Biente Dos

75 4 0
                                    

CHAPTER 22

Maaga pa akong nagising at naligo pagkatapos kong maligo kaagad akong lumabas ng silid ko at nagluto ng agahan at hindi ko na ginising si nanay Mildred. Sa araw na ito gusto kong sundin lahat ng mga kagustuhan ni Alejandro ayoko kong mag-aaway kami ulit. Yong nasaksihan ko kahapon kakalimutan ko na yon kahit kapag naalala ko ang tagpong iyon ay tila sinasaksak ang puso ko ng maraming beses. Ginusto ko to kaya kakayanin ko hindi maaaring magkamali ako ngayon dahil alam kong kunti nalang at papalayasin na ako dito. Kailangan kong bago ako umalis sa pamamahay na ito may naipon na ako at matutuluyan.

Inayos ko na ang mesa para sa pagbaba ni Alejandro ay nandiyan na lahat. Nagfried rice ako na niluto ko sa margarine at nilagyan ko ng green peas, itlog, chorizo de bilbao, carrots na hiniwa ko ng maliliit, at spring onions na ginawa kong toppings. Nagluto rin ako ng sunny side up, hotdog, at iba pa. Alam kong marami ang niluto ko ngayon sa breakfast baka nga sasabihin ni Alejandro na nagcecelebrate ako.

Oo. Nagcecelebrate naman talaga ako dahil kaarawan ko ngayon kaya nga nasaktan ako ng sobra dahil sa pangyayari kahapon dahil nasurprise talaga ako masurprise sa kanilang eksena at pangangaliwala ni Alejandro.

____

Tahimik akong nakaupo lang sa upuan habang malayo ang tingin kong titignan mo ang anlalim ng iniisip pero ang totoo wala talaga akong iniisip dahil wala naman talaga akong maisip dahil sa puno na ako ng problema at hindi ko na alam ang solusiyon. Sa dami ng iniisip mo dumadating talaga ang time na kusang magshut down ang utak mo ito mismo ang magpahinga di ko akalain na pati pala ang utak ay sumusuko na din akalain mo yon.

Lumaki akong hindi buo ang pamilya dahil nga sa namatay ng maaga ang aking ina at pagkatapos ng ilang taon at sumunod ding namatay ang aking kapatid na lalaki akala ko noon dahil sa dami nang problema at sakit ang naranasan ko ay hindi na ako masasaktan pero mali ako ng makulong ang aking ama ay animo'y isang baliw akong pumupunta sa Kong saan at tumatakbo kahit kanino para lang makaotang I makahiram ng pera para sa papa ko. Ang sakit kapag nakikita ko ang ama kong nakatayo o nakaupo sa loob ng rehas para akong mamamatay sa awa sa ama lalo na ng  namatay siya at laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil dumating sa buhay ko si Alejandro ang lalaking minahal ko. Unti-unti niyang binuo ang nawasak kong puso dahil unti-unti itong binubuo ng akala ko ay tunay niyang pagmamahal para sa akin pero ang totoo pala ay isang laro lang ito sa kanya. Isang paghihigante na humahantong sa sakitan at sa kanyang panloloko. Wala na akong magawa dahil nandito na ako, narito na ako at ang kailangan ko lang gawin ay susuungin ko nalang ang problemang ito.

Problema na hangad ko ay katapusan at sana matapos na ito dahil baka darating ang araw na hindi ko kakayanin at bibigay na  ako sa mga problema ko. Kumurap ako ng dalawang beses saka ipinatong ang aking ulo sa kamay kong nakapatong sa gilid couch at ipinkit ang aking mga mata. Gusto kong matulog, gusto kong lumayo at kalimutan na ang lahat pero hindi pa pwede dahil hindi ko pa natapos ang aking misyon dito Kay Alejandro.

"Alejandro." mahina kong bigkas ng kanyang napakagandang pangalan. Para sa akin ang pangalang Alejandro ay mabuting tao ngunit ang akala natin minsan ay mali ngunit ang totoo lahat tayo, bawat tao ay may tinatago. Bawat tao ay may sariling baho na tinatago o sekreto na kahit magulang o pinakamalapit nating kaibigan ay walang alam.

"Akala ko maging masaya ako. Akala ko lang pala." malungkot kong wika habang nakatingin sa larawan ni  Nathalie na nakasabit sa wall. Ang ganda ganda niya, bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot suot na puting damit at nakasuot ng summer cup ng kulay pink na malaking puting laso.

"Hindi na yata kita mapapalitan sa puso niya. Ikaw lang talaga ang nagmamay-ari sa kanya. Aaminin ko gusto ko siyang agawin sayo pero hindi ko magagawa dahil ikaw talaga ang nagmamay-ari ng puso niya, Nathalie." patuloy ko.

"Alam mo bang yan din ang pagmamahal na gusto ko. Yong mamahalin ako ng walang kapantay, ng walang kahati na ako lang ang nagmamay-ari. Pero hindi yata ako swerte pagdating sa love. I always lost someone. I always lost my love ones. I am l-loser." napaiyak kong sambit ng loser dahil ganon naman talaga ako iniiwan.

"Alam mo ba kong gaano kahirap ang magmahal sa isang taong may nagmamay-ari? Alam mo bang masakit magmahal sa lalaking may kahati? Alam mo bang ang nararamdaman ko na naagmahal ngunit hindi minahal?" ani ko pa habang tumutulo pa rin ang mga luha na sinusunod ko naman sa pagpunas sa pamamagitan ng aking palad.

"Naranasan mo na bang nasaktan, Nathalie? Naranasan mo na bang halos ipagtaboyan ka niya? Naranasan mo na bang sabihan nang harap-harapan na hindi ka niya mahal at pinaghihigantihan lang?--pinalis ko ang aking mga luha at muling tumingin ulit sa larawan ni Nathalie---mahal ko siya.-hik- pero hindi niya ako mahal-hik- ang sakit-sakit. Ang sakit-sakit dito." kausap ko sa larawan ni Nathalie habang tinuturo ang aking dibdib. Araw-araw, pagnakikita ko siya nasasaktan ako ngunit mahal na mahal ko parin siya. Araw-araw minamahal ko siya pero araw-araw galit siya sa akin. Araw-araw tinitignan ko siya ng palihim pero siya lantaran ang galit sa akin. Araw-araw pinagluluto ko siya pero araw-araw lumalayo siya sa akin.

"Alam mo bang hindi ko isusuko sa iyo sa Alejandro? Alam mo bang hindi lalayuan si Alejandro? Dahil mahal ko siya. At kong sakali mang darating ang araw na susuko na ako, kong darating man ang araw na ako yon ay ang araw na hindi na kaya ng puso ko. Yon ang araw na mawawala na ako."

"Nathalie, please, bitawan mo na si Alejandro. Ibigay mo nalang siya sa akin. Ipahiram mo na siya sa akin. Akin nalang siya, ibibigay mo na? Ipapahiram mo ba siya? Sana nga."

"I am nothing but I want to stand for everything I own."

"Happy Birthday to me."

    HIS REVENGE  (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon