Chapter 2:
Nathalia's P.O.V
Pagkatapos kong magbihis tumingin ako sa salimin. At nagbitiw ng mga salitang pangako.
“Bagay naman pala sa isang katulad kong prinsesa ang damit ng mga normal na tao eh.” ang pinasuot sa akin ni lola ay isang pantalon na color violet at simpleng t-shirt na color black na may design paru-paro.
"Simula ngayon hindi na ako si Nathalia na kinikilala nilang prinsesa. Isa na lamang akong normal na taong naninirahan ng maayos at tahimik katulad nila.” pagkatapos ko yang sabihin may pumatak na namang mga luha sa aking mata. Hay nako! Napaka taksil talaga nitong mga luha ko! So ayun bumaba na lang ako.
“Goodmorning prinsesa Nathalia!” ah eh grabe naman tong si Darryl. An gaga-aga, ang taas ng energy.
“Goodmorning din Darryl!” Medyo nahihiyang bati ko sa kanya. Ang awkward kasi.
“Paano ka nga pala napunta dito? Saka bakit nandito ka imbis na nandun ka sa palasyo?” Sunod-sunod na tanong sa akin ni Darryl.
“Oo nga pala ija. Bakit nga ba?” dagdag na tanong ni lola sa akin.
“Ah ganito po kasi yun eh.” tapos ayun kinuwento ko sa kanila ang lahat lahat. Halata namang nabigla sila.
“Di-diba yung si prinsipe Bryce yung prinsipe ng Kingdom Paradise diba?” Gulat na tanong sa akin ni Darryl.
“Oo.” simpleng sagot ko.
“Eh pano na yan ija?” alalang tanong sa akin ni lola.
“Lola, Darryl, gusto kong mamuhay ng normal. Ayaw kong maging prinsesa as long as nandito ako sa labas ng palasyo namin. Tulungan niyo po ako. Tayo lang po ang dapat makaalam ng tunay kong katayuan dito sa kaharian.” halos mangiyak ngiyak na naman na sabi ko.
“Prinse--- ah Nathalia. Diba napasok ka? Pwede kang pumasok sa aming school pero ayos ka lang bang magdamit ng ganyan araw-araw? At ayos lang bang ibahin ang pangalan mo para walang makakilala sayo?” ah sabagay may point siya. Tama nga siya.
“Oo naman.” diretsong sagot ko.
“Ah. Eh. Anong gusto mong pangalan?” Tanong ulit sa akin ni Darryl.
“Hi-hindi ko alam eh. Kahit ano na lang.” Sagot ko sa kanya.
“Teodora na lang kaya!” suggest ni lola. Eh? Para namang masyadong makaluma iyon.
“La ano ba!? Ah. Hmm. Ba't di na lang kaya.” ano ba naman to pabitin pa si Darryl eh. Daming arte!?
“Ano?” excited na sabay naming tanong ni lola. Nagpapabitin pa kasi eh.
“Khatelyn!” Masayang sabi ni Darryl.
“You mean from now on my name will be Khatelyn? So how about my surname?” the name Khatelyn naman looks nice for me. And it’s kinda’ cute.
"Ija, bakit hindi nalang apilyedo ni Darryl ang gamitin mo para mapalabas natin na kunwari mag-pinsan kayo.”suggest ni lola.
“Ah ikaw na si Khatelyn. Amm. C. Flores. Tama. Khatelyn C. Flores.” Sabi ni Darryl.
“Nice name. Salamat. Salamat po talaga!” Masayang sagot ko naman.
“Oh ayos ba?” tanong sa akin ni Darryl.
“Ayos na ayos!” Naka-ngiting sagot ko sa kanya.
“Pagkatapos nating kumain pupunta tayo sa mall.” sabi ni Darryl. Ano yun!? Di ko gets eh.
“Anong mall? “ parang tangang tanong ko.
“Ah. Doon kami bumibili ng mga damit, pagkain, at iba pa.” Paliwanag naman ni Darryl.
BINABASA MO ANG
My Runaway Princess (Completed)
Teen FictionA story about a princess who run away from the palace to avoid being married to the person she doesn't love, and end up living a normal life in a normal world where she will find her real love.