Chapter 16
Prince Bryce’s P.O.V
Umalis na nga yung si Cloud. Pero. Nagtataka lang ako. Pang sobrang maga at pula nung mata niya nung lumabas siya galing dun kay prinsesa Nathalia ko. May gusto kaya yung si Cloud kay prinsesa Nathalia ko?
Nag-usap at nag-kwentuhan muna kami nila kamahalan tapos nung medyo matagal na pumunta ako dun kay prinsesa Nathalia ko. Gusto ko lang siyang tignan. Anong oras na din naman kasi. Gabi na din. Wala naman akong magawa. Kaya pinagmamasdan ko lang siya. Namiss ko kai siya ng sobra. Ngayon ko na lang kasi siya ulit natignan ng ganito eh. Ewan ko ba kung anong nangyari sa amin. Nung bata naman kami sobrang saya namin. At sobrang close din kami. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay noon eh. Inamin pa nga namin dati na mahal namin ang isa’t isa eh. Pero ewan ko ba. Bigla na lang siyang nagalit sa akin at nilayuan ako. At ang dahilan niya NAGBAGO na DAW ako. Ano bang nagbago sa akin? Wala naman ah. Aish ewan.
“Prinsesa Nathalia ko. Bestfriend ko. Kahit hindi ko man alam kung ano yung sinasabi mo na nagbago ako. Sorry. Sana hindi ka na magalit sa akin. Mahal na mahal pa din kita kagaya dati. Hindi nga nabawasan eh. Lalo pang nadagdagan. Sorry ulit ah.”sabi ko sa kanya.
Maya-maya nagulat ako kasi biglang gumalaw yung kamay niya. Tapos nagsalita siya.
“Prinsipe Bryce? “mahinang tanong niya. Sa sobrang tuwa ko niyakap ko siya tapos pinuntahan ko agad sila haring Adamous at reyna Thania.
“Kamahalan nagising na po si prinsesa Nathalia.”sabi ko sa kanila at agad din naman silang pumasok dun.
“Anak.”sabay nilang sabi.
“Ama. Ina.”sabi ni prinsesa Nathalia ko sa mahinang boses. Kawawa naman ang prinsesa Nathalia ko. Halatang nahihirapan pa din siya ngayon. Hindi pa din siguro niya kaya. Kaya hindi pa siya makapagsalita ng ayos.
“Patawad po kung lumayas ako.”sabi niya pa tapos naluha na siya.
“Ok lang yun anak. Hindi naman kami galit sayo eh.”sabay na sabi nila haring Adamous at reyna Thania.
“Mahal na mahal ko po kayo ama, ina. Patawad din prinsipe Bryce. Patawad sa inyong tatlo. Patawad sa inyong lahat.”sabi niya sa amin tapos biglang tumulo ang mga luha niya tapos bigla na lang unti-unting pumikit ung mga mata niya.
“*tooooooooooooot* “(tunog yan nung monitor)
Pagkatapos ng tunog na yan. Hindi na namin alam ang nangyayari. Lahat kami naguguluhan. Hindi namin alam ang gagawin. Nagulat na lang kami kasi nakatayo na lang kami dito at parang statwa na hindi gumagalaw.
Pinapanood lang namin ang mga doctor at ibang nurse kung paano nila i-pump si prinsesa Nathalia. Kung paano nila pinipilit buhayin ang prinsesa ko. Nakikita namin na nahihirapan na din ang mga doctor. Ginagawa nila ang lahat para tumibok ulit ang patay na, na puso ni prinsesa Nathalia. Unti-unti silang tumigil.
Maya-maya pa narinig na namin ang salitang kinatatakutan naming marinig mula sa mga doctor.
“Time of death 7:38 p.m” Malugkot na sabi ng doctor.
Pagkatapos sabihin yan ng doctor. At pagkatapos naming marrinig yan parang gumuho ang mundo namin. Si reyna Thania bigla na lang hinimatay. At si Haring Adamous naman hindi na niya naitago yung tuunay niyang nararamdaman ngayon. Bigla na lang din siyang napaiyak. Tuloy-tuloy na ang agos ng mga luha namin. Nung una ayaw naming paniwalaan ang sinabi nung doctor kaya lang. Lahat lahat biglang nag-sink in sa utak namin ng takpan na nila ng puting kumot ang buong katawan ni prinsesa Nathalia ko.
“Patawarin niyo po kami kamahalan. Ginawa na po namin ang lahat ng aming makakaya. Kaya lang po. Hindi po talaga nakayanan na ng utak ni Prinsesa Nathalia. Pasensya na po.”sabi nung doctor saka sila unti-unting umalis.
BINABASA MO ANG
My Runaway Princess (Completed)
Teen FictionA story about a princess who run away from the palace to avoid being married to the person she doesn't love, and end up living a normal life in a normal world where she will find her real love.