CHAPTER 21
Nanghihina ako pakiramadam ko bibigay na ang tuhod ko anumang oras at hindi nga ako nagkamali dahil ngayon ramdam ko na ang sahig sa aking puwetan. Nanginginig akong nakatingin lang kina Alejandro at Agatha na ngayon ay maayos ng nakaupo sa kama habang si Alejandro ay nakatingin lang sa akin na tila nayayamot at si Agatha naman ay nang-aasar. Pinahid ko ang mga luhang nagsiunahang tumulo sa aking mga mata at pinilit tumayo kahit na hindi ko pa kaya naging luno ang mga buto dahil hanggang ngayon hindi parin ma process ng utak ko kong bakit nangyari ito. Kung bakit nagawa ito sa akin ni Alejandro. Ang buong akala ko okay na kami dahil sa ilang araw na ring hindi niya ako inaaway at pinapagalitan ang hindi ko lang alam gumagawa na pala siya ng kong anong kamilagrohan. Gumapang ako palapit ng wall at doon kumuha ng lakas para makatayo at ng makalayo na sa kuwartong ni Alejandro. Unti-unti kong itinayo ang aking sarili ng makalapit na ako sa wall at ng makatayo na ako ng maayos lumunok ako ng LA way ko ng dalwang beses at akmang tatalikod na ako ng magsalita ang walanghiyang si Agatha.
"Next time matuto kang kumatok Kaya hayan ang mga nangyayari sa mga intruder." wika niya sa akin sabay ngiti ng matamis ngunit naiinis. Tiningnan ko si Agatha sa mga mata niya nagbakasakaling baka nagbibiro lang siya ngunit wala. Wala akong nakitang bakas na anumang awa bagkus ay inis at pagkairita. Tumingin din ako sa mga mata ni Alejandro ngunit hindi ko ito natitigan ng matagal dahil pagkasalubong ng pagkasalubong ng aming mga mata agad nitong iniwas ang kanyang tingin.
Muling tumulo ang mga luha sa aking mga mata sabay talikod at nagsimula ng maglakad palayo sa eksenang hindi ko makakalimutan kahit kailan. Hindi lubos maisip na ang galit ni Alejandro sa akin ay hahantong sa pangangaliwa. Hindi ko na ba talaga mabago ang kanyang isip? Hindi ko na ba talaga makuha ang kanyang kapatawaran? Hindi niya ba talaga ako kayang tanggapin kaya sinasaktan niya ako ng ganito o talagang paghihiganti lang talaga ang gusto niya sa akin at wala itong planong mahalin ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya?
Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala sapat ang aking pagmamahal sa kanya dahil nakuha pa niya akong lokohin at maghanap ng iba. Kulang ako para sa kanya dahil nakuha pa niyang dalhin dito sa bahay ang babae niya. Sabagay hindi niya naman ako mahal at paghihiganti lang kung bakit siya lumapit sa akin.
Nasa hagdanan na ako ng bigla nalang bumigay ulit ang aking mga tuhod mabuti nalang at nakakapit ako sa railings ng hagdan kong hindi baka nahulog na akoat gumulong pababa ng hagdan at baka bali bali na ang mga buto buto ko. Kahit yon na ang nangyari sa akin malayo pa rin ang aking iniisip at hindi ang aking sarili kundi kong bakit ito nagawa sa akin ni Alejandro. Hindi ko alam kong paano niya ito nagawa sa akin at kong paano humantong sa ganitong sitwasyon ang sana ay pagsasama namin ay humatong sa pangangaliwa niya. Ganito ba talaga ang nagagawa ng tao kapag galit siya sayo? Kaya ba niya ginawa ito para pasakitan at pahirapan ako? Paghihiganti pa ba niya ito sa akin o talagang hindi niya talaga ako gusto?Ganito ba siya maghiganti? Yong pasakitan ako sa lahat ng bagay? Ito na ba ang sagot sa mga katanungan ko dati pa o isa lang to sa mga mga sagot? May kasunod pa ba ito o talagang dito na niya ititira ang babae niya? Ewan ko. Mahirap sagutin ang mga katanungang alam naman natin ang sagot ngunit pilit nating binalewala at itinatanggi. Ano ba ang dapat kong gagawin? Kakausapin ko ba siya? Tatanungin? Kukomprontahin, o sumuko nalang at aalis sa pamamahay niya?
Hindi ko alam kong ano ang aking gagawin hindi ako makapag-isip ng maayos sa sitwasiyon na ito. Ang sakit. Ang sakit sakit. Alam mo ba yong feeling na nanginginig ka na hindi ka makagalaw yong puso mo pinipiga ng sobrang higpit na halos hindi ka makahinga at higit sa lahat hindi ka makapagsalita na halos hindi mo alam kong paano magkumpos ng salita.
Nang mamatay ang parents at kapatid halos ganito ang nararamdaman ko na halos ikamatay ko pero mas malala kapag ang taong mahal mo ang nagagawa sayo ng panloloko. Di pala talaga ako sapat sa kanya, di pa pala sapat ang mga salitang binabato niya sa akin. Di pa pala sapat yong mga pang-e-snob at pagtulak niya sa akin mas gusto niya pala yong makita akong gagapang at mamamatay sa sakit.
Mga nasa kalahating oras din akong nakaupo sa hagdan bago ako tumayo at kinumpos ang sarili nakapadesisyon na ako, at yon ay manatili dito at pagbayaran ang mga kasalanang pilit niyang sinisisi sa akin. Alam kong darating ang araw na papalayasin niya ako sa bahay na ito pero mas gusto kong sa pag-alis ko sisiguraduhin kong sa bawat araw na ilalagi ko dito ay maipakita ko sa kanya na kaya ko ang lahat na pasakit niya sa akin. Sabihin man ng iba a tanga ako ganyan talaga kasi nga nagmahal ka.
Pinahid ko ang aking mga luha sa pamamagitang ng aking damit at saka bumaba ng hagdan na parang walang may nangyari. Simula sa araw na ito marami ng pagbabagong magaganap sa buhay ko dahil alam ko sa simula pa lang isa na itong paghihiganti. Kong sakali mang dumating ang araw ng aking pagsuko titiyakin kong hindi na ako babalik at lilingon sa mga mapapait kong nakaraan. Sisiguraduhin kong masasayang araw lang ang iisipin ko at wala ng iba pa. Dumiretso ako sa aking silid at kumuha ng tuwalya kailangan kong maligo para matnggal sa katawan ko ang mga masamang pangyayari ngayong araw dahil bukas ay panibagong araw at panimula ng pagtanggap.
"Smile lang Analia. This is not the end, this is only the beginning at hindi ito magtatapos lang sa ganito alam kong may kasunod pa at mga pagbabago kaya laban lang at kapit lang may awa talaga ang Diyos."
____
Hi mga Valentina and Valentino! Maraming salamat sa pagtangkilik ng HIS REVENGE sana po ay magkasama parin tayo hanggang sa matapos ang kuwentong ito. And, please, read my new story "MY JUNE BRIDE" ROMCOM siya sana magustuhan niyo.
Press vote and comments if you like this story. Thank you.
BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...