LIA'S POVAba ang gago tinawanan lang ako ng sabihin kong naghanap ako ng asawa. Sarap talaga batukan ang walang hiyang to may pahawak hawak pa siya sa tiyan niya hababg tumawatawa ng malaks sana matuluyan ng sumakit ang tiyan niya at ng tumanda. Walanghiya siya. Galit ko siyang inirapan at piningot ang kanyang teynga.
"Walanghiya ka't ang saya mo kapag nagdurusa ako. Gago kang may lahi ka ng mga aktibista kong lumabas gabi na." ani kong inikot ang kanyang teynga at doon lang siya natigil sa tawa niya at napalitan nang malakas 'aray'.
"Aray! Ang sakit! halos pasigaw niyang wika sa akin habang hawak hawak niya ang kamay kong nakapingot sa kanya. "Wala namang ganyanan." wika niya ulit at dahan dahan niyang kinuha ang kamay kong nasa kanyang teynga.
"Mabibingi ako sa ginagawa mo sa akin". reklamo niya sa akin habang hinihimas himas ang namumula niyang teynga. Hinaharap ko siyang taas ang noo habang nameywang bago nagsalita.
"Paano ka napadpad sa pamamahay ko? At sinong pontio pilatong nagturo sayo dito at paano mo ito natunton?"
"As simple as that". mayabang niyang wika sa akin. "Kapag may gusto ka lahat may paraan kong wala kang gusto lahat aayawan. Hindi ba obvious? Napakabobo mo talagang babae ka." wika niya sa akin sabay pitik ng aking noo pagkabigkas niya ng 'bobo' na lalong nagpainit sa teynga ko. Hinubad ko ang suot kong tsenilas at agad siyang pinalo sa puwet-an.
"Lumayas ka dito kong ayaw mong magaya sa ipis na pinatay ko." ani ko habang pinapalo pa rin siya mg tsenilas ngunit hindi man lang ito natinag bagkus hinawakan niya ang tsenilas ko at inagaw ito sa akin.
"Sa tingin ko ayaw mo na sa tsenilas na ito." wika niya sabay tapon ng tsenilas ko sa bukas kong bintana. Nanghihinang napaupo ako sa upuang kawayan habang nakatingin sa bintana kong saan dumaan ang tsenilas ko ng itinapon ni Alejandro. Walanghiya na talaga siya. Bakit ba lagi nalang niya akong binubwisit at inaasar?
Mabilis akong tumingin sa kanya ng masamang-masama. Nakita kong napapitlag siya ng matunghayan ang pagmumukha kong nakatingin sa kanya na walang emosiyon.
"Uy, wala namang ganyanan na tingin. Nakakatakot ka para kang sinapian ng tatlong kabayo. Analia bumalik ka na sa dati ang pangit ng pagmumukha mo ngayon." wika niya sa akin habang dahan dahan ang pag-atras palayo sa akin.
'Sa pagkakataong ito humanda ka sa akin dahil papatayin kita.' wika ko sa isip ko habang nakatingin parin sa kanya ng masama habang nagdidiwang ang aking kalooban sa tuwa.
"Bakit tawang-tawa ka ng sinabi kong naghanap ako mg asawa?" tanong ko sa kanya sa malalim na boses.
"Hehe. Kailangan ko pa bang sagutin yon e alam mo na ang kasagutan sa tanong na yan." wika niya sa akin habang umaatras pa rin palayo sa akin kaya tumayo na ako para sundan siya.
"Oo. Kailangan talaga." sagot ko naman. Ngayon paikot na kami sa isa pang kawayan na upuan sa sala ko.
"Eh, k-kasi...tinignan niya muna ako ng taas baba bago nagsalitang muli. "Hindi kasi makapaniwala ang buhok mo parang nadaanan ng malakas na hangin at ang damit mo kupas na pati yong pantalon mong maong na hiniram mo pa yata sa mga ninuno mo." wika niya sa akin habang tinuturo ang aking suot. Napatingin naman ako sa suot ko habang ang kamay ko marahang sinusuklay suklay ang buhok kong buhaghag.
"Tanga. Alam mo namang nandito ako sa bahay alanganan namang magsuot ako nang bestidang pula o kaya itim at nakamake-up kahit na matutulog. Hindi ka rin pala nag-iisip no?
"I mean, sa kapangitan mong yan ako lang ang nagtatiyaga sayo. Asa ka naman na may iba pang manliligaw sa iyo bukod sa akin."
"Hoy! Kahit kailan hindi ako umaasa sayong abnormal ka. Kaya kong maghanap ng lalaking pakakasalan ako at mamahalin ako kahit abnormal ako, no." ani kong nakasimangot na umupo.
"At sino naman ang papakasal sa katulad mo aber? Sabi mo nga abnormal ka." wika nito at nagcross arm pa sa harapan ko.
"Basta makakahanap din ako. At may nahanap na ako." ani ko sabay kindat sa kanya. Dala yan sa pangungumbinsi ko sa kanya.
"Sino?
"Wala ka na don."
"Sino nga? Halimbawa sino?"
"Basta. Nakita mo yong lalaking kausap ko? Siya ang lalaking papakasalan ko. May tanong ka pa? sagot ko naman sa kanya.
"Talaga lang ha." wika niya sabay upo sa kaharap kong upuan.
"Talaga. Sa katunayan nga pinahihintay niya ako ng isang buwan dahil sa may business pa siyang inaasikaso at sa pagbalik niya sigurado magpopropose na siya sa akin." kuwento ko sa kanya.
"Wee. Di nga." ani niyang niloloko pa ako.
"Oo. Si Steffen. My first crush." pag-aamin ko sa kanya. Nakita ko ang pagbago ng mukha niya kanina hindi siya naniniwala ngayon halos makikita mo na ang mga ugat sa panga niya. Nagngingitngit. Tinignan niya ako ng may bahid na inis saka nagsalita ulit.
"Bakit niyaya kana ba niyang magpakasal? Nagpropose naba? Bakit sinabihan ka ba niya na papakasalan ka niya pagkabalik niya? sunud-sunod na tanong niya sa akin.
Duh. Ang gago naniwala man. Si Steffen ay kaibigang matalik ng namatay kong kapatid na si Angelo. Namatay siya nong nasa second year high school pa lang siya at wala pa noon ang K-12. Namatay siya sa edad na 14. Magkasama silang dalawa nong araw na iyon at ang kapatid ko ang napuruhan. Dead on the spot ang kapatid ko habang si Steffen ay nabulag. Dahil sa magkaibigang matalik ang kapatid ko at si Steffen binigay namin ang mata ng kapatid ko Kay Steffen kaya iyon ang dahilan kong bakit kami close. Mas matanda sa akin ng dalawang taon si Steffen kaedad niya ang yumao kong kuya.
"Basta ang sabi niya hintayin ko daw siya..ibig sabihin doon din ang punta non hihindi pa aba ako kong saka-sakali?" wika ko sa kanya na animoy nangagarap pa.
"Ahh! Walang kasal na magaganap sa inyong dalawa." galit na wika nito sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi niya at sa reaksiyon niya.
"Bakit naman?"
"Because I WILL MARRY YOU."

BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...