CHAPTER 23Pagkatapos kong kausapin ang picture ni Nathalie na nakasabit sa dingding tumayo ako at pinunasan ito ng malinis at puting tela at pinunasan ito ng pinunasan ng paulit-ulit bago ko ibinalik sa dingding kong saan ito nakasabit. Muli kong tinitigan ang kanyanglarawan ng matagal na walang katagang lumalabas sa aking bibig.
'Ang ganda mo talaga. Kaya sobrang nainlove sayo si Alejandro e. Ang swerte- swerte mo talaga sa kanya kasi magpahanggang ngayon mahal ka niya at kahit anong gawin ko di kita mapapalitan sa puso niya.' wika ko sa isip ko habang nakatitig sa magandang mukha nito sa frame.
"Ang swerte mo rin talaga e no, dahil kahit patay ka na may Alejandro paring patay na patay sayo. Alam mo bang naiinggit ako sayo at di ko maiwasan sabihin sa sarili ko na sana ikaw ay ako at ako ay ikaw." ani ko pa at hinaplos halos ko ang mukha ni Nathalie sa picture.
"Ngunit dahil sa kasaklapan ng tadhana at dala na rin ng katotohanan ang ikaw ay hindi talaga maging ako kahit anong gawin ko. Buhay ako at patay kana. Nakapahinga ka na sa tabi ng Maykapal ako heto pa nakikipaglaban Kay tadhana."
"Ang swerte mo talaga dahil hindi mo mararamdaman ang sakit katulad ng sa nararamdaman ko ngayon. Sabagay bakit mo naman dadanasin ang sa akin e magkaiba nga tayo. Ikaw si Nathalie at ako naman si Analia. Dalawang babaeng magkaiba, sa pangalan, prinsipyo, pananalita at estado sa buhay. Kahit nga sa degree magkaiba tayo pero alam mo bang kahit papano ay masaya dahil kahit ikaw ang mahal ni Alejandro ako ang pinakasalan niya pero ang masaklap na katotohanan ay di ko talaga maitanggi at matago na pinakasalan niya lang ako dahil sa nangyari sayo. Mahal ko siya, ikaw ang mahal niya. Masakit diba? Ang sakit pero kakayanin ko ang lahat ang hanggang sa feeling ko bayad na ako sa mga otang ko sa kanya. Sa otang ng Tatay ko sa kanya. I am now paying my father's owes, but I am happy paying it because I am the daughter of my father and the wife of Alejandro." ani ko sa picture ni Nathalie at saka ngumiti ng may halong pait at saya.
Muli kong iniangat ang aking kamay para haplosin ang magandang mukha nito ang kaso'y namali ako sa aking paghaplos ng frame imbes na sa gitna natabig ko ang gilid kaya bigla nalang itong nahulog pero bago pa man ito tuluyang nahulog sa sahig at nabasag.
Napatakip ako sa aking bibig na nakanganga habang nakatingin sa picture frame na kumalat sa sahig ang kaninay isa lang ngayon ay dumami na. Katulad ng aking puso na dati ay buo pa pero dahil sa mga pangyayari ay nadurog ito at nagkasugat ng paulit-ulit at hindi ko na mabilang. Dahil sa pagkatakot ay hindi ko namalayan na dumudugo na pala ang aking paa nasugatan ito ng basag na frame at may maliit pang bubog na nakatusok sa dito sa bandang gitna ng pinakamaliit kong daliri sa paa.
"Ano ba itong nagawa ko? Ang tanga mo talaga Analia." bulyaw ko sa aking sarili habang nakatingin sa nakalakat sa sahig.
"Patay talaga ako nito pagnahuli ako. Another world war naman ito kong pagnagkataon.
Dahil sa aking takot na baka makita ako o mahuli ni Alejandro agad kong pinulot ang mga bubog at wala akong pakialam kahit natutusok na ang aking mga kamay ng bubog at itinakbo sa aking kuwarto dahil ayokong makita ako ni nanay Mildred baka nenerbiyosin pa ito sa akin. Inilapag ko muna sa sahig ang mga bubog saka ako kumuha ng plastic at muling kinuha ang lahat ng bubog sa sahig at ipinasok sa loob ng plastic itinali ko ito ng mabuti at inilagay ko sa loob ng aking basurahan at pagkatapos agad kong binalikan ang sala kong saan ay may nakalakat pang mga maliliit na bubog at winalis na.
"Sana hindi malaman ni Alejandro ito." ani ko at inilagay sa basurahan ang mga maliliit na bubog. Pagkalagay ko naman ay agad kong hinanap si nanay Mildred para manghingi ng picture frame pampalit sa nabasag ko. Mabilis akong lumapit kay nanay ng makita ko siya sa hall way ng bahay kaya kaagad ko siyang nilapitan.
"Nanay may alam kaba kong saan ni Alejandro tinatago ang mga picture frames niya? Gusto ko kasing manghingi. " ani ko sabay punas ng aking kamay na nagdudugo sa aking damit pasalamat nalang ako at itim ang aking pantalon dahil Hindi kita ang kulay ng dugo ko sa bawat pagpahid ko dito. Tinitigan ako ni nanay saka nagsalita.
"Alam ko nak, bakit may picture kaba na gustong isabit? Kayo ba yan ni sir Alejandro? nangingiting tanong ni nanay Mildred na may kasama pang kindat sa akin.
'Naku nanay, Kong alam mo lang. Kong alam mo lang na nabasag ki ang frame ni Nathalie alam kong magpapanic kana kaya sorry nanay.' ani ko sa isip ko habang nakatingin sa likod ni nanay Mildred habang nagpatiuna sa pag-akyat ng hagdan at may isang silid si nanay na binuksan at saka kumingon siya sa akin at nagsalita.
"Bawal pumasok dito pero dahil tayong dalawa lang naman dito bilisan mo ma baka maabutan pa tayo ni Alejandro." ani sa akin ni nanay na nagpakaba sa akin. Bawal pala e, bakit pa niya binuksan dahilan naman to para mag-away kami ni Alejandro. Ngunit dahil sa kailangan at kagustuhan kong mapalitan ang picture frame na nabasag ko pumasok ako sa loob ng kuwarto para makakuha na ng panibagong frame. Sa pagpasok ko ay una kong nakita ang maganda at malaking kama ngunit medyo maalikabok na dahil sa katagalan at walang may gumagamit lalo na dahil sa kulay nitong peach kaya litaw talaga ang mga dumi. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng solid ng bigla nalang nasagip ng aking mga mata ang mga picture na nakasabit sa dingding halos hindi na nga dibgding ang makita mo kundi puro peach na picture frame at laman nito ay siyang dahilan sa pagtigil sa tibok ng aking ng puso.
____
Salamat sa nagvote ng kwentong ito at sana ay hindi kayo mapagod sa pagsubaybay sa estoryang ito.
Life is goon even it hard you can't refuse when destiny's comes to you and give a challenge that you think you cannot stand on, but always remember God never give us challenge that we can't survive, His here and never leaves us.
Happy Friday.
Missingvalentina.

BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...