Dedicated to:
@EmelizahLaborteParanCHAPTER 19
"Nanay nandiyan na si Alejandro ikaw na ang tumapos ng mga ginawa ko papasok na muna ako sa kuwarto ko." halos natataranta kong wika kay nanay Mildred at isiniksik sa kanyang kamay ang hawakan ng pangsandok. Ako kasi ang nagpupumilit na magluto ngayon dahil sa nakakawala ng stress ang pagluluto lalo na pagkinain ko na ang niluto ko lahat ng mga narardaman ko nawawala kasi naisip mo na ang mo pinagpaguran ay matitikman mo na at isa ang gutom ko siyempre mawawala. Mabuti naman at kinuha kaagad ni nanay sa kamay ko ang panandok at kaagad kong tinanggal ang apron at ng matanggal na mabilis akong kumaripas patungo sa aking kuwarto. Mabuti nalang at narinig ko ang pagdating niya kong hindi baka kong ano pa ang matatanggap kong maaanghang na salita mula sa kanya. Mahirap na mas maganda yong umiwas. Isa pa napag-isip-isip ko na din na huwag muna siyang galitin baka mapaaga ang malalaang away namin o kaya hihiwalayan na niya ako ng tuluyan.
"Wait. Hihiwalayan ba niya ako? Sa pagkakaalam ko naghihiganti siya sa akin kaya. Hehe. Hindi niua ako hihiwalayan. Yehey!" tuwang-tuwa kong wika sa sarili ko habang nakaharap sa salamin at sinusuklay ang sarili n may malawak na ngiti sa labi.
"Sabi ko na nga ba magsasama kami ng habang buhay kaya sorry nalang kayong mga malandz kayo dahil hindi kami maghihiwalay ng asawa ko." wika ko ulit na nagsimula ng sumayaw sayaw sa harap ng salamin.
"Hindi kami maghihiwalay..kanta ko habang sumasayaw-sayaw at kumukumpas kumpas ng kamay..-hindi kami maghihiwalay
Hindi kami maghihiwalay." pantapos ko ng kanta ko sabay ikot at taas ng kanang kamay habang yong kaliwa kong kamay ay nasa beywang ko ng napansin kong may taong nakatayo sa labas ng pintuan ng kuwarto ko at ganon nalang ang panlaki ng mata ko at pamumula ng mukha ko dahil hindi si nanay Mildred ang nakatayo don kundi si Alejandro. Tumingin ako sa kanya saka tumingin sa kamay kong nakataas muli akong tumingin kay Alejandro na seryoso ang pagmumukha kaya dahan dahan kong ibinaba ang aking kamay habang nakatingin sa sahig dahil sa hiya."OMG. Ano ba tong kahihiyan ang ginawa ko?" nakangiwi kong tanong sa sarili ko habang saka kinuha ko ang isa ko pang kamay sa beywang ko at pinagsalikop sa harapan ko ang aking kamay habang hindi makatingin ng maayos kay Alejandro. Nahihiyang tumikhim ako para naman matapos na itong nakakahiyang eksena para na rin makaalis na si Alejandro. Umayos ng tayo si Alejandro at tumingin sa akin diretso sa mga mata.
"My house is not a bar house so please don't dance because you're the ugliest dancer in the universe." wika ni Alejandro sa akin na nagpakirot ng aking dibdib.
"By the way, thanks for not touching my things and keep your hands out of it." wika pa nito saka nilayasan ako ng masama ang loob.
"The ugliest dancer in the Universe, huh." ani kong umupo sa sahig habang hinihimas ang aking dibdib.
"I feel pain."
_____
"Himala yatang hindi ka pinagalitan ni Sir Alejandro, anak." wika sa akin ni nanay Mildred habang nakahawak ng siyanse dahil sa nagprito kami ng tilapia para gawin naming eskabitse pang-ulam namin sa pananghalian.
"Hindi ko nga rin po alam nanay pero masaya ako dahil hindi siya nagagalit sa akin ngayon." sagot ko namam kay nanay habang naghihiwa ng kamatis.
"Ang akala ko kasi hindi na matapos-tapos ang galit niya sa akin pero ngayon siguro sinagot na ng Panginoon ang mga dasal ko nanay." masaya ko pang dugtong at itinigil ang paghiwa ng kamatis at timingin kay nanay Mildred habang ang mga ngiti sa labi ko ay hindi maalis-alis.
"Salamat po Panginoon kong ganon." nasambit ng matanda saka kinuha ang kalahating katawan ng malaking tilapia sa kawali at inilipat ito sa malaking pinggan.
"Sana nga tuloy-tuloy na yan anak." wika ni nanay sa akin at tinignan pa muna ako ng mabilis saka muling humarap sa kawaling may lamang mantika at muling naglagay ng tilapia sa kawali. Mabilis nitong tinakpan ang kawali para hindi ito matalsikam ng mainit na mantika.
"Sana nga nanay dahil nalulungkot ako kapag masama ang loob niya sa akin at nasasaktan ako kapag nagagalit siya sa akin, nanay. Mahal na mahal ko kaya siya." ani ko pa at ipinagpatuloy na ang aking ginagawa.
"Sana nanay pati bukas at sa susunod at susunod at sa susunod pang mga bukas ay okay lang kami ni Alejandro." malungkot kong wika habang ang mga mata ay nakatutok lang sa aking hinihiwa.
"Amen." mabilis na sagot ni nanay sa akin sabay crosa sign.
"Sa tingin mo nanay makakamove on pa kaya si Alejandro kay Nathalie?" seryoso kong tanong kay nanay Mildred na siyang nagpatigil sa pagbukas ng takip sa kawali saka tumingin sa akin ng seryoso.
"Oo naman anak. Sigurado akong makakamove on siya kay Nathalie at ikaw ang dahilan non._lumapit sa akin si nanay pagkatapos niyang patayin ang gas.__wag kang mawalan ng pag-asa anak alam kong nandiyan lang ang Panginoon at nakikinig sa bawat dasal at mga kahilingan natin at alam kong sasagutin niya lahat ng mga kahilingan mo hintayin mo lang anak. Huh." mahabang paliwanag sa akin ni nanay at tinapik-tapik niya ang aking balikat saka muling humarap sa kalan muli niyang ini-on ang gas at muling hinarap ang pagluluto.
"Naniniwala ako sa Panginoon, nanay." wika ko sa aking isip habang nakatingin sa likod ni nanay Mildred na umaasa at pinapasa-Diyos nalang ang lahat. Kong maibabalik ko lang sana ang panahon baka hindi kami naging ganito ni Alejandro. Kong maibabalik ko lang sana ang panahon baka napigilan ko pa si Tatay bumiyahe noon. Kong maibabalik ko lang sana ang panahon, sana kinilala ko ng mabuti ai Alejandro para hindi ako masasaktan ng ganito at hindi ganito ang sitwasyon naming dalawa. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon baka natulungan ko pa si Alejandro aa pagmomove on at sana kong nangyari yon namumuhay sana siya ngayon na walang galit at hinanakit sa kanyang puso. Kung nakilala ko lang sana siya sana noon ng mas maaga kesa kay Nathalie sana hindi kami umabot sa ganito. Sana walang away sa pamamagitan namin at sana walang REVENGE na nagaganap sa pagitan namin ngunit ang katotohanan ay nanatili lang sa SANA at ang katotohanan ay sa akin ay galit na galit siya at ang puso niya ay naging bato na.
BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...