Siete- ENGAGED

96 4 0
                                    

CHAPTER 7

Napalunok ako ng ilang beses dahil sa sinabi ni Andro sa akin. Hindi ako makapaniwalang sabihin niya sa akin ang ganong bagay. Hindi naman madaling gawin at talagang pinag-iisipan at pinaghahandaan hindi yong bigla-bigla nalang sabihin sa harapan mo. No no no. This is a big no no no to me. How dare he to declared marriage thing to me.

Tumingin ako sa kanya ngunit wala akong nakita na kong anong klaseng expression sa mukha niya except seriousness. 'Oh my! Is he serious? Okay. I found him serious but.. is he find me as his wife material? No. Of course not. I am simple with weird personality and odd fashion.

"Ahamm. nilinis ko muna ang lalamunan ko at itinaas ang magkabilang manggas ng damit ko halos ayaw kong magsalita pero kailangan. Shock ako e. Ginulat niya sa mga binitiwan niya. Ebidensiya na ito na minsan ang tao bumibitiw ng salita na hindi naman natin gusto at kong panindigan na ay nahihirapan. "Pag-isipan ko muna..-masyadong awkward pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang sarili kong kamay. "May mga salita talaga na nagpapainit sa lugar." dugtong ko pa.

"Look,  Andro marriage is not a game just think it twice before you spit some uncleared words. You can go now."

"But I mean it." pamimilit nito sa akin sabay stomp ng kanyang kaliwang paa.

"But I don't accept it."

"But I mean it."

"No. Nabigla ka lang sa mga pinagsasabi mo. Masyado ka lang abnormal sa mga desisiyon na yan." pamimilit ko sa kanya.

"Every word I said, I always mean it, I marry you, I want to marry you. Got it?"

"No."

___

Nandito ulit ako ngayon sa maliit kong grocery store at nagkakaha ng bigla nalang tumahimik at waring may pinagkakaguluhan ang mga tao. No. Hindi pinagkakaguluhan kundi tinitignan. Nakatingin silang lahat sa bandang pintuan ng store at tila naparalisa mula sa kanilang kinatatayuan. Napakunot ang noo ko dahil sa mga reaksiyon nila. Kinikilig? Nagde-dreaming? '

Ano ang nangyayari mukhang nakakaintriga dahil sa mga mukha nila. Pero bakit sila nakangiti at pasimpleng tumitingin sa akin?' Wee. Masyado lang ata akong feeler. Bakit naman sila kikiligin tapos titingin sa akin. Assuming ko naman.'

"Hayaan mo sila." wika ko sa aking sarili at tinignan ang mga items na nasa harapan ko at tsinek ang expiration date. Okay pa to may two months pa bago maexpire mga 1 month in a half ipapatanggal ko nalang to sa shelf at ipamigay sa mga tauhan ko. Ganyan ang ginagawa ko sa mga malapit ng maexpire na goods pinamimigay ko sa mga tauhan ko dahil kong wala sila hindi makakagalaw ng mabuti ang store na ito at pasasalamat na rin yon sa kanila dahil kahit kailan di nila ako ginawan ng masama.

"Ay, may sampu pa palang natira dito. Maeexpire na ito next week a." wika habang nakatingin sa expiration date ng isang sikat na can goods na nasa harapan ko. "Itabi ko muna ito at ng mahati-hati namin mamaya." wika ko sa sarili kong nakangiti. Kumuha ako ng eco bag at nilagay ko ang sampung delata doon at saka inilagay sa ilalim ng kaha katabi ng paa ko.

Nasa pang-apat na items na ako sa pagtse-check ng bigla nalang nagsitilian ang mga tao sa loob ng store kaya mabilis akong napaangat ng tingin. Ganon nalang ang pagkataka ko dahil sa hindi ko alam kong ano o sino ang kanilang tinitilian. Tatayo na sana ako para tingnan kong anong kaguluhan ang meron ng bigla nalang.

"What the hell, Alejandro?" halos pasigaw kong tanong ng makita ko siya na pormadong-pormado nakatux at nakagel pa ang buhok ngunit bakit may nakasabit sa kanyang leeg na puting karatula na may nakasulat. Karatula? Wait. Binasa ko kong ano ang nakasulat puting sa karatula na nakasabit sa kanya.

"WILL YOU MARRY ME?" As in will you marry me. Nakacopslack pa tapos yong ink na ginamit is kulay pula at pangalan ko ay nakacursive ng maganda sa baba na kulay blue tapos may tatlong heart pa? Hahaha. Katangahan. Natatawa ako sa kanya ngunit naiinis din.

Halos gusto kong matunaw sa hiyang tiningnan ako ang mga taong nakasaksi sa kalokohan nito na tila pa nangangarap at kong pwede lang ay papalitan nila ako sa kinakatayuan ko. Bumalik ang tingin ko Kay Andro na ngayon ay malaki ang ngisi habang nakaluhod at bahagyang nakayuko ang ulo habang ang kanyang kamay ay may hawak na Isang bungkos ng bulaklak na may iba't-ibang klase at kulay ng bulaklak habang ang sa ibabaw nito ay may nakapatong ng isang maliit at pulang box.

"Kunin mo yong box." utos niya sa akin na walang pakialam at tinitigan ko lang siya sa kanyang ginagawa.

"Kunin mo ang box. Idiot. Nagpoprose ako sayo." inis na wika niya sa akin saka tumayo at siya nalang ang kumuha ng box sa ibabaw ng bouquet. Binuksan niya ito at agad kinuha ang singsing ni hindi ko man lang nakita kong ano ang hitsura nito at saka sinuot sa daliri ko.

'Ano to sapilitan?' Sapilitang nagpropose sa akin ngayong araw. Sapilitan na pinasuot sa akin ang singsing na hindi man lang ako pumapayag. Ano to? Wala na ba akong karapatang tumanggi sa mga kagaguhan nito. Kaya ako ngayong si tanga walang magawa dahil sa mabilis na pangyayari. Masyado akong naipit sa kaguluhan na pinagagwa ng walang hiyang taong ito. Tinignan ko ang abnormal na lalaki sa harapan ko na nagyon ay malaki ang ngiting nakatingin sa singsing na nakasuot sa palasingsingan ko saka titingin sa mga taong nasa paligid namin na tila abnormal. Sarap kunyatan ng sampung beses. Napatingin ako sa mga tao na nasa paligid namin at nakiki-usiyoso sa mga kaganapan at nakita ko ang iba nakipagpalakpakan at kinikilig pa yong iba. Samantala yong iba naman ay nakikipag-away na sa kanilang boyfriend na dapat daw katulad ng ginawa ni Alejandro Ang gagawin nilang proposal sa kanila kong sasaka sakaling magpopropose ito sa kanila dahil nakakakilig daw. Napabalik ang tingin ko kay Alejandro  saka ko siya inirapan.

"NOW, WE'RE ENGAGE."

________

Sorry sa late update.

    HIS REVENGE  (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon