Katorse

78 6 0
                                    

CHAPTER 14

Dumating ako ng bahay ni Alejandro na umiiyak parin ni hindi ako tinanong o kinausap man lang ng driver siguro dahil alam na niya. Alam na niyang nag-away kami ni Alejandro sa mismong araw ng amibg kasal o dahil sa alam na niyang sasaktan at paghihigantihan lang pala ako ng kanyang amo pero bakit? Hindi ko naman alam kong ano ang kasalanan ko sa kanya ni wala nga akong alam.

Bumaba ako ng kotse at nag-aalangang pumasok sa loob pero tinatagan ko ang aking sarili dahil kailangan kong makausap si Alejandro para malaman kong ano ang nangyari at kong ano ang kasalanan ko sa kanya. Pumasok na ako sa loob at nadatnan kong nakaupo sa couch si Alejandro habanv nanonood ng TV at dumagdag pa iyon sa sama ng aking loob. Uuwi lang naman pala siya sa bahay niya tapos di man lang ako isinabay. Lumapit ako sa kanya na malakas ang loob.

"Alejandro,  kailangan nating mag-usap." wika ko sa kanya ngunit parang wala itong narinig at nakatitig parin siya sa telebisyon. Marahan ko siyang kinalabit sa kanyang balikat dahila  para tingnan niya ako ng sobrang sakit.

"Ano ba." pasinghal niyang wika sa akin sabay pagpag ng kanyang balikat na animo may dumi ang aking kamay.

"Kailangan nating mag-usap." ani ko.

"Wala tayong dapat pag-usapan." sagot niya sa akin sabay balik ng kanyang tingin sa TV.

"Kailangan nating mag-usap." mas malakas na wika ko kesa una.

"Ayoko."

"Mag-usap tayo."

"Bakit ba? Ani ba ang gusto ming malaman? Kung bakit maid kita?" sigaw niyang wika sa akin.

"Oo." sagot ko na na mahina ang boses. " At kong bakit mo ako pinaghihigantihan. Ano ba ang kasalanan ko sayo?"

"Ah, gusti mong malaman?" wika niya sa akin na tila naaasar. Tumango ako sa kanya ng dalawang beses.

"Dahil pinatay ng tatay mo ang babaeng dapat pakasalan ko,  ngayong alam mo na magtatanong kapa ba? Ikaw ang kabayaran sa pagkakautang ng ama mo sa akin."

___

CONTINUATION

Nandito ako ngayon sa aking silid katabi ng servants quarter. Pasalamat na nga ako dahil hindi niya ako pinatulog sa labas ng bahay at thankful na rin ako kasi may matutuluyan ako dito sa maynila. Wala akong pera kaya hindi rin ako makakaalis sa bahay na ito at paano ako aalis e mahahanap din naman niya ako. Umupo ako sa ibabaw ng kama at tumingin sa bintana na nakasara at may makapal na kurtinang nakaharang. Halos matunaw ito sa kakatitig ko ngunit alam ko naman sa sarili ko na ang mga matang nakatitig sa kurtina ng bintana ay hindi na ang dating mata ko. Aminado akong nawala ang buhay ng mga mata ko at pati ang kislap nito. Namatay ito kasabay ng pagkawasak ng aking puso pagkadurog sa aking sarili. Hindi ko alam kong ilang oras o minuto akong nakaupo lang habang blangko ang mukha. Napabalik lang ako sa aking sarili ng marinig ko ang isang bagay na nahulog sa sahig na agad namang hinanap ng aking mga mata. Nakita ko ang isang katulong na ipinapasok ang aking mga damit sa isang kulay brown at malaking kabinet gusto ko siyang pigilan ngunit wala akong lakas ng loob at wala pa akong lakas para magsalita ko kumausap ng kong sino. Ptuloy ko lng siyang pinagmamasdan habang patuloy itong nag-aayos ng aking mga gamit. Nalita kong hinawakan niya ang dalawang picture frame at inilagay sa ibabaw ng mesa paharap sa akin. Nakita ko sa isang picture frame ang isang batang babae at isang lalaki. Ang lalaking nasa tabi ng batang babae ay ang kanyang ama. Ang kanyang ama na siyang tumayo bilang ama at ina  sa batang babae. Nakangiti ng malawak ang batang babae habang ang kanyang ama ay batid sa mukha ang kasiyahan habang nakaakbay sa kanyang pinakamamahal niyang anak.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng aking kama at lumapit sa babae.

"Can you please,  leave." nakikiusap kong wika sa kanya. Tiningnan niya ako bago tumingin sa aking mga gamit na nasa sahig.

"Ako na ang bahala diyan maid lang din ako dito." ani ko sa kanya. Tumingi  siya sa akin na may lungkot ang mga mata. Alam kong naaawa siya sa akin.

"I'm fine. Malalagpasan ko to." wika ko sa kanya saka ngumiti kahit hindi ko alam kong paano. Nakita ko ang pagtango niya sa akin at umalis na sa aking harapan. Dinig ko pa ang kanyang pagbuga ng hangin na saka tuluyang lumabas. Naawa siya sa akin. Binaleawala ko nalang iyon at saka tumingin sa picture na nasa kabilang gilid.

Isang dalagang babae na nakaakbay sa isang may katandaang lalaki. Ako at si papa. Ito ang last picture namin three years ago. Masaya kami dito sa larawang ito pero batid namin ni papa sa sarili namin na may kulang. Kulang dahil wala na si mama at si kuya na pareho naming mahal. Kinuha ko ang picture frame
at pinaraanan ng aking daliri ang mukha ng aking ama.

"Papa." tawag ko sa kanya sabay hagolgol. "Papa." ulit ko sa pagtawag sa kanya habang ang mga luha ko ay malaya ng lumalandas sa aking mukha.

"Papa, bakit ganito? Sa isang iglap lang naging pinakamalungkot akong tao? Pero papa alam kong nandiyan kayo ni mama at kuya na magbabantay sa akin. Tutulungan niyo ako diba." wika ko sa picture ni papa habang pinupunsan ang aking mga luha sa aking mga mata at mukha.

"Papa,  masaya tayo noon kahit dalawa lang tayo ngayon ako nalang mag-isa at pinilit kong mabuhay pero ngayon kaya ko pa ba papa?"

"Papa, kaya ko to diba? Kakayanin ko para sa kanya. Para mapatawad niya ako. Para mahalin niya ako dahil mahal ko siya."

Mahal na mahal ko siya papa ang kaso hindi niya ako mahal. Mahal niya kasi ang babaeng yon. Papa,  hangin lang ako para sa kanya pero para sa akin langit ko siya."

"PAPA, SUSUBUKAN KO AT GAGAWIN KO ANG LAHAT MAPATAWAD LANG NIYA."

    HIS REVENGE  (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon