Chapter 5
Khatelyn's P.O.V
Nandito kami ngayon sa room. Lahat busy na nagsa-suggest ng kani-kanilang opinyon. Next week kasi may gagawing halloween fair tong school namin.
“Eh ma'am malaki ang kita ng fund natin pag horror booth house! “suggest ni Bhessy.
“Oo nga ma'am! “sabi nilang lahat. Wow! Agree silang lahat dun!? Ihh. Ayaw ko nga ng horror house!
“Ah ok. So sa department natin ay band concert, horror house, and picture booth.”sabi ni ma'am.
“Tatlo lang ma'am? “tanong nung isang nerd namin na kaklase.
“Oo bakit Ms. Roxas. May problema ba? “pananakot na tanong ni ma'am. Hindi na nakasagot ulit yung nerd kasi natakot ata kay ma'am.
“So ako na ang maga-assign sa inyo. For the band..”Blah blah blah. Hindi ko na pinakinggan wala pa naman ako eh.
". and Ms. Flores..”huh? Saan?“So ayun sa band. Sa horror house. Blah blah blah. and Ms. Cortez. Sa picture booth naman ay sila Mr. Flores blah blah blah. So you can group yourselves now! Go to your respective groups and plan what to do.”sabi ni ma'am sa amin. Sayang hindi ko kasama sila Rylryl at Bhessy. Ang daya kasi ni ma'am eh. So ayun pumunta ako sa group namin.
“Oh thanks kay ma'am at ka-group ka namin!“sabi nung isang guy sa akin.
“Ah. Eh sino bang leader natin?“ tanong nung isang guy.
“Itong si Khatelyn na lang.”suggest nung isang babae.
“Eh? Bakit ako? Iba na lang! “pagsalungat ko. Ayaw ko kasing maging leader.
“Si nerd na lang. Diba siya leader dati? “sabi nung isa pang guy.
“Oh edi siya na lang! “sabi naming lahat.
“Ok fine! “sagot ni nerd sa amin. So nagplano na nga kami ng kung ano mga gagawin. 7 kaming lahat sa group. 3 kaming girls and 4 boys.
“Ang emcee ako na lang at si Philip. Yung 2 guitarist ay ikaw Franco at Ryan. pianist, ikaw Shane. Drumer, ikaw Vince. And syempre ang vocalist ay ikaw Khatelyn.” ako? vocalist? As if namang narinig na nila ang boses ko.
“Guys meron pa tayong 1 week to practice. Tutal friday pa naman tayo magpe-perform eh. Last kasi talaga ang band concert.”sabi ni nerd.
“Kita tayo mamaya sa music room pagtapos ng class para mag practice. Mga 1 na lang para makapag-lunch muna tayo. Ok!?“ Sabi ng leader namin.
“Ok!“sagot naming lahat kay leader nerd. After that nag-bell na din meaning lunch break na. 12:10 pa lang naman kaya nandito na lang kami sa may rooftop naglunch. Mas peaceful kasi dito eh saka kami lang tatlo. Mas gusto ko yung ganito.
“Ah Bhessy. Naguguluhan lang kasi ako eh. Bakit ka ba kasi nagalit kahapon dun sa nasabi ko ha Bhessy? “nagtatakang tanong niya. Hayss. Bhessy ko naman siya kaya sige na nga. Sasabihin ko na sa kanya. Mukhang mapagkakatiwalaan naman siya eh.
Bianca's P.O.V
Hi guys! I'm Bianca Cortez. 18 years old. Bestfriend ni Khate. Hmm. Speaking of Khate naguluhan talaga ako kung bakit siya nagalit sa akin, kaya ngayon tinatanong ko siya. Ang tagal nga niyang sagutin eh.
“Mapagkakatiwalaan ka naman diba!? “tanong sa akin ni Bhessy.
“Oo naman! Para san pa't naging Bhessy mo ako kung hindi mo pala ako mapagkakatiwalaan.”sagot ko sa kanya ng nakangiti.
“Oo nga Lynlyn. Mapagkakatiwalaan yang si Bianca.”dagdag pa ni Darryl. Haha. ang cute ng tawag nila sa isa't isa!
“Uhm. Sige na nga! Ano kasi Bhessy eh. Kaya ako nagalit kasi ako si… Nathalia.“what!? grabe gulat na gulat ako dun ah.
BINABASA MO ANG
My Runaway Princess (Completed)
Teen FictionA story about a princess who run away from the palace to avoid being married to the person she doesn't love, and end up living a normal life in a normal world where she will find her real love.