Chapter 1:

4.7K 59 0
                                    

Chapter 1

Nathalia's P.O.V

“Mahal na prinsesa, ipinatatawag po kayo ng inyong amang hari.”sabi sa akin ng isa sa tagapagsilbi ng aking amang hari.

“Sabihin mo sa aking ama na susunod na ako” magalang na sabi ko sa kanya.

“Masusunod po kamahalan.” magalang din niyang sagot sa akin. Pagkaalis niya inayos ko na ang aking sarili at lumabas na sa aking silid para pumunta sa trono ng ama at ina.

"Amang hari. Bakit niyo po ako pinatawag?” tanong ko sa aking ama.

“Anak may mahalaga kaming sasabihin sayo.” malungkot na sabi ni ina. Huh? Teka… Bakit parang nalulungkot at natatakot siya?

"Wag ka sanang mabibigla. Ang anak nila haring Ramon at reyna Valeria na si prinsipe Bryce ay hinihiling na maipakasal sa iyo” Sabi sa akin ng aking ama.

“Ngunit ama!” pagpoprotesta ko. Hindi pwede yun. Hello!? 2nd year college pa nga lang ago eh. Kasal agad!?

“Nathalia! Walang ngunit ngunit!” galit na sabi ng aking ama.

“Ina.” pagmamakaawa ko sa kanya.

“Patawad anak. Pero kung hindi ka papayag ay sasakupin nila ang ating kaharian.”  malungkot na saad ni ina. Halata ko sa mga mata niya ang pagkaawa sa akin. Sa sobrang inis ko ay umakyat na ako sa aking silid at doon na nagiiyak.

“Ang sama sama nila! Hindi nila iniisip ang nararamdaman ko! Bakit sila pumayag dun!?” para na tuloy akong tanga na nagwawala habang sinasabi yun. Hanggang sa makatulog ako yan parin ang nasa isip ko.

Kinabukasan~

“Nathalia, anak.” tawag sa akin ni ina. Hindi ko siya sinagot.

“Nathalia lumabas ka na diyan nag pahanda na ako ng almusal.” si ama naman ang tumawag sa akin.

“Busog pa ako. Wala akong gana!” sigaw ko sa kanila. Grabe first time kong hindi mag 'po' at sigawan sila.

Gabi na ngayon at napagisipan kong maglayas dahil ito lang ang tanging paraan na alam ko upang matakasan ko ang pagpapakasal kay prinsipe Bryce.

At nakatakas nga ako sa aming palasyo ng walang kahirap hirap. Nandito ako sa isang lugar sa palasyo na hindi ko alam. At dahil isa nga akong prinsesa wala akong alam na lugar na iba bukod sa paaralan sa tapat ng aming palasyo na para lamang sa mga prinsesa at prinsipe dahil yun pa lang ang napupuntahan ko kasi hindi nila ako pinapapasyal.

Hindi ko na alam kung nasaan ako. May nakita akong isang bahay na hindi gaanong kalakihan ngunit napagliwanag nito ang aking mga mata dahil alam kong may matutuluyan na ako.

“Tao po.” tawag ko sa tao dun sa loob ng bahay habang kumakatok.

“Oh ija. Hating gabi na ah bakit anong kailangan mo?” tanong sa akin ng isang matandang babae.

“Ah mawalang galang na po lola. Pero wala po kasi akong matutuluyan eh.” Nahihiyang paliwanag ko sa kaniya.

“Ah ganun ba. Sige ija pasok ka.” haay. Buti na lang mabait to si lola.

“Salamat po!” magalang na sagot ko kay lola habang nakangiti. At pumasok na nga kami sa kanilang bahay. Ang ganda ng bahay nila sementado ito pero magara .

“Ay diyos ko ma. santisimo santisima!” Gulat na reaksyon ni lola.

“Ah lola ok lang po ba kayo? Bakit po anong nangyari?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Kamahalan. Bakit hindi naman po kayo nagpakilala. Ikaw po pala yan mahal na prinsesa Nathalia.” saad sa akin ni lola.

“Ah eh. Lola wag niyo na po akong tawaging ganyan.” nahihiyang sabi ko.

“Darryl, apo!”  tawag ni lola dun sa apo niya ata.

“Oh la, bakit----- M-ma-mahal na prinsesa!?” hala! Grabe naman ang gulat nito.

“Ah hello!” sagot ko na lang.

“Bakit ka po nandito?” Tanong sa akin nung apo ni lola, si Darryl.

“Ano ka ba Darryl? Ikuha mo muna ng maiinom ang mahal na prinsesa.” utos sa kanya ni lola.

“O-opo!” sagot ni Darryl kay lola. So ayun kumuha na si Darryl ng… Ga-gatas!? Ano ako baby!?

“Ah sa-salamat.” sabi kona lang sa kanya.

“Ah Darryl samahan mo na lang ang mahal na prinsesa sa bakanteng kwarto sa taas. Bukas na lang natin siya tanungin at baka pagod na siya.” utos ni lola kay Darryl.

“Sige po la.” Magalang na sagot ni Darryl.

So ayun hinatid na ako ni Darryl dun sa kwarto na sinasabi ni lola. Maliit yung kwarto pero kasya naman ako. Bago matulog nangako ako sa sarili ko.

“Simula ngayon. Wala na si prinsesa Nathalia. Isa na lamang akong normal na tao na kagaya nila.” at pagtapos niyan pumatak na naman ang aking mga luha at unti unti na akong nakatulog.

zzzZZZ

Darryl's P.O.V

Ah siguro nagtataka kayo kung bakit sobrang gulat at nauutal ako nung nakita at nakausap ko ang mahal na prinsesa no? Ngayon ko lang kasi siya nakita ng malapitan eh. Pero sobrang crush ko yan. Sino ba namang hindi!? Eh sobrang ganda niya eh. Ang bait pa. Lahat ng katangian na gusto ng isang lalaki sa isang babae ay nasa kanya na. Kaya sobrang saya ko ng malaman na dito siya tutuloy sa amin.

“La, bakit pala nandito ang mahal na prinsesa?” tanong ko kay lola Amanda.

“Ah ijo apo. Sa tingin ko kasi dito siya makikitira sa atin.” Ano!? Wow!  Yes! Ang saya ko!

“Oh apo, bakit nakangiti ka ng nakatawa diyan ha?” Hala! Si prinsesa kasi eh. Yan tuloy. Iba na talaga tama ko sa kanya.

“Ah wala po la!  Sige po akyat na po ako. Tutulog na po ako! Goodnight!” at nagtatakbo na ako papasok sa kwarto ko. Grabe! Ito na ang pinakamasaya kong araw! At natulog na nga ako ng may ngiti sa aking mga labi!

Nathalia's P.O.V

“Good morning ija!” bati sa akin ni lola.

“Ah good morning din po lola.” Sabi ko naman sa kaniya.

“Oh bumaba kana dun. Pinagluto tayo ni Darryl ng umagahan.” Sabi naman niya sa akin.

“Ah ok po! Ah lola. Ano po kasi. Ah. Eh.” hala! Nahihiya ako.

“Ah wala kang pamalit na damit jan sa kasuotan mo?” Astig! Mind reader ba si lola!? Hahaha!

“O-opo eh.” nahihiya ko pa ding sagot.
“Ah oo alam ko na yan. Ito pinagdala kita ng damit. Kasya naman siguro sayo yan. Sa isang apo ko yan dati. Kapatid siyang nakababata ni Darryl kaya lang. W-Wala na siya eh.” naaawa ako kay lola kasi nawalan siya ng apo at halatang hindi pa din niya matanggap ang pagkawala nito hanggang ngayon.

“Ah wag na po kayong magalala lola. Simula po ngayon ako na ang magiging kapalit ng apo niyo.” Naka-ngiti kong sabi kay lola.

“Salamat ija. Kahit na isa kang prinsesa mabuti pa rin ang iyong kalooban at marunong kang makisama kahit na sa mababang uri.”Aww. Na-touch naman ako dun. 

“Lola wag niyo pong sabihin na mababang uri kayo. Kahit na prinsesa ako. Pantay pantay lang po tayo. At simula ngayon ako na po ang apo niyo at hindi po prinsesa.” halata sa mata ni lola na natutuwa siya.

“Salamat ija!” nasabi na lang ni lola.

© 2018, BubblyPinkMilk

My Runaway Princess (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon