kami at ng malaman niya ang nagmahal ka ngunit hindi ka naman mahal na pinakasalan ka para sa sarili lang niyang agenda. Dahil sa naiirita ako sa mga pinag-uusapan ng dalawa dito ako ngayon nagiging pikon at nag-niya-niya na parang batang may sumpong sabay irap sa kinaroroonan ng dalawa habang ang kamay ko ay nakahawak sa isang damit na nakahunger na kulay itim at may white printed na FAKE LOVE. Napatitig ako sa damit na ngayon ay itinaas lalo ang damit hanggang sa ipinantay ito sa aking mukha. Sinipat-sipat ko ng mabuti ang damit na hawak ko sabay ngiwi.
"Pati ba naman damit pinapaalala sa akin ang sitwasiyon ko ngayon. Tsk." mahina kong wika sa sarili ko habang kinukuha ito sa hunger dahil sa nagustuhan ko rin siya. Lumipat ako sa katabi pa niyang nakahunger at nakita ko ang isang maroon na crop top with the same print kinuha ko rin ito hanggang sa mapako ang mata ko sa isang kulay puting T-shirt na may black printed na "LET GO" napatitig ako sa damit na iyon ng matagal hanggang sa nagflash back sa akin ang lahat lahat, noong nakita at nakilala ko si Alejandro kong paano ko siya tinulungan sa pagpili ng sabon yong pagpalitan namin ng salita dahil lang don. Yong mga mata niyang nakatingin sa akin yong mga ngiti niyang laging nakikita ko sa kanya yong mga salitang nagmomotivate at nagpapain-love sa akin yong mga efforts niya para lang mapasagot ako yong ginawa niyang proposal lahat-lahat ng yon ay bumalik sa aking alaala ngunit ng maalala ko naman kong gaano siya makikitungo sa akin ngayon ay napapailing ako at biglang napawi ang aking ngiti sa mga labi sa hindi ko nalalaman ay nakangiti na pala ako sa pagbalik tanaw ng nakaraan. Kung maaari lang sanang bumalik sa nakaraan ay babalik talaga ako at aayusin ko kong anumang nangyayari sa ngayon.
Kumurapkurap ako ng dalawang beses saka ako ngumiti at lumapit sa nakahunger na may nakasulat na "Let Go" at kinuha ito at dumiretso na sa counter.
Ang mga damit na ito ang siyang magpaalaala sa akin araw-araw at sa magiging mga desisyon ko kong sakali man.
_____
Bago ako tuluyang umalis sa lugar na iyon ay bumili muna ako ng high waisted shorts at pants bago ako lumipat at kumain sa isang simpleng restaurant na nasa loob mismo ng mall. Umupo ako sa isang bakanteng upuan pagkatapos kong umorder at pagkamaya maya lang ay napuno na ito na halos hindi ko namalayan dahil sa nawala na pala ako sa sarili ko habang nakatutok sa mesa na wala namang ka laman laman. Kumurap ako at umayos ng upo ng bigla nalang may lumapit sa akin. Isang babae at isang lalaki na kasing edad ko rin hindi ko alam kong magkasintahan ba sila o hindi ngumiti sa akin ang babae habang ang lalaki naman ay binigyan ako ng boyish smile ngumiti din ako sa kanila ng walang bahid na kaartehan at doon na nagsalita ang girl.
"Can we sit here with you? If you have not companion we can find another sits." wika ni girl.
"No, it's okay. I have no one." sagot sa babae na agad naman silang napangiti.
"How can we find another sits if you knew that there's none." the boy said to the girl with a cute smile. Napangiti din ang babae sa pingot sa lalaki.
"Bakit mo ba ako binubuko?" wika naman ng babae sa lalaki habang nakapingot parin. Napaaray naman ito sa ginawa ng babae sa kanya at hinawakan ang kamay nitong nakapingot at inalis.
"Alam mo wala ka talagang galang sa akin." ani nito.
"Paano kita gagalangin sa wala kang isip." sagot naman ng babae habang at saka umirap dito nang mabaling ang tingin niya sa akin ay agad itong napatakip sa kanyang bibig gamit ang dalawa nitong kamay habang ang mga mata niya ay nanlaki. Animo isang mahinhin na babaeng Pilipina ang babae at hinarap sa akin ng maayos sabay ngiti ng alanganin habang ang lalaki naman ay nahihiya habang pahaplos haplos sa kanyang buhok.
"Pasensiya kana sa amin Miss ha.--nahihiyang panimula ng babae sa akin---ako nga pala si Madelyn at ito namang nasa tabi ko ay kapatid kong walanghiya." pakilala nito sa sarili at sa kapatid niya sa akin.
"Actually mas matanda ako sa kanya ng 11 months. Onse misis kasi si mommy but we don't care as long as we're here still kicking and alive---hindi na niya na tuloy pa ang iba pa nitong sasabihin ng bigla nalang sumingit ang kapatid nito.
"Madie, kinuwento mo na sa kanya ang lahat lahat sa buhay natin pero di mo pa nasabi ang pangalan mo sa kanya at ang pangalan niya sa atin. You're so talkative as always as long as you have words to say." anang kapatid niya sa kanya ngunit tinirikan lang ito ng mata ni Madie na ikinangiti ko naman.
Ang saya nila kong buhay lang sana si kuya siguro ganitong ganito din kaming dalawa laging naghaharutan at nagbabangayan."Whatever."wika nito sa kapatid niya sabay irap dito at muling humarap siya sa akin.
"BTW, this is my brother Lorenzo..Lorenz for short--kumindat muna siya sa kapatid niya bago nagpatuloy sa pagpapakilala sa akin---single pero may crush at h---hindi na natuloy pa ni Madie ang iba pa niyang sasabihin dahil sa tinakpan na ni Lorenz ang bunganga nitong patuloy parin sa pagsasalita kahit hindi mo ma maintindihan.
"Madelyn,shut you're embarrassing me." rekalamo ni Lorenz sa kapatid saka kinuha ang kamay nitong nakatakip sa bunganga Madelyn.
"You're so pabebe talaga, Lorenz." si Madelyn.
"And you're so daldalera talaga Madelyn." si Lorenz.
Kapwa silang napatingin sa akin ng bigla nalang akong tumawa habang parehong nakakunot ang kanilang mga noo. They looking at me with the look of "why are you laughing".
"You're so cute guys." sabi ko sa kanila na kapwa naman sila namula. Magsasalita pa sana ako nang bigla nalang dumating ang aming order kaya kumain nalang kami na habang masayang nag-uusap at nagtatawanan.
"For the first time when Alejandro and I got married this is the first day I laugh hard. Thanks to this two people in front of me. They make me happy today. Thank you Lord, God."

BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...