CHAPTER 18
"Nanay bakit po nandito kayo sa labas may problema po ba?" nag-alalang tanong ko sa matanda. Alam kong pinagalitan siya si Alejandro dahil sa narinig kong tinawag siya at kinausap ni Alejandro tungkol sa nangyari kanina. Bakit ba kasi napakabig deal para sa kanya ang ginawa ko kanina ganon na ba talaga ako kasama para sa kanya? Ganon na ba talaga ang galit niya sa akin? Galit pa ba yon o pagkamuhi? Napakurap ako ng ilang beses dahil sa aking naisip.
"Ano kaba Analia bakit mo iniisip ang mga ganyan naiiyak ka tuloy napakatanga mo talaga alam mo namang masasaktan ka mag-iisip ka ng ganon, quit it." saway ko sa aking sarili saka inayos ang sarili at tumingin ng diretso sa mga mata ni nanay Mildred.
"Huwag kang iiyak Analia, you're brave, right?" kausap ko sa aking sarili at pinasigla ang aking mukha.
"Yes. I am brave."
"Nanay ano ang nangyari sayo?" tanong ko sa kanya na nagkunwaring walang alam.
"W-wala anak.-pagsisinungaling sa akin ni nanay na lagpas ang tingin sa akin. -nandito ako para mag-isip isip marami kasi akong iniisip sa ngayon at kailangan ko ng fresh air para naman makapag-isip ako ng maayos." sagot sa akin ni nanay saka hinawakan niya ako sa aking balikat.
"Nanay naman bawal magsinungaling." wika ko sa kanya na may biro ang tono.
"Ikaw talaga anak andami mong kalokohan." nakangiting wika sa akin ni nanay pero halata ang lungkot sa kanyang mukha at pati ang kanyang ngiti ay hindi gaano kasaya. Hinarap ko si nanay at nginitian bagi nagsalita.
"Basta nanay huwag mo akong alalahanin may awa sa akin ang Panginoon wag mo akong intindihin at ang dapat mong intindihin ay ang iyong kalusugan."
____
"Before, I leave I really need to tell you this. Don't touch anything, everything, okay?" bilin sa akin ni Alejandro. Sa bawat pagbigkas niya ng mga kataga ay ramdam ko ang kanyang galit sa akin. Animo akong isang bata na pinapagalitan ng isang ama na gumawa ng isang napakalaking kasalanan.
"O-opo." sagot ko habang ang mga mata ko ay nakatutok lang sa sahig. Hindi ko kasi kayang salubungin ang puno ng galit niyang mga mata at ang pinakaayaw ko ay sa lahat ay kong gaano niya kamahal si Nathalie. Sa bawat pagkisap ng kanyang mga mata ang nakikita ko lang dito ay galit sa akin at pagmamahal sa babaeng patay na.
"Don't yes for me, just do it." galit niyang wika sa akin saka tumalikod na ngunit nakadalawang hakbang palang ito ay muli itong lumingon kaya huling-huli niya akong nakatingin sa kanya na puno ng pangungulila at pag-iintindi ang aking mga mata.
"Don't-hindi na niya naituloy pa ang iba pa niyang sasabihin ng napatitig siya saglit sa aking mukha.--never mind." wika nalang niya sa akin at inis na humakbang palabas ng bahay.
"Kakayanin ko ang lahat para sayo Alejandro. Mahal kita." bulong ko habang ang aking mga luha ay nag-siunahan ng lumandas sa aking pisngi habang tinitignan ang pintuang nilabasan ni Alejandro. Aalis na sana ako at didiretso na sa aking kuwarto ng bigla nalang may nagsalita mula sa aking likuran.
"Alam kong mahihigitan mo siya anak at balang araw makakalimutan din siya ni Alejandro. Patay na siya anak at sana hindi mo siya kakumpetinsiya at sana nga hindi mo siya makita bilang ng isang kakumpitensiya." ana sa akin ni nanay saka lumapit sa akin at hinagkan niya ako ng mahigpit.
Oo nga naman patay na si Nathalie pero ang kanyang alaala sa kay Alejandro ay buhay na buhay pa kay Alejandro paano ko papalitan ang isang patay sa taong hindi pa nakakamove on at walang planong magmove-on? Paanong hindi ko masasabing hindi ko siya kakumpetinsiya kong ang sa bawat pagkibot ng bibig nito ay ang pangalan ng babaeng yon at kong gaano nito kamahal. Paanong hindi ko iisipin ang lahat ng iyon ng dahil sa kanya nararanasan ko ang ganito. Mahal ko si Alejandro ngunit ang mahal niya ay hindi ako at hindi talaga maging ako dahil ang mahal niya ay walong buwan ng nakalibing ngunit nanatiling nasa puso ni Alejandro. Walang iba kundi si Nathalie Shin, ang babaeng nasa sala ang malaking portrait niya na akala ko nong una ay kapatid ko ina niya ito ng kabataan pa dahil nga sa hindi ko kilala ang mga magulang nito o kong may kapatid ba ito. Humagolgol ako habang nakayakap ng mahigpit kay nanay Mildred na tila sa kanya ako kumukuha ng lakas para harapin ang umaga dahil sa bawat araw na kasama ko si Alejandro ay palalim ng palalim ang sugat na iniiwan niya sa akin. Tatlong buwan na kaming kasal at sa loob ng tatlong buwan na iyon ay hindi ko pa naranasang o nakitang hindi galit ssa akin si Alejandro.
"Nak, kaya mo pa diba?" naiiyak na tanong ni nanay sa akin habang hinimas himas ang pa niya ang aking buhok. Hindi ako sumagot bagkus mas hinigpitan ko pa ang aking pagyakap ko sa kanya, for assurance.
"Kaya ko pa nanay." sagot ko at kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin at pinahid ko ang aking mga luha sa pamamagitan ng aking kamay.
"Alam kong maliit lang na bagay ito nanay at aminado akong darating ang panahon na magbabago si Alejandro pati ang pagtingin niya sa akin." nakangiti kong wika kay nanay Mildred ngunit ang sabi ng isip ko sa akin ay..
"Talaga bang kaya mo pa at hindi ka susuko?" yan ang tanong sa isip ko na hindi na pilit kong iwinawaksi.
"Salamat anak. Huwag kang mag-alala anak, nandito lang ako para sa iyo at tutulungan kita." pangako sa akin ni nanay at sinuklay-suklay pa niya ng sarili niyang daliri ang aking buhok.
"Ako ang magluluto." masigla kong wika kay nanay habang nagpupunas ng luha sa aking mga mata.
"Ay naku obligasyon ko yata yan a." si nanay.
"Dalawa lang naman tayo dito kaya ako na po." ani ko sa kanya sabay hakbang palapit sa kusina.
"Bahala ka anak, isa pa masarap kang magluto keysa sakin kaya tara."
"Akala ko magpapakipot ka pa."
"Sino nagsabi anak?"
"Ah. Ibig sabihin may balak ka palang ako ang palulutuin?"
"Kong papayag ka kong sakali."
"Hahaha."
__
A/N
Hi, valentinianas! Nagpapasalamat po ako sa inyo dahil sa binabasa niyo ang aking kuwento kahit na hindi po gaanong kaganda ang aking gawa. Sana po ay magkasama parin tayo hanggang sa huli at hanggang sa matapos ang kuwento nina Analia at Alejandro. 😘😘

BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...