Biente Nueve

73 2 0
                                    

Umaga na naman panibago na namang pagsubok ang kahaharapin ko, bagong pagsubok bagong pag-asa. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko at umunat habang ang mga kamay ko ay nasa ere at ng marinig kong nag-ingay na ang mga buto binaba ko ang isa kong kamay at hinimas himas ang tiyan kong nagugutom. Ibinaba ko na rin ang isa ko pang kamay at hinarap ang aking kama para maligpit na aking mga nakakalat na unan ang isa ay nasa sahig na. Pinulot ko ito at pinagpag bago binalik sa ibabaw ng kama at mabilis tinupi ang kumot at ng matapos na ako kinuha ko naman ang walis para maglinis sa loob ng kuwarto.

Pagkatapos kong linisin ang kuwarto ko agad akong naligo at bumaba na sa kusina at ang pagluluto naman ang aking hinarap.

Masaya akong nagluluto at may pakanta kanta pa ako habang hinahalo ang niluluto kong kare-kare ng bigla nalang lagabog akong narinig mula sa aking likuran naklikinagulat ko ng aking lingunin ay si Alejandro sinipa ang upuan at na nakaharang habang galit ang mukhang may hawak na isang bungkos ng blue roses at may siver box pa itong maliit sa kabilang kamay na blue lace. Si Stefan talaga masyadong mapakulo.

"This is yours." walang expression nitong wika sabay abot sa akin ng bulaklak at box pinatay ko muna ang stove bago ko tinanggal ang bulaklak at box sa kanya saka pasimpleng inamoy ang bulaklak sana man lang magselos siya kahit isang beses ang kaso wala akong makita sa kanya na kahit kunti. Hinanap ko ang card at ng makita ko kaagad kong binasa ang nakasulat.

"Felix San Valentin, Lia"
(Happy Valentine's Day, Lia)

anang nakasulat dumating nga ang gifts niya sa akin pero late ka 18 of February na ngayon okay lang at least meron bahagya akong napangiti pero kaagad naman itong napawi ng nahuli ko si Alejandro na nakatingin sa card na tila binabasa ang nakasulat sa card kaya tinignan ko siya at ang loko iniwas ang tingin taz tumikhim pa kunyari at ng magtama ang aming mga mata kaagad niyang akong kinunutan ng noo at sininyas yong niluluto ko.

"I'm hungry." wika lang nito sabay balik sa upuan. Dahil hawak ko ang bulaklak at maliit na box na pinadala sa akin ni Stefan inilapag ko sa ibabaw ng maliit na mesa ang bulaklak at ibinulsa ang box saka nagpalingalinga para maghanap ng flower vase at ng makakita na ako kaagad kong hinugasan ito at pinunasan saka bumalik sa mesa kong saan nakalapag ang bulaklak ng makita ni Alejandro ang aking hawak hawak ay agad umandar ang kanyang serious face na naghatid sa akin sa Alaska napakurap ako ng dalawang beses ng bigla nalna ito nagsalita.

"Don't use my flower vase to your ugly flowers." malamig nitong wika sabay tayo at lumapit sa ref at kumuha ng fresh orange juice na nasa pitsel. Sinara niya ang ref at lumapit sa tray at kumuha ng baso at muling bumalik sa mesa, bago pa man siya umupo ay inilapag niya muna ang pitsel na may pamang orange juice bago tuluyang umupo at nagsalin ng juice sa baso.

"I said to use my beautiful flower vase to your not good flowers. Buy your own vase at doon mo isiksik ang mga yan." wika ulit nitong wika sa akin at dumrkwatro pa sabay sipsip sa juice nito.

'Analia, huwag kang mahigh blood sa taong sarili lang ang mahal.' ani ko sa sarili ko sabay buga ng hangin. Tinignan ko si Alejandro na nakaupo lang saka ako sumagot.

"Okay po sir." ani ko naman na nagtitimpi akala niya siguro tatahimik nalang ako habambuhay puwes nagkamali siya.

"Huwag po kayong mag-alala sir sa kuwarto ko lang po ito ilalagay kasi ako lang ang pwedeng makakita ng kagandahan ng bulaklak na ito at kong gaano kabuti ng ugali ang nagbigay nito." sagot ko sa kanya at pinakita mismo sa harap nito ang pag-amoy ko at paghalik sa bulaklak.

"Ngayon, magalit ka sa akin ng todo." mahina kong wika sa sarili ko at ibanalik ang flower vase sa pinanggalingan nito saka nilisan ang kusina pero bago pa man ako makalayo narinig ko ang boses ni Alejandro.

"Hoy babae, tapusin mo muna ang niluluto mo."

"Lutuin mong mag-isa." sagot ko naman sa kanya na aminado naman akong hindi nito narinig.

"Anong sabi mo?"

"Wala po Sir."

"Akala ko may sinasabi ka."

"Oo sir, meron. Buwisit ka, ka ko." sagot ko na sarili ko lang ang nakarinig. Hindi pwedeng marinig niya baka mapaaga ang world war 3.

Tumakbo na ako papunta sa aking silid para maayos ko na ang aking bulaklak baka malanta pa ito ng maaga dahil ma-e-stress din Kay Alejandro. Hmp. Pagkarating ko sa loob ng kuwarto ko maingat kong inilapag ang bulaklak sa ibabaw ng maliit kong mesa at agad kinuha ang isang empty bottle nang mineral water kinuha din ko din ang maliit kong kutsilyo sa ilalim ng higaan ko na lagi kong tinatago doon just in case na may magtangka ng kong ano dito sa bahau ay may panlaban ako ng makuha ko na ang kutsilyo agad kong hinarap ang empty bottle at pinutol ito para gawing flower vase maganda din naman ang bote e plane lang siya at medyo makapal kaya okay lang na gawing flower vase since wala ako non at hindi ako pinapahiram ng lalaking iyon masyado na siyang madamot sa mga gamit niya ngayon dito sa bahay. Kinuha ko ang malaking gunting na nasa drawer na minsan ginagamit ko panggupit sa damit at buhok para ipantay sa doon sa bote na hindi pantay ang pagkaputol ko. Ginupit ko ang maliit na nakatikwas at dahil hindi ko na maayos ang medyo mababa na pagkaputol pinantay ko nalang ang sa kabila  o diba masyado na akong recycle and this is for the better. Kinuha ko ang isang flowery paper pati pandikit at idinikit doon pero syempre sinukat ko muna bago idinikit. At ngayon charann..tapos na masyado dahil recycle siya may kagandahan na din, nilagyan ko na siya tubig at inilagay na doon isa-isa ang bulaklak. Hayst. Umaandar na naman ang pagka-artistic ko. Charr.

"Felis Dia De San Valentin, Steffen Saunders."

______

A/N

Pasensiya na kong late ako nakapag-UD kasi busy palagi sa work, 2pm-2am ang kaya tulog sa umaga gising sa gabi.


    HIS REVENGE  (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon