Chapter 22:

482 7 0
                                    

Chapter 22

Someone’s P.O.V

Aba. Malandi din pala tong prinsesang to! Hindi pala alam ng mga kaklase niya na isa siyang prinsesa. Tss. Mang-aagaw na nga pretender pa! Ibang klase talaga! Inagaw niya na lahat sa akin! Ngayon pala pati yung taong bestfriend ko na mahal ko ingaw na din niya! What the! Ang kapal talaga ng mukha niya! Baka nga sa sobrang kapal ng mukha niya hindi siya nasaktan dun sa sampal ko sa kanya kahapon eh.

“May ipapagawa po ba kayo sa amin? “tanong ng alalay ko.

“Wala. Ako na lang ang gagawa. Hindi ko kayo kailangan. Sasabihin ko na lang pag kailangan ko na kayo.”sabi ko sa kanya.

“Sige po.”sabi niya tapos nanahimik na siya.

Humanda ka talaga Nathalia! Malapit ng maging hell ang buhay mo! Hahaha!
Tinitignan ko lang siya. Aba! Sikat siya ah! Pati mga teacher ka-close niya! Sino pa kayang may galit dito sa babaeng to!? Para kasing kaibigan niya lahat eh.

After how many hours~

Recess na nila. Sinusundan ko lang siya. Sa-sample-an ko lang ulit siya. Hahaha.*evil laugh*

Nagpunta siya sa locker room. Good thing walang tao dun. Magagawa ko yung gagawin ko sa kanya ng walang makakaalam. Nung dumaan siya pinatid ko siya kaya ayun. Nadapa siya. Kawawa naman siya. Hahaha. *evil laugh*

“Masarap bang mahalikan ang sahig? Ha, prinsesa Nathalia? *evil smile* “tanong ko sa kanya at halatang nagulat siya.

“Ikaw na naman? “tanong niya sa akin. So natandaan niya pala ako. Pero sorry siya. Hindi niya pa din ako makikilala kasi naka diguise ako. Hahaha!

“Oo ako nga ulit. *evil smile*” Sagot ko naman sa kanya habang nakataas pa ang isang kilay ko.

“Ano bang kailangan mo sa akin? Saka bakit mo ako kilala? “nagtatakang tanong niya sa akin. Ang bobo talaga niya!

“Ang kailangan ko sayo ay maging miserable ang buhay mo. At kilala kita hindi dahil sa isa kang prinsesa kundi dahil ex-friend kita! “galit na sabi ko sa kanya.

Magtatanong pa sana siya pero pinagsasampal at pinagsasabunutan ko siya. Hahaha! Kawawang Nathalia! Walang kalaban-laban sa akin! Mahina pa din talaga siya gaya dati! Tss. Wala pa ring pinagbago!

Pagkatapos ko siyang sampalin at sabunutan iniwanan ko na siya dun mag-isa. Haha. *evil laugh* Natatawa talaga ako sa itsura niya. Hindi siya makagalaw dun. Nakatulala lang siya. Masyado yata siyang na-shock sa ginawa ko sa kanya. Ang tanga kasi eh! Hindi marunong lumaban.

And by the way. Umpisa pa lang yun. Sample pa lang. Humanda pa siya sa mga susunod na gagawin ko sa kanya! *evil smile*

At para sa inyong nagbabasa kayo! Kung nagtatanong kayo kung sino ako. Bakit ko sasabihin!? Close ba tayo!? Duh! Kung naiinis kayo sa akin. Edi wag niyong basahin ang P.O.V ko! Hindi ko kayo kailangan! Tss. Sa mga nagtyatyaga pa rin namang magbasa ng P.O.V ko. Edi ok! Hindi ako nagte-thank you! Hindi kayo espesyal para pagthankyou-han ko! O sya! Baboo na! Magpa-plano pa ako ng mga susunod na gagawin ko kay Nathalia. Hahaha! *evil laugh*

Khatelyn’s P.O.V

Na-shock ako dun. Sino ba kasi talaga yung babaeng yun!? Kahapon pa siya ah! Saka ex-friend ko siya!? Wala akong alam na ex-friend ko. Ang alam ko lang friends ko hindi ex-friend! Saka ano bang ginawa ko sa kanya? Bakit niya gagawing miserable ang buhay ko? Nakakainis siya!

Ang sakit sakit ng pisngi ko saka ng anit ko! Nakakailang sampal na siya sa akin ah. Tapos pinatid niya pa ako, ang sakit kaya ng pagkakadapa ko! Tiles pa naman yung sahig! Buti sana kung kahoy eh. Hindi gaanong masakit . Ang sakit tuloy ng katawan ko. Parang nanghihina tuloy ako.

My Runaway Princess (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon