CHAPTER 20
"La la la la la.--pakanta-kanta ako habang nagba-vaccume ng sahig sa sala. Masaya kasi nagyon kasi tatlong araw na akong hindi inaaway at pinapagalitan ni Alejandro baka ito na ang simula at magbabago na ang pagtingin niya sa akin, baka ito na ang simula ng bagong buhay namin at sana nga magkaayos na kami. At sana, sana lang Lord makakalimutan na niya si Nathalie yon lang po ang hinihiling ko po sa inyo ang makalimutan niya si Nathalie para makapasimula na kami ng panibago. Panibagong buhay at panibagong alaala.' dasal ko habang patuloy sa pagtulak ng vaccume mula sa kaliwa pa kanan, kaliwa pa kanan. Hanggang sa matapos ko ng linisan at hanggang sa mapagod ako sa kakavaccume. Umupo ako sa pinakamalapit na couch at isinandal ang napapagod kong katawan sabay pikit ng aking mga mata.
"Rest for a minute." ani ko pa saka tuluyan ng pumikit.
___
Nagising ako at agad napatingin sa isang antique na wall clock alas onse biente dos na palace nakadalawang oras din pala ang ang tulog kaya pala medyo magaan ang pakiramdam pero bakit parang nananamlay ako e kakagising ko lang at saka kinabahan ako bigla. Ano naman kaya ang mga nangyayari sa akin bakit parang abnormal na yata ako. Tumayo ako mula sa pagakakaupo at hinatak papauntang stock room hatak-hatak ang vacuum saka ko ito iniwan doon kita mo lang pati vacuum kinatulugan ko lang at hindi ko muna ibinalik sa tamang kalalagyan. Tss.
____
" Anak." yogyog.
"Anak." Pukaw sa akin ni nanay Mildred.
"Anak, tumayo kana diyan at kumain na tayo ng pananghalian." ani ni nanay sa akin habang ang kanyang kamay ay nasa balikat ko pa nakapatong. Umupo akong pumupungas-pungas at tumingala kay nanay Mildred.
"Bakit po?" tanong ko kay nanay habang nangtatanggal ng mota sa aking mga mata.
"Kakain na tayo." si nanay Mildred. "Nakatulog ka kasi dito sa couch kaya hindi mo na alam kong anong oras na." dugtong pa nito.
"Anong oras na po ba?" tanong ko kay nanay sabay tayo.
"Alaa dose katorse (12:14) na po anak." nakangiting wika sa akin ni nanay saka inalalayan ako papauntang kusina.
"Alam mo nanay, masaya ako ngayon dahil hindi na galit sa akin si Alejandro. Feeling ko nasagot na ni Lord ang wish ko." ani ko kay nanay na nakangiti habang naglalakad kami palapit ng kusina.
____
'Bakit Kaya ako kinakabahan ng ganito, ang pangit naman sa pakiramdam. Bakit kaya?' kausap ko sa aking sarili habang naglalakad bitbit ang bayong palabas ng palengke. Ang mahirap pa e hindi ako makakalabas kaagad ng palengke dahil sa dami ng taong namalengke rin katulad ko kaya sigurado ng makupagsiksikan muna ako bago tuluyang makalabas ng palengkeng ito. At sa tinagal tagal ng pakikipagsisikan ko ay nakalabas din ako. Namalengke kasi ako at bumili na rin ng mga gulay para sa lulutuin bukas kinulang kasi ang mga pangsahog ni nanay Mildred para sa chapsuey kaya tuloy napabili ako. Hindi naman pwedeng si Nanay Mildred nalang palagi kaya nagprisninta ako sa kanya. Matanda na si nanay at ang dapat sa kanya ay ang magpahinga.
"Bakit ba kasi ako kinakabahan?" malakas kong tanong sa aking sarili at saka nag-abang ng taxi pauwi. Hindi pa umabot ng isang minuto nakahanap na ako ng taxi at ngayon ay pasakay na ako. Umupo ako sa likuran ng taxi saka ibinigay ang address ng bahay namin nagrereklamo pa siya dahil daw sa malapit lang ang address na binigay ko at pwede ko lang malakad e pakialam niya sa nagmamadali ako at kinakabahan baka kong ano na ang nangyari sa bahay o kay nanay Mildred mag-isa pa naman siya doon.
"Huwag pi kayong mag-alala mamang driver babayaran po kita ng isang daan." pasungit kong wika sa masungit na driver. Kong di lang ako nagmamadali baka e-report ko muna siya sa LTFRB dahil namimili siya ng pasahero.
"Sayang po kasi gas Miss." sagot naman nito sa akin.
"Nagmamadali po kasi ako manong." ani ko sa kanya at atat na atat ng makauwi.
"Kinakabahan kasi ako manong maawa ka naman sa akin." wika kong nagmamakaawa Kay manong driver.
"Ah, ganon po ba miss?"
"Opo, kuya." sagot ko sa kanya kaagad.
"Kaya please, bilisan mo na." pagmamakaawa ko sa kanya ulit.
"Opo miss, pasensiya na po sa abala." ana ng driver at pinaharurot na ang kanyang taxi. Habang ako naman ay Hindi ko malaman ang aking gagawin dahil sa kabang narardaman.
Pagkaraan ng 15 minutes ay narating din namin sa wakas ang bahay at habang papalapit ako ng bahay ay doble-doble ang kabang nararamdaman ko na animoy mawawalan na ako ng hininga. Agad kong inabot ang pambayad ko kay mamang driver na nagpasalamat din kaagad pagkatanggap niya ng aking bayad at agad na umalis sa tabi ko. Mabilis kong binuksan ang gate ng bahay at nakita ko ang kotse ni Alejandro na nakapark na sa garage ngunit hindi ko iyon pinansin kahit na ng makita ko ang kotse niya ay nagpadagdag bang kaba sa akin nagmamadaling pumasok sa loob mabilis kong ipinatong sa mesa ang aking pinamili at agad pumunta sa kuwarto ni nanay Mildred para macheck siya. Mabilis ang hakbang kong lumapit sa kuwarto ni nanay at laking pasalamat ko dahil sa nakita ko siyang mahimbing ang tulog habang ang isang kamay nito ay nakapatong sa kanyang noo at isa naman ay nasa kanyang tiyan. Napangiti ako at nagpasalamat sa panginoon dahil wala namang masamang nangyari kay nanay ngunit ng maalala ko si Alejandro ay doon ako kinabahan. Patakbo akong nakapaa paakyat ng hagdan at tinunton ang pasilyo patungo sa kuwarto ng aking asawa at ng marating ko na ang pintuan ng kanyang silid mas ako kinabahan kaya hindi na ako kumatok pa at iyon ang pinakamalaki kong kasalanan sa lahat ang buksan ang silid ng may silid at makitang may babaeng nakapatong sa kanya.
"Si Alejandro kasama si Agatha na nakapatong sa kanya at naghahalikan. Para akong ipinako sa aking kinatayuan habang si Alejandro naman ay nakatingin lang sa akin at si Agatha naman ay may successful smirk na nakatingin sa akin.
_____
Thanks to JubeiWP for making a book cover for my upcoming story " I Turn over Myself To The Mafia Boss". To those who wants to make a story at gustong magkaroon ngagandang book cover please just chat jubeiWP dahil gumagawa siya ng magandang cover. Thank you. 😀😘

BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...