Chapter 14:

734 9 0
                                    

Chapter 14

Claud’s P.O.V

Hindi na namin tinuloy nung babae yung ginagawa namin kanina. Pinaalis ko na lang siya. At ako nandito sa labas ng office namin. Nakikinig sa usapan nila Cloud at Bianca. Interesado kasi ako eh. Sa pinakitang mood ni Cloud kanina gusto kong malaman ang dahilan.

So si Khate pala ang dahilan. Siguro alam na din niya na prinsesa si Khate. Kung tinatanong niyo kung paano ko nalaman. Syempre ako pa. Sa gwapo kong to! *smirk* Naghire kasi ako ng private imbestigator para imbestigahan si Khate. Kasi noon diba duda na talaga ako sa tunay niyang pagka-tao. Sabi na eh. Tama talaga yung hula ko. Magkamukha kasi sila talaga eh. Ok tama na. Makikinig na lang ako sa kanila.

Ay oo nga pala hindi na kailangang makinig sa kanila. Alam ko naman na yung dahilan eh. Na ikakasal siya dun kay prinsipe Bryce kaya siya naglayas. *smirk*

Cloud’s P.O.V

“Ipinagkasundo kasi siyang ikasal kay prinsipe Bryce ng kabilang kaharian kaya ayun. Naglayas siya kasi ayaw niya.”sabi niya. Ewan ko ba pero parang ngayon. Gusto ko ng pakinggan yung dahilan niya.

“Tapos? “tanong ko.

“Ayun dun siya napunta sa bahay nila Darryl tapos pinag-aral siya dito. Nagkakilala kayo tapos after ilang months nalaman mo na yung tunay na siya tapos nagalit ka sa kanya ng hindi man lang inaalam o pinakinggan yung paliwanag niya. Kaya eto ka ngayon nagtatanong sa akin kung ano yung dahilan niya kasi nagi-guilty ka na ngayon. Kasi------------.” naputol yung sabi niya kasi.

“Oo na ! Oo na ! Ako na mali ! Ako na tanga ! Ako na siraulo ! “sabi ko.

“At!? *grin* “tanong niya.

“Ako na gago! “sabi ko tapos tumawa siya. Anong nakakatawa!?

“Bakit ka tumatawa jan ha!? “inis na tanong ko.

“Kasi ngayon atleast narealize mo na yung totoo. So tanggap mo na siya? *smirk* “tanong niya sa akin.

“Malamang! Mahal ko yun eh! *smirk* “sabi ko sa kanya.

“Sus! Parang kanina lang galit na galit ka sa kanya ah. *grin* “pang-asar niya sa akin.

“Haha! “tumawa na lang ako.

“Oh ano pang inuupo-upo mo jan!?  “tanong niya sa akin. Bakit?

“Bakit? “nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Slow ka na pala ngayon Trops!? Malamang puntahan mo na si Bhessy ngayon! “sabi niya na parang irita. Haha. Pasensya naman.

“Ok eto na nga eh. Sige alis na ako! “paalam ko sa kanya.

“Sige go ahead! Don’t worry! Dito lang muna ako ah.”sabi niya tapos tumango na lang ako tapos tumakbo na ako paakyat sa may rooftop. Hintayin mo ko jan Khate! Whoo! MAHAL NA MAHAL KITA KHATE!

Kaya lang pag-akyat ko. Wala na dun si Khate. Ay putek! Baka magkasakit yun! Naulanan pa naman din siya kanina. Kasalanan ko talaga pag may nangyaring masama sa kanya. Ang tanga ko kasi eh!

“ANG TANGA TANGA KO TALAGA! DAPAT PINAKINGGAN KITA KHATE! MAHAL NA MAHAL KITA! PATAWARIN MO AKO SA NASABI KO KANINA! “sigaw ko dito sa rooftop. Pagkatapos kong sumigaw inikot ko tong buong school. Pero hindi ko nakita si Khate. Mga 2 hours na akong naghahanap kay Khate pero hindi ko pa din siya makita eh.

Kaya eto bumalik na lang ako sa office ko.

“Oh Trops! Ayos na ba? “masayang tanong ni Bianca sa akin.

“Hindi ko siya nakita eh. Inikot ko na tong buong school pero hindi ko talaga siya makita.”frustrated na sabi ko.

“Ano? “disappointed na tanong niya.

My Runaway Princess (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon