Biente Quatro

83 3 0
                                    


CHAPTER 24

Bigla akong nanghina at halos mawalan ako ng lakas ng makita ako kuwartong puno ng picture nina Alejandro at Nathalie ang sweet sweet nila sa isa't-isa merong nakayakap si Alejandro kay Nathalie at humahalik sa pisngi nito at si Nathalie naman ay malaki ang ngiti sa labi. May picture ding nakapiggy back ride si Nathalie Kay Alejandro nakasuot ito ng puting short na maiksi habang naglalakad sila sa dalampasigan habang bitbit sa isang kamay ni Nathalie ang kanyang sandals. Meron ding pareho silang nakapormal, may nakasakay sa motorsiklo at kotse meron ding kumakain sila sa isang magara at mamahaling restaurant may sumasakay sila ng kabayo at marami pang iba. Lahat ng yon ay nakaframe at nakasabit sa wall yong iba naman ay nasa ibabaw ng table parang hindi na nga ito kuwarto kundi parang isang gallery sa dami ng picture at portrait ni Nathalie. Napahawak ako sa aking dalawang tuhod habang patuloy na linilibot ng aking mga mata at laman ng kuwarto hanggang sa humantong ang aking paningin sa isang malaking portrait na silang dalawa parin ni Alejandro at Nathalie na parehong may malaking ngiti ma abot hanggang teynga habang ang si Nathalie ay pinapakita ang kanyang daliri sa picture o sa camera. Isang singsing na napakaganda at ang singsing na nasa kamay ni Nathalie ay nasa kamay ko ngayon.

"Tuluyan na akong bumagsak sa sahig habang malakas ang mga hikbi habang nakatingin sa singsing na nasa aking palasingsingan.

"Bakit?" tanong ko habang nakatingin sa aking kamay kong saan nakasuot ang singsing.

"Bakit mo ito ginawa sa akin? Bakit mo ito ginagawa sa akin?" tungayaw ka sa kakaiyak at kinuha ang singsing sa aking kamay ngunit napigil ito ni nanay Mildred ng bigla nalang niya akong inalo at niyakap ng mahigpit.

"How dare he do this to me?" mahina kong tanong habang niyayakap parin ako ni nanay Mildred ngunit hindi talaga ako gumanti ng yakap dito bagkus para akong lunong hipon na nasa sahig.

"Hindi na ba ako kamahal mahal? Hindi ba ako kapanipaniwala? Ganito na ba talaga ako sa kanyang paningin? Am I that bad? Am I? Am I?"---hindi ko na napigil pa ang aking sarili kundi ang manatili sa ganoong posisyon at nawalan ng malay sa sobrang sakit sa puso. Hindi ko alam na humantong sa ganito ang lahat. Ang akala ko talaga hanggang pisikalan lang di ko lubos naiisip na kaya niya pala akong saktan ng ganito.

"Ako, si Analia nakasuot ng singsing at kasal sa lalaking pinakamamahal ko ang lalaking buhay ko at akala ko mamahalin ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya magsusuot ngayon ng singsing ng isa ng patay."

______

Pati nga si nanay Mildred ay nagulat sa kanyang nakita ang akala ko ay ako lang pero pati rin pala siya ay nalinlang. Ramdam ko ang marahang paghagod ni nanay Mildred sa aking likod habang ang mga luha ko ay hindi maubos-ubos mula sa aking mga mata.

'Bakit ganito?' naghihinagpis kong tanong sa sarili ko.
"Bakit ito nangyayari sa akin? Hindi ba talaga ako ibig-ibig? Hindi ba talaga ako katanggap-tanggap? Hindi ba talaga ako kamahal-mahal?" wika ko habang yumayakap kay nanay Mildred ng mahigpit habang ang puso ko ay tila bigla nalang namanhid na tila wala ng nararamdaman. Humiwalay ako kay nanay Mildred at dahan dahang tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig at pilit binabalanse ang nanginginig kong katawan na lumalapit ng dahan dahan sa picture kong saang pinapakita ni Nathalie ang suot nitong singsing na ngayon ay nasa kamay ko nakasuot. Tumayo ako ng tuwid sa harap ng larawan ng makalapit na ako ng husto at pilit pa ring itatayo ang mga tuhod kong tila bibigay na naman. Marahan kong pinaraanan ng aking daliri ang singsing na nasa kamay ni Nathalie at pinilit ang sariling huwag maiyak ngunit hindi ko talaga mapigil ang sarili at nagsimula na naman akong humikbi hanggang sa yumuyogyog ang aking balikat sa kakaiyak.

"Lord, can I say that I am tired? Can ask you to stop this? Because I am tired about this. Can I rest now? Can I sleep forever that I can't this pain I am now?" ani kong humagogol ng malakas at tumingala sa salamin.

"Please, help me Lord to understand everything. Help me to be a person that you want me to be. Please, Lord, mold as your warrior. A warrior that always ready to the battle what I've encounter." malakas kong dasal habang nakakayuko sa sahig at wala ng pakialam sa paligid. Makita man ako ng lahat ng tao na gani to ang sitwasiyon ko hindi ako mahihiya. Alam niyo kong bakit? Kasi nagmahal ako ng totoo sa isang taong hindi ako mahal. Dahil kahit isa lang itong laro para sa lalaking mahal ko at least naparamdam ko sa kanya na kahit sa hirap ng pinagdaanan ko sa kanya Hindi ko parin siya sinukuan. Yon ang pagmamahal. Pagmamahal na tanging ako lang makakapagbigay at sa akin pang niya mahahanap.

"Anak, maghulusdili ka sa mga pinagsasabi mo." ani ni nanay Mildred sa akin habang nakayakap at umiiyak na rin.

"May bukas pang darating anak at sana sa araw na iyon ay ikaw ang pinakamasayang babae sa mundo." dugtong pa niya.

"Sana huwag kang sumuko sa ngayon anak. Lumaban ka para sa pagmamahal na sinasabi mo at wala kang karapatang mag-question sa Panginoon dahil wala pa sa kalingkingan natin ang kanyang ginawang sakripisyo para sa ating lahat. Wala tayong karapatan na sumbatan siya anak. Wala." humahagolgol na paliwanag at pakiusap sa akin ni nanay.

Oo nga. Tama siya wala akong karapatan pero may karapatan akong lumigaya pero bakit ang hirap hirap kong makuha yon? Bakit ang hirap hirap at ang sakit sakit na ng nararamdaman ko. Paano ko ba hahanapin ang isang pagmamahal sa isang taong ayaw sa akin? Sa isang taong galit sa akin. Sa isang taong kahit kailan hindi ako ang napapansin at nakikita. Nakita niya ba ako o nakikita niya lang ako dahil sa galit siya? 

*Help me Lord. I am too tired of this. Please, give the light of yours. Please, tell me what to do." dasal ko habang yumakap na din kay nanay Mildred.

"Anak sabihin mo lang s akin kong pagod kana sa kanya. Sabihin mo lang sa akin kong susuko ka na. Sabihin mo lang sa akin kong ayaw mo na dahil nandito lang ako sa tabi mo na handang tutulong sayo." si nanay.

Mabuti pa si nanay Mildred mahal ako. Mabuti pa si nanay Mildred kinakausap ako Kong okay lang ako o napapagod na ako. Mabuti pa siya at may malasakit sa akin kahit hindi ko siya kaano ano. Mabuti pa si nanay Mildred may pakiramdam hindi tulad niya. Ang sama ng ugali at ang manhid. Sobrang manhid.

Marahan akong tumango-tango sa sinabi ni nanay Mildred sa akin. Ngayon pa ba ako susuko na may taong handang tumulong sa akin na may taong nagmamahal sa akin at sumusuporta walang iba kundi si nanay Mildred ang nanay kong inangkin at tinuring na akin. Salamat Panginoon.

"Nanay, kumuha na tayo ng frame." ani kong kumalas na sa paglakayakap nito at pinahid ang mga luhang naglalandas sa aking mukha at saka tumayo na at saka kumuha sa isang box na may mga frame na hindi natatakpan.

"Okay ka na ba, anak?" labis na pag-alalang tanong sa akin ni nanay Mildred at hinimas pa ang aking likod.

"Darating ang araw na lalaya din ako sa kanya nanay Mildred." nakangiti kong wika Kay nanay.

"Yes. Darating ang araw na maging masaya ako hindi man sa piling ni Alejandro pero sasaya ako."

_____

A/N

His Revenge Songs.

1. Sa Ngalan ng Pag-ibig by December Avenue

2. Kahit Di Mo Alam by December Avenue

3. Kathang Isip by Ben & Ben

4. Bakit Ikaw Pa rin by Maricris Garcia
5. Hiling by Mark Carpio

Thanks for reading and don't forget to vote. :)

    HIS REVENGE  (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon