CHAPTER 15
Mag-uumaga na akong natulog kanina at ngayon ay gising na ako. Halos dalawang oras lang ang tulog ko dahil sa hindi ako makatulog sa kakaisip kakatanong kung bakit nangyayari ito ngayon sa akin 4: 20 am na akong nakatulog at ngayon ay 6:30 pa lang gusto ko pang matulog dahil iyon ang sinasabi ng aking mata ngunit ang sabi naman ng isip ko ay ang aking problema. Puro problema na ngayon ang nasa utak ko kay aga aga at kakagising ko lang nandiyan na siya hindi ko alam kong ano ng aking gagawin ko pero ang tanging alam ko lang ay ang magpatuloy para at huwag manatili sa ganito. Tumayo na ako sa aking pagkakahiga at sinuklay ang mahaba ko ng buhok at saka lumapit sa hindi ko pa naayos na damit at kumuha ng isang itim na T-shirt at gray na jagger pati na rin undergarments. Inilapag ko ito sa ibabaw ng aking kama at pagkatapos hinablot ko ang aking tuwalya na nakikita yong dulo mula sa aking magulong maleta at agad pumasok sa banyo para maligo. Gusto kong maligo para matanggal lahat ng stress ko sa katawan at alam ko na ang stress na nasa utak at puso ko ay hindi mawawala. Hindi ganon kadali na ipaligo mo lang ay mawawala kaagad ito. Hindi libag ang sakit sa puso na isang hilod mo lang ay mawawala na. Ang sakit sa puso ay matagal mawala lalo na't nagmamahal ka.
____
Eksaktong paglabas ko ng aking kuwarto ang siya namang pagbaba ni Alejandro kaya hindi muna ako tumuloy at nagtago muna doon sa bandang gilid na kong saan ay hindi niya mapansin.
"Yaya, hindi pa ba nagising ang babaeng yon?" dinig kong tanong niya sa kanyang yaya.
"Hindi ko po alam sir." sagot naman ng maid sa kanya.
"Ba't hindi mo alamin." inis na sagot naman ni Alejandro sa yaya.
"Ano sa tingin mo yaya. Gisingin mo na siya dahil andami pang gawain dito sa bahay." utos niya dito agad namang tumalima ang katulong at halos natatarantang umalis sa harapan nito at naglakad papunta sa direksiyon ko kaya lumabas nalang ako mula sa aking kinublian at sinalubong ang maid. Halos natuwa ito ng makita ako.
"Ay salamat naman ma'am at lumabas kana nandiyan na si sir at badtrip." salubong niyang wika sa akin. Inabot ko ang kanya g kamay at hinawakan sabay pisil ng mahina.
"Don't worry sa akin lang siya galit." wika ko sa kanya sabay ngiti. Oo. Sa akin siya galit at hindi sa iba kundi sa aming mag-ama.
"Sige umalis kana ako na dito." wika ko sa kanya at lumapit na sa mesa kong saan si Alejandro. At nang makita ako ni Alejandro na papalapit sa kanya agad nagbago ang kanyang expression kanina lang ay halos wala kang makita sa mukha nito ngayon meron na. Galit. Suklam at pagkamuhi.
"Bakit nandito ka?" galit niyang tanong sa akin. Kinalma ko muna ang aking sarili bago sumagot sa kanya.
"I love you." wika ko ngunit nanatili lang yon sa aking isip. "Baka kasi hinahanap mo ako." malumanay kong sagot sa kanya.
"Sinabi ko bang magpakita ka sa akin? Pinatawag ba kita?" galit parin niyang tanong sa akin.
Tumikhim muna ako ng mahina bago sumagot sa kanya. "Akala ko kasi--
"Kaya nga e akala. Andami ng namatay sa akala at marami na ring umasa dahil sa akala." bulyaw niyang wika sa akin kaya napayuko nalang ako nalang aking ulo at akmang aalis na sana ako ng bigla itong nagsalita.
"Ipagluto mo ako ng breakfast. I don't eat hard in my breakfast." utos niya sa akin sabay hawak ng kanyang tasang may lamang kape at dinala ito sa kanyang bibig.
"Okay." sagot ko sa kanya at tumalikod na ako ngunit bago pa man akong lubusang makaalis ng dining table muli kong narinig ang kanyang boses.
"Fried rice with garlic toppings. Marami." pahabol nito. Ang buong akala ko ay yon lang ngunit may pahabol pa pala ito.
"At saka lagyan mo ng kunting string onions."
"Opo!
Pagkatapos kong maluto lahat ng pagkain para asawa/amo ko ay agad kong isinalin ito sa lalagyan at inilapag sa ibabaw ng mesa.
'Akala ko ba hindi siya kumakain ng hard breakfast. Tssk.' ani ko sa sarili ko habang naglalagay ng serving spoon habang ang taong pinagsisilbihan ko ay busy sa kakahawak ng cellphone habang sumusubo ng itim na seedless grapes. Pagkatapos kong maiayos ang pagkain sa mesa ay siya namang pagtayo nito at inabot ang attache case nitong nakapatong sa katabi niyang upuan at saka umalis ni hindi man lang ako tinignan. Dahil sa may katangahan hindi ko siya natanong bagkus sinundan ko siya sa may pintuan.
"Ayaw mong kumain?" tanong ko sa kanya ng maabutan ko siyang nakahawak sa pintuan ng kanyang black Audi 8.
"Sinabi ko bang kakain ako?" Wika niya sa akin sabay bukas ng pintuan ng kotse at pumasok na. Akala ko tatalbog na sng puso ko ng magulat ako sa lakas ng pagsara niya ng kanyang kotse akala ko nga mahuhulog na e buti nalang hindi.
"Mapapatawad mo rin ako, Alejandro." usal ko habang nakatingin sa papalayong kotse nito.
"At hihintayin ko ang araw na iyon." ani ko pa sa aking sarili bago isinara ang gate at lumapit sa bakanteng garden.
"Ano kaya ang gagawin ko dito?" tanong ko habang nakatingin sa garden na hindi na linisan. Mamayamaya pa itinaas ko na ang manggas ng aking T-shirt at nagsimula ng magbunot ng damo. Wala pa akong ideya kong anong klase ng bulaklak ang aking itatanim pero madali lang iyon kapag natapos ko na itong garden na ito.
'Siguro rose?' Pero matitinik ang mga yon. Siguro dapat puro mga santans nalang yong dwarf santan.' Parang ang pangit naman pag puro santans lang siguro lagyan ko ng mga sunflower.'
"No. Carnation nalang kaya at saka malaysian mumps na iba-iba ang kulay andaming kulay kasi ng malaysian mumps. May white, blue, yellow, red, etc. Kaya mas okay nga siya para magmumukhang bahay na talaga ito.' ani ko sa sarili ko habang nakangiting nagbubunot ng damo habang nagsimula nang magsilabasan ang aking pawis sa noo.
"Pagnamamulaklak na ang garden na ito tiyak nang magiging masaya ang lahat."

BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...