CHAPTER 36Buong araw akong naglinis ng bahay dahil walang tao hanggang sa mapagod ako. Umalis kasi si Alejandro pagkatapos niyang maligo ni hindi nga siya kumain sa pagmamadali niya akala ko nga di niya nagustuhan ang ginawa kong pag-ayos ng bahay dahil sa biglang sumeryoso ang mukha yon pala'y masaya siya at nagpasalamat pa nga sa akin. Anak ng tao talaga o ni hindi man lang niya inisip na nasasaktan ako.
Umupo ako sa sofa at itinaas ang aking mga paa habang ang aking kanang kamay kamay ay nasa aking noo at nag-isip kong ano pa ang kaya kong magawa at mabago sa mga walang kakuwenta-kuwentang mga nakadisplay sa pamamahay na ito ng may naalala ako agad akong tumayo at nagmamadaling para puntahan ang kasunod kong pakay. Mabilis kong kinuha ang mga gamit panglinis at naglakad paakyat ng hagdan papasok ng silid ni Alejandro. This is the last time and the fourth time na pumasok ako sa kuwarto ni Alejandro two years na kaming nagsasama but I am off limit to his room that's why patago lang ako kong pumasok sa kuwarto niya para iwas gulo pero ngayon kahit magalit siya wala akong paki. Inilapag ko sa sahigang bitbit kong kagamitan panglinis at inayos muna ang mga nakakalat bago nagsimulang maglinis. Maduguang linis ang gagawin ko ngayon para sa asawa ko. Napangiti ako ng naisip ko ang salitang asawa. Ang sarap isipin at ang sarap sa pakiramdam ang katagang iyon mukhang in-love na in-love talaga.
Tinanggal ko ang maruming kobre kama niya at mga kurtina saka pinalitan ng bago dahil mahilig siya sa blue kaya pinalitan ko ng blue ang kobre kama at white curtain pagkatapos tinanggal ko ang picture namin na nasa ibabaw ng table niya at pinalitan ito ng picture nilang dalawa ni Nathalie. Alam ko naman kong bakit niya inilagay ang picture naming dalawa sa ibabaw ng maliit niyang mesa dahil sa may mga taong pumupunta minsan aa bahay niya na may alam sa kasalan naming dalawa kaya ang akala ng iba masaya ako. Masaya kaming magkasama bilang mag-asawa but not. I am lonely person, very lonely and I don't know how to smile again. Tinignan ko ng matagal ang larawan naming dalawa saka ini-shot sa basurahan. This picture is not good to look for kapwa lang kami masasasaktan at babalik sa nakaraan. Nilisan ko na ang kuwarto ni Alejandro at dumiretso na sa kuwarto ko pagkatapos kong naibalik sa tamang kinalalagyan ang mga gamit na pinanlinis ko kanina. Pagod ang buo kong katawan sa araw na ito kaya pagod kong ibinagsak ang katawan ko sa ibabaw ng kama ko at hindi na gumalaw pa dahil sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pangmalakasang paglilinis.
_______
"Nanay, nadito kana pala." wika ko kay nanay Mildred ng magisingan kong nakatunghay siya sa akin habang natutulog ako.
"Nanay, ang creepy niyo ha." wika ko pa habang nagpupungas pungas.
"Mas creepy ka anak. wika niya sa akin habang tinitigan ako ng mariin at matagal.
"Alam kong may binabalak kang kakaiba sana naman hindi pangit yan dahil hindi lang ikaw ang masasasaktan, ako, si Alejandro maaapektohan. Lahat tayo maaaring maaapektohan, anak." dugtong pa ni nanay at biglang nalungkot ang mukha.
"May mga bagay na dapat sarilinin at may mga bagay na dapat din natin e-share para iwas sakit at mabawas bawasan ang ating kinikimkim na sakit."
"Nanay, hindi sa lahat ng bagay kailangan mong ipagsabi, ikuwento dahil may mga kuwentong nadagdagan at nababawasan kaya palaging napupunta sa tsismis." pabiro kong wika kay nanay Mildred na hindi naman nito ikinatuwa.
"Hindi lahat ng usapin madadala sa biro anak minsan kailangan din nating magseryoso."
"Oo na po. Kaya magluto ka na doon nanay kailangan ko lang maglinis ng kuwarto ko dahil baka matagal tagal naman bago makatikim ng linis ito."
"Bakit ayaw mo na bang maglinis ulit? Kaya pala sinagad mo ma sa araw na ito." pabirong wika ni nanay sa akin nanay Mildred na siyang ikinaseryoso ko naman ngunit agad naman akong nakabawi at tumawa ng mahina.
"Baka kasi mapagod ako at sumuko nalang dahil yon ang karapat-dapat." pabiro ngunit seryoso kong wika kay nanay.
"Asus, anak. Pagod lang yan."
"Nanay, kapag isang araw sumuko ako kay Alejandro sana huwag niyo siyang sukuan dahil ikaw nalang ang matitira sa kanya. Wala siyang kasama dito dahil nasa ibang bansa ang magulang at kapatid niya. Ikaw nalang talaga ang taong malapit sa kanya at nakakaintindi sa kanya nanay." Tinignan ako ng mariin at nagsusupitsang si nanay Mildred.
"Anak ha, masyadong bad yong iniisip mo huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Pero alam kong may panahon talaga ang pag-ibig maghintay ka lang at mapapasayo talaga iyon."
"Huwa kang mag-alala nanay dahil sa pagdating ng araw na iyon ibang tao na ang makakasama ko. Ibang tao na magbibigay sa akin ng ganong kaligayahan dahil ang taong minahal ko ngayon ay hindi niya kayang ibigay yon sa akin." malungkot kong turan kay nanay kaya napabilis ang tingin niya sa akin at medyo naiirita sa mga pinagsasabi ko.
"Kong ako sayo anak huwag mo ng ituloy ang mga walang kuwenta mong salita dahil nga sa walang kuwenta kaya nakakainis." wika sa akin ni nanay saka umalis na sa harapan ko at nagpatianod nalang ako sa kanya.
"Huwag kang mag-alala nanay darating ang araw na wala ka ng kakainisan at darating ang araw na wala rin Analia na paghigantihan ni Alejandro da---
"Bakit aalis ka? Ang tagal naman." anang boses na nagmula sa puno ng hagdan na ikinagulat naming dalawa ni nanay Mildred. Dumating na pala siya hindi man lang namin namalayan.
"Aalis ka? Ba't ang tagal?" may galit na wika sa akin ni Alejandro habang nakapamulsa at nakatingin sa akin hindi ko na siya pinansin sapagkat nginitian ko nalang nalang siya at hindi na pinansin kahit alam kong nakatingin pa siya sa akin dahil dama ko ang nagsisitayuan kong mga balahibo sa katawan. He's the one who can make me like this. He's the one, kaya lumingon ako sa kanya at muling ngumiti ng matamis saka nagsalita.
"If I go, can you please act that you miss me l, even once." wika ko sa kanya na may bahid na pakiusap. And, if that day comes please listen the Ben&Ben song "Kathang Isip" that's my only wish sana matupad mo kahit lokohan lang dahil magaling ka naman don." Wika ko sa kanya na ikinasalubong ng dalawa niyang kilay plus kunot noo.
"In your dreams. Ikaw aalis sa pamamahay ko? Tsk. That's impossible." aniya sa akin sabay angat ng kanyang ulo.
"There's no impossible to the person you hurt the most."

BINABASA MO ANG
HIS REVENGE (✓)
RomanceSi Alejandro "Andro" Zaragoza ay dapat ikakasal na kay Nathalie Shin ngunit sa kasamaang palad namatay siya dahil sa isang car accident at ang masaklap pa ay hindi niya napakulong ang nakapatay dito dahil sa ang fiancée daw niya ang may kasalanan, n...