Once

76 4 0
                                    

LIA'S POV

"Mabilis ang mga araw at bukas ay kasal na namin ni Alejandro at sa bawat araw na nakasama ko siya mas lalo akong nahulog sa kanya at parang hindi ko na kayang iwan siya..ay hindi pala 'mahal ko na siya na nasa puntong ko kaya ko ng makibogbogan sa mga babaeng lalandi sa kanya.

Araw-araw pinaparamdam niya sa akin na mahal niya ako. Araw-araw pinapakita niya sa akin na hindi ako nagkakamaling minahal ko siya. Araw-araw pinapadalhan niya ako ng mga regalo o pasalubong sa bawat punta niya sa akin kaya natatakot ako baka sa sobrang kasweet-an na pinapakita niya sa akin ngayon ay bigla lang mawala pagdating ng araw. Paano kong mag-sasawa na siya sa akin? Paano kong maagaw siya ng iba sa akin? Aminado naman ako na maraming nagkagusto sa kanyang mga babae at yong iba singyaman pa niya. Paano nalang ako? Hindi ko kakayaning mawala pa siya sa akin, hindi ko kakayanin kong maagaw at mapunta siya sa iba, mamamatay ang puso ko kapag mangyari yon. Baka ikamatay ko pa sa huli.

Nong malaman kong mayaman siya halos uurong ako sa kasal namin ngunit nag-explain naman siya sa akin kong bakit hindi niya sinabing sa akin na may mayaman pala siya at pangalawa sa buong Pilipinas dahil nangunguna kasi yong nangunguna ay sina Steffan Saunders ang kaibigan ng kapatid ko na naging best friend ko rin sa kalaunan.

Kinakabahan ako para bukas. Paano kong magbago ang utak ni Alejandro at uurong siya sa kasal namin bukas? Paano kong napag-isip-isip niyang hindi pala ako ang babaeng pangarap niya at gustong makasama hanggang sa pagtanda niya? Paano nalang kong ayaw na niya sa akin at mas gusto niya pala ang babaeng yon?

Sana huwag naman, wala na nga akong pamilya pati siya mawawala sa akin. Ayokong malayo sa kanya. Dati hindi ko pinangarap ang makasal sa kanya o sa taong mayaman pero ng makilala ko siya natuto akong mangarap at siya iyon. Si Alejandro. My soon to be husband, Alejandro Zaragoza.

______

Ang araw na to ay araw ng pagtatapos ng aking pagkadalaga kaya paalam na sayo binibini. Nandito ako ngayon nakaupo sa isang itim na upuan habang nakatingin sa malapad na salamin na nasa aking harapan habang araw mga kamay ko ay nakapatong sa magkabila kong tuhod at kinakabahan. Hindi ko alam kong bakit ganito nalang ang kaba ko parang doble pa sa mga narararamdaman ko nong mga araw na papalapit na ang aking kasal at ngayon na ito at nasa likod ko na ang dalawang babaeng mag-aayos sa akin. Ganito ang tingin ko sa sarili ko ng mamatay ang kapatid at nanay ko naulit lang ng sumunod naman ang tatay at pangatlong beses ko na ito. Bakit kaya parang namatayan ako? Siguro dahil sa wala ang pamilya kong maghahatid sa akin sa altar. Nangilid ang luha ko ng maisip ko ang bagay na iyon. Miss ko na ang mga magulang at kapatid ko ngunit hindi ko na sila makikita pa ang pinapasalamat ko lang dahil sa bago sila namatay nasabi kong mahal ko sila. Ang iniiyakan ko lang ngayon kasi naiinggit ako sa mga taong ikinakasal na buo ang pamilya samantalang ako, ako lang. Sarili ko lang. Amdami ko ng pinagdaanan sa buhay at ngayon pa ba ako iiyak? Alam kong mahal ako ng pamilya ko at mahal ko sila kaya tama lang na sumaya ako para sa sarili ko at sa pamilya ko. Masaya na ako para sa kanila kong saan man sila ngayon at alam kong masaya din sila dahil sa ang babae nilang anak ay ikakasal na ngayon. Pinalis ko ang aking mga luha gamit ang puting panyo na nasa ibabaw mesa at humarap sa salamin na namumula ang mga mata ngunit may ngiti na sa mga labi. Araw ito ng kasal ko bakit iiyakan ko?

Umayos ako ng umupo at hinayaan ang babaeng pahiran ng kong anong kolorete ang mukha ko habang yong isa naman ay siya namang bahala sa buhok ko. Mayamay ay.

"Ate, dahan dahan lang hindi po semento ang mukha para padaanan mo ng ganyan para ka namang nagmamadali sa paglagay niyan." reklamo ko sa babae na siyang naglalagay ng powder sa mukha ko gamit ang maliit na foam. Foam lang ang tawag ko dahil hindi ko alam ang kong ano ang tawag doon.

"My apology miss." wika niya sa akin at dinahanan ng kaunti.

"Ate. Ate, na nasa likod ko." tawag ko sa babae.

"Bakit po ma'am." tanong niya sa akin na itigil ang pagsuklay sa aking buhok at tiningnan ako sa salamin kaya nagkasalubong ang aming mga tingin.

"Pakitingin nga po sa bandang ito-sabay turo sa kanya sa kanang bahagi mg aking ulo- pakiramdam ko may kuto ako." wika ko sa kanya.

"Po?" waring gulat na tanong nito.

Napatawa ako bago nagsalita. "Joke lang po ate."

______

Pagkatapos nila akong pagandahin na halos hindi ko makilala ang aking sarili sa harap ng salamin dahil sa aking makabagong mukha parang ako si mother duck na naging isang magandang prinsesa. Kasalanan ko to e, bakit ba kasi hindi ako naniniwala sa kaibigan ko na kailangan kong maglagay ng kunting kolorete sa mukha dati kaya hayan tuloy medyo nabobo ako ng makita ko ang mukha. Marahan kong hinawakan ang aking mukha at ng sa hindi pa ako nakuntento pinoke ko ng dalawang beses ang aking beses dahilan para tawanan ako ng kaibigan kong loka-loka. Oo, nandito ang kaibigan ko at sa wakas dumating din late nga lang dahil ang usapan maaga pa siya para maalalayan niya ang mga nag-aayos sa akin pero okay na siya nalang yong tutulong sa akin sa pagsuot ng aking wedding dress.

"Minsan ang tanga mo talaga Analia." natatawang wika sa akin ni Paula sabay akbay sa akin at kinabig ako palapit sa kanya alam kong maiiyak na siya ngayon pero pinipigil lang nito ang kanyang mga luha para sa akin.
"Hoy, matagal na akong tanga-tiningnan ko siya sa kanyang mga mata- alam mo kong bakit?" tanong ko sa kanya na nakataas ang kaliwang kilay.

"Bakit?" nakataas din ang kilay niyang tanong sa akin magkaibigan nga talaga kami. Haha.

"Kasi isa ka ring tanga. Nagtataka nga ako kong bakit natagalan pa kita." biro ko sa kanya na tila iiyak na kasi mamimiss ko ang ganitong bonding namin.

"Baliw."

"Talaga."

"Isuot mo na ang gown mo bruha." wika niya sabay layo sa akin at kinuha ang gown kong hindi ko pa nakikita dahil nong nakita ko ay drawing palang ito kaya naexcite naman akong makita ang pagkagawa nito.

"Pikit mo mata mo muna." malakas na wika niya sa akin habang ang ulo lang niya ang nakadungaw sa pinto.

"Okay, baliw kang talaga." wika ko naman sa kanya at pumikit ng nakangiti. Dinig na dinig ko ang kanyang takong habang papalapit sa akin at ng maramdaman kong nasa tabi ko na siya iminulat ki na ang aking mga mata kahit hindi pa siya nagsasalita na pwede ko ng buksan ang mata ko at agad kong hinanap ang kanyang hawak. Halos luluwa ang aking mga mata ng makita ko ang aking gown (wedding dress) halos hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

Lace. princess style. Alam niyo ba kong ano? Yong wedding dress na gusto ko ang nakikita ko ngayon. Ang wedding dress na pinakagusto ko. Woo!

Hindi ako makapaniwala. Nakangiti akong nakatingin sa dress at marahang pinarahanan ko ito ng aking kanang kamay habang humahanga sa kagandahan nito hanggang sa huminto ang daliri ko sa mga diamonds na maliliit sa bandang dibdib.

"Isuot mo na para kang tanga sa hitsura mo." wika sa akin ni Paula na siyang nagpabalik sa aki sa sarili.

"Tsk. Oo na. Kainis ka."

"Hoy, bilisan mo diyan dahil pinapantasyahan na ng ibang babae ang magiging asawa mo sa labas. Tsk. Ang pogi pa naman niya kanina." wika niya sa akin at inirapan ko lang siya at isinuot na ang gown.

"Ang ganda mo talaga friend." wika niya sa akin habang tumutulo ang luha ng maisuot ko na ng maayos ang dress gusto ko ring maiyak peri masisira ang make-up ko.

"Mas maganda ka." sagot ko sa kanya.

"Nope. Mas maganda ka ngayon. Pasalamat ka pumapayag akong maganda ka ngayon kaya wag kang maarte."

"Langyang kaibigan to."

----
A/N

GUYS MAY TRAINING AKO NG TWO WEEKS KAYA EXPECT NIYO NG HINDI AKO MAKAPAG-UD. KINUKUHA KASI NILA YONG CP NAMIN AT PATI PAGCHARGE MAY LIMIT. SA DAMI NAMIN MAY TENDENCY NA HINDI AKO MAPAGCHARGE KAAGAD. SORRY my VALENTINA and VALENTINOS. 😢😢😢😢

    HIS REVENGE  (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon