Ocho-

95 4 0
                                    

CHAPTER 8

Lia's POV

Halos hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Engaged na ako at hindi ko man lang alam na may ganito pa lang mangyayari sa araw na ito. Maayos ang tulog ko kagabi pati na rin paggising ko kanina kumakanta kanta pa nga ako habang nagluluto ng almusal tapos ganito ang mangyayari sa mga oras na ito.

Tiningnan ko ang mukha ni Andro habang nakangiting tumango sa mga bumabati sa amin. Halos hindi ko matanggap ang kanilang pagbati. Lagot ka talaga sa akin mamayang gago ka.

Naputol ang pagmamurder at pagbababanta ko kay Andro sa isip ko ng may humawak sa kanang kamay ko at sabay sabi ng "congratulations" ngumiti ako sa kanya ng peke na animoy may nakapatong na asin sa dila at nagpasalamat.

"Hehe. Salamat po." pilit kong pasalamat sa mga bumati. Nakakainis ka talagang gago ka. Kunwari ay tumingin ako sa aking kaliwa para maapakan ko ang paa ni Andro. Gumalaw ako ng kunti sabay apak sa kanyang paa. At ang gago hindi man lang natinag. Yumuko lang sa akin at tiningnan ako. Walang kuwentang teknik pala ang naisip ko.

'Tingnan ko lang mamaya kong hindi ka tatakbo sa akin na hayop ka.' wika ko sa isip ko at ngumiti sa kanya sabay usal ng "Sorry." Tumango lang ito at ang hindi ko napaghandaan ang bigla nalang niyang paghalik sa gilid ng labi ko. Futspa. Parang kinuryente ako don a, mabuti nalang at mabilis lang para siyang manok na tumuka ng bawal na pagkain.

Akmang hahalik pa siya ulit sa akin ng salubungin ko ito ng aking palad at nilakumos ang kanyang mukha at nagkunwaring may dumi. Kunwari tinanggal ko lang. Pero ang sarap pakinggan ng aray niya ha.

Mamaya hindi na aray ang naririnig ko sa kanya kundi kundi malakas niyang 'TULONG' na isisigaw niya halos marinig ng buong bayan.

____

"Bakit ba ang tagal ng oras ngayon? Kanina 5:00pm na bakit ngayon 5:20 pm palang? Pinapahirapan yata ako ng tadhana a. Nakakainis." inis na inis kong bulong habang nag-aayos ng mga paninda sa aking tabi. Dahil wala pa namang costumer na magbabayad.

"Bakit ba napakabwisit ng araw ko ngayon? Kanina lang ang ganda ng mood ko tapos nasira at sinira lang ng nilalang na yon. Oo. Kinilig ako kanina... What? Ako kinilig? No, no. Erase. Erase. Hindi ako kinilig kanina. Pero bakit may kuryente? Ha? Kuryente? Duh! Masyadong mainit lang kanina no. Tss. Asa." wika ko ulit sa aking sarili. Kinakausap ko pala ang aking sarili. Kinuha ko ang aking maliit na basahan at inisa-isang punasan ang isang brand chewing gum na nasa maliliit na plastic bottle.

"Bakit niya kayang ginawa yon? Bakit niya ako papakasalan, may hidden agenda ba siya o mahal nga niya ako?" At saan mo naman nakuha ang salitang mahal na yan Lia? Three weeks pa lang kayong magkakailala at paano naging love yon? Isa pa hindi nga siya nanligaw ng maayos e dinala lang niya sa mabilisan. Tsk. Napakadali mong makuha."

"Ano? Madali akong makuh? Sino may sabi? Sino may sabi ha, at ng mabogbog ko ng tuluyan?"

Wait? Bakit ko ba kinakausap at kinakalaban ang sarili ko baliw na ba ako? Epekto na ba to ng Andro disease o epekto lang to sa mga mabilisang pngayayari sa buhay ko ngayong araw? Patay na talaga ako kinakausap ko na nga ang sarili ko. Peste." padaskol kong ibinalik ang basahan sa pinaglalagyan ko at nakasimangot na nakatingin sa mga namimili. Nakakainis na nakakakilig ang area na to.

"In fairness ang cute ni Andro makipag-usap sa mga costumer." nakangiti- What? Hindi siya cute. Hindi sa cute pramis."

Pero bakit ang cute niya talaga habang hawak ang isang can goods habang nakipag-usap don sa costumer? Bakit? Bakit?

"Nababaliw na talaga ako." wika ko sa sarili ko sabay sabunot sa sariling buhok na animo kitikiti na nagsisipa sa ilalim ng counter.

Tsinek ko uli ang aking wrist watch anong oras na at nakita kong 5:40 na dahil don nakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan dahil pagpatak ng 6:00pm magsasara na ako at pagkatapos mabogbog ko na ang lalaking yon. Pinikot niya lang ako para pakasalan siya. Akala ko ba nasa panahon na tayo na may freedom to chose to select bakit ganito Ang nangyayari sa akin bumalik ba kami sa 20th century at ng may ganitong sistema? Saan ba dapat ako mapabilang na panahon ngayong 21st ba o 20th century. Pinikot niya lang talaga ako e.

"Wait PIKOT? Diba tinututukan ng baril ang pikot?" tanong ko sa aking sarili.

"Oo nga no. Pero parang ganon na rin ang ginawa niya sa akin e. Pinikot niya lang ako at ginamit niya ang mga costumers ko para mapasagot niya ako ng OO."

"Wait. Hindi naman ako umoo a. Diyan naman tayo mag-aaway e. Magsasalita ka na nga lang mali mali naman ayusin mo nga diyan tayo magkakagulo e."

"Sino ba kaaway ko?" tanong ko ulit sa sarili ko.

"Ahhh. Nababaliw na talaga ako." Tumayo na ako bago pa ako tuluyang mawala sa sariling katinuan.

"Guys, magsasara ako ng maaga. Sorry for today." pag-a-announce ko sa lahat ng costumers dito sa loob kaya naman nagsilapitan na yong ibang costumer dito sa counter ngunit ang iba ay nagpatuloy pa sa magpili ng kanilang bibilhin dahil sa marami pa namang taong nakapila sa akin. Nagsimula na akong magpunch sa mga pinamili ng costumer namin na nauna sa pila medyo marami-rami din ang pinamili nito kaya nagpasalamat ako sa kanya. Lagi naman akong nagpapasalamat kahit gaano pa yan kadami o isang piraso lang ang bibilhin pinapasalamatan ko yan dahil pera yan at kita ng tindahan ko yan. May pitong costumer na akong natapos at may lima pang nasa linya wala pa diyan ang inaasikaso ng kaibigan ko at ni Alejandro. Speaking of Alejandro parang nabula niya ang mga costumer namin at maraming pinagbibili ang mga costumer na ini-estima niya may pagka-abnormal talaga at lahat nalang  ay bobolahin sana naman hindi ko pagsisisihan ang mga ito sa bandang huli. Dahil nakakatakot. Nakakatakot lalo na kong alam mong sa bawat pagsugal mo ay matatalo ka. Nakatitig lang ako kay Alejandro at saka bumulong sa sarili.

"Wait for my revenge Alejandro."

    HIS REVENGE  (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon