Quatro-Boyfriend?

130 7 0
                                    

CHAPTER FOUR

"LIA'S POV

Napaypay ako sa sarili ko gamit ang aking mga kamay dahil sa aobrang init na nararamdaman ko sa aking dahil sa hiya. Bumuga ako ng hangin at mas lalong pang pinamulahan dahil sa titig na titig siya sa akin. Sigurado ako pati leeg ko singpula na ng kamatis pati ang teynga ko.

"Uh-ahm, p-pareho." sagot ko habang nakayuko at kinakamot ang aking noo kahit hindi naman nangangati.

Dinig ko ang mahina niyang tawa kaya napatingin ako bigla sa kanya na kunot ang noo. At ang loko yumuyogyog ang balikat sa tawa.

"Ahm, bakit?" nagtataka kong tanong sa kanya habang ang kamay ko ay nasa noo ko parin.

"You're so cute." wika niya sa akin sabay pisil ng bahagya ang aking mukha. Pinamulahan tuloy ulit ako ng mas malala pa. Feeling close ang loko samantalang hindi ko naman siya kilala may papisil pisil pa siyang nalalaman sa pagmumukha ko. Bahagya kong inilayo ang aking mukha palayo sa kamay nitong akmang  pipisil ulit sa aking pisngi.

"Bibilhin niyo po ba?" nahihiya kong tanong sa kanya. Sasagot na san siya ng bigla nalang may nagsalita mula sa likod ng lalaki.

"May ibang brand or klase pa niyan sir baka gusto mong tignan." wika ni Paula mula sa likuran kaya napalingon naman kaagad ito sa kaibigan ko at nagsalita.

"Talaga! I never know." sagot naman nitong napakamot sa kanyang panga.

"Yes, so many." sagot naman nitong may matamis na ngiti sa lalaki. "Halika samahan na kita at ng makapagpili ka pa." wika ulit ng kaibigan ko sabay lingon sa akin at kumindat. Ang loka loka kong kaibigan mukhang type pa niya ang lalaking ito. Napailing nalang ako ng mawala na sila sa aking paningin.

"Good luck sa inyong dalawa kong sino ang magaling sa inyo manglandi." ani kong tumingin sa aking cellphone kong may text ako and sad to say meron nga  ngunit bago ko pa man mabasa ang text may tumikhim ng malakas sa aking harapan.

"Ay, sorry mister." hinging paumanhin ko sa lalaking may dalang basket at naghihintay sa aking harapan. Inilapag naman niya isa-isa ang kanyang pinamili sa counter at inilagay sa tabi ang basket.

"Three hundred forty three po, mister." ani ko sa kanya at kinuha naman niya ang kanyang wallet mula sa kanyang bulsa at naglabas ng five hundred pesos. Mabilis ko  namang ini-punch at ibinigay ang kanyang sukli.

"Ahm. Sino ba ang nanalo sa kanilang landian?" tanong ng lalaki sa akin na nagpaangat sa akin mula sa pagsasara ng lagayan ng panukli.

"A-ah. Haha. Narinig mo pala ang sinabi ko." ani kong pilit ang pagtawa. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

"Ah. Sorry. Never mind what I say-ahm, minsan kasi nagsasalita ako ng kung anu-ano." wika ko ulit.

"Ah. Mabuti nalang hindi ka depress just call me if you have a problem or thinking about landian, I'm available." aniyang kumindat at nakangiti sa akin.

"I know you, Steffen. How's your day?" tanong ko sa kanya.

"Very fine, Anna. See next week pupunta akong Italy tomorrow afternoon. Miss me, Anna." aniya saka umalis sa aking harapan.

"Okay." pahabol kong wika sa kay Steffen Saunders.

Nakangiti parin ako habang nakatingin sa papalayong si Steffen Saunders ng wala na siya sa paningin ko saka naman ako tumingin sa harapan ko at bigla naman akong nagulat ng makita ko ang lukot na mukha ng lalaking kausap ko kanina. Napakunot naman ako ng noo habang nakatingin sa kanya.

'Ano bang problema ng lalaking ito bakit ang sama ng titig niya sa akin? May nagawa ba akong mali sa kanya? Siguro dahil sa hindi ko siya natulungan sa pagpili ng alam niyo na nabasa niyo na kanina e.' wika ko sa sarili ko.

"May boyfriend kana ba?" tanong niya sa akin na nagpalaki ng aking mga mata. 'Nasa Q&A ba kami? Di ko alam to a. Di ako na-inform.' wika sa sarili habang lumingon sa gilid ko. Masyado na yatang palakasan ng loob ang araw na to a.

Nilinis ko muna ang aking lalamunan bago ako sumagot sa kanya. "Nasa anong laro ba tayo? Sa anong Serye? Anong channel? Sino ang questioner? Ikaw ba?" sarkastikong tanong ko sa kanya na lalong nagpakunot ng kanyang noo na lalo ko namang kinaiirita. Masyado na yata siyang close sa akin at pati private life ko pinakapakialaman na ng damuhong ito ngayon ko lang siya nakita e ano ba ang papel nito sa buhay ko at masyadong nakikialam.

"Laro? Anong sinasabi mong laro diyan hindi kita maintindihan?" naguguluhang tanong niya sa akin. Inangat ko ang aking mukha at taas noong sumagot.

'Painosente pa ang gago.'

"Oo. Hindi rin kita maintindihan kanina kapa tanong ng tanong sa akin nakakaalarama kana. At yong tanong mo tungkol sa kong anong ginagamit ko." Hindi ko yata kaya baggitin ulit ang bagay na iyon, para sa akin private yon. Sorry pinay ako. Pure pinay. "Yong..yong alam mo na.Tapos ngayon love life ko naman." ani ko sa kanya at nakita ko naman ang pagbago ng kanyang mukha from amusement to serious at tumingin ng deritso sa akin.

"Pero ang tanong ko ngayon ang pinakaimportante sa lahat." anito.

"Bakit napakaimportante yan? Gaano ba yan kaimportante at anong tanong yan?" kunot ang noo kong tanong sa kanya. Paligoy-ligoy pa kasi e, ba't walang diretsahan tatanong na nga lang pinapatagal pa?

"Boyfriend mo ba yong lalaking kausap mo kanina?" tanong niya sa akin at itinukod pa ang dalawang kamay sa counter kaya medyo malapit na siya sa akin.

"Paano naman naging importante yon?" mahina kong wika. "Eh, private yon. Alam mo ang salitang privacy?"

"Syempre, para sa akin importante iyon. Gusto kong malaman kahit private pa yon."

"Naririnig mo ba ang mga  sinasabi mo sa akin?" wika ko na halos hindi makapaniwala. He's a totally playboy.

"Bakit kailangan mong malaman kong may boyfriend ako o boyfriend ko ang lalaking yon?"

"Importante nga kasi akin yon."

"Bakit nga? Hindi ba pwedeng ipagliban mo ang tanong na yan?"

"Hindi pwede. Dapat ngayon may sagot kana sa tanong ko."

"Bakit nga kasi?"

"Basta nga kasi. Bakit hindi mo ako sagutin kaagad, Oo o hindi lang naman ang sagot e."

"Para sa ano naman kong malaman mo?"

"Para makasigurado."

"Para makasigurado?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Para saan? Makasigurado sa ano?"

"Para ligawan ka."

"Para ligawan? Hahaha. Yon lang naman pala e. Ligawan." napatigil ako sa aking pagtawa ng magsink in sa akin ang sinabi ng lalaking nasa harapan ko. "What?"

    HIS REVENGE  (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon