Chapter 29:

731 10 0
                                    

Chapter 29

Nathalia's P.O.V

"Tara na, Ma?" Tanong sa akin ni Justine.

Nandito kasi siya ngayon sa palasyo at sinundo niya ko para pumasok.

"Yup." Sagot ko lang naman sa kaniya.

"Ama, Ina, alis na po kami." Paalam ko kila ama at ina.

"Kamahalan, aalis na po kami." Magalang na paalam naman ni Justine tapos ay nag-bow pa siya as a sign of respect.

"Ama't ina na lang ang itawag mo sa amin, tutal kasintahan ka naman na ng anak namin." Nakangiting sabi ni ina kay Justine.

Halata namang nagulat si Justine dahil doon.

"Oo nga naman. Masyado ka naman pormal." Dagdag ni ama.

"Talaga po? Sige po ama't ina." Nahihiyang sabi ni Justine habang hinihimas ang batok niya.

"Oh sige na at baka mahuli pa kayo sa klase niyo." Sabi naman nila ama't ina sa amin.

So ayun, umalis na nga kami.

Pagkadating naman namin sa school, nagulat kami dahil parang nagkaka-gulo especially yung mga babae dahil nagtitilian sila.

Nagulat naman ako nang biglang may lumapit sa amin na isang babaeng estudyante.

"Prinsesa Nathalia, diba po ang boyfriend mo ay si Sir Cloud?" Tanong niya sa akin.

"Oo, bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Kasi po kanina pa po nandito si Prinsipe Bryce. Nagwawala po siya at sinisigaw na mahal na mahal ka daw po niya at pinagbubugbog nga din po niya ang mga kaibigan niyo." Medyo natatakot na paliwanag niya.

"Ano!? Nasaan sila!?" Gulat na tanong sa kanya.

Ano na naman bang kaguluhan ang ginagawa ni Bryce? Akala ko ba tapos na at nakapag-usap na kami?

Nagulat naman ako dahil pagkatingin ko ay wala na si Justine sa tabi ko.

Asan nagpunta yun!?

Nakita ko namang maraming estudyante ang nagkukumpulan sa may garden kaya agad akong nagpunta doon.

Panigurado kasing nandoon sila Justine at Bryce.

Nagulat naman ako dahil pagkadating ko ay nagsusuntukan na si Justine at Bryce.

Nakita ko din nakahandusay sa lapag sila Dustine, Darryl, Philip, Vince, at Ryan na halatang bugbog na bugbog ang katawan.

Oh my! Ano bang ginawa ni Bryce sa kanila?

"Itigil niyo 'yan!" Sigaw ko kila Justine at Bryce tapos ay pumagitna ako sa kanila para awatin sila.

"Mang-aagaw kang gago ka! Inagaw mo sa akin si Nathalia! " Sigaw ni Bryce kay Justine.

"Hindi ako mang-aagaw dahil una sa lahat hindi ko inagaw si Nathalia sayo! Dahil hindi mo siya pag-aari at kailanman ay hindi siya magiging sayo!" Sigaw naman ni Justine kay Bryce.

"Magiging akin na sana siya kung hindi ka lang umeksena!" Galit na sigaw no Bryce habang dinuduro-duro si Justine.

"Ang angas mo ah!? Porket prinsipe ka!? Pwes wala akong pakielam!" Sabi naman ni Justine kay Bryce habang naka-ngisi.

"Mas lalong wala akong pakielam sa isang normal na taong kagaya mo!" Sigaw naman ni Bryce kay Justine.

"Sinabi nang tumigil na kayo eh!" Sigaw ko sa kanila tapos ay nagwalk-out na lang ako.

Pero hindi pa ako nakakalayo ay biglang may humawak sa braso ko at marahas niya akong hinila.

"Papansin ka talaga e, no?" Sabi sa akin ni Jayden tapos ay sinampal niya ako.

Hindi ba talaga niya ko titigilan? Tsk.

"Ano na naman bang problema mo, Jayden?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Napaka-landi mo kasi! May boyfriend ka na, nilalandi mo pa si Bryce!" Galit na sigaw niya sa akin tapos ay sinamp niya ako, this time ay mas malakas na, dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Tigilan mo nga si Nathalia! Demonyita ka talaga!" Sigaw nila Bhessy, Shane, at Anna kay Jayden.

"Oh ayan na pala ang mga kaibigan mo. Siguro pare-parehas kayong malalandi no, kaya magkaka-sundo kayo?" Nakangising pang-aasar ni Jayden sa kanila.

"Anong sinabi mo!?" Galit na sigaw ni Bhessy kay Jayden tapos ay sinugod niya ito at akmang sasampalin na, kaya lang nahawakan ni Jayden yung kamay ni Bhessy kaya tinulak niya si ito dahilan para sumubsob si Bhessy.

Tapos ay si Anna at Shane naman ang sinugod niya at pinagsa-sampal.
Sa sobrang galit ko dahil sa ginawa niya sa mga kaibigan ko, agad ko siyang sinugod at sinabunutan.

"Bitiwan mo ko, Nathalia! Bwisit kang babae ka!" Sigaw niya sa akin habang pilit inaalis yung kamay ko sa pagkakasabunot ko sa kaniya.

Sinampal ko naman siya ng malakas at halatang nasaktan siya.

Kitang-kita din sa mukha niya na nagulat siya sa ginawa ko.

"Para yan sa sa akin! At ito *slaps* ay para sa mga kaibigan ko! At ito naman *slaps* ay para sa mga kasamaang ginawa mo!" Galit kong sabi sa kanya habang sinasampal siya.

Tinulak naman niya ko kaya nabitiwan ko na siya.

"Hmm. Mabuti naman at hindi ka na duwag, marunong ka ng lumaban." Nakangising sabi niya habang nakahawak sa namumula niyang pisngi.

"Okay ka lang, Ma?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Justine tapos ay niyakap niya ako.

"Oo, ayos lang ako." Sagot ko naman sa kaniya.

"Ikaw ba? Ayos ka lang ba?" Tanong ko din sa kaniya.

"Oo. Tara, doon na lang muna tayo sa office ko." Sabi ni Justine.

Kaya naman nagpunta na kami sa office nila ni Dustine kasama na rin ang mga kaibigan namin para gamutin ang sugat nila.

© 2018, BubblyPinkMilk

My Runaway Princess (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon