Chapter 30: Last Chapter

1.1K 14 0
                                    

Chapter 30: Last Chapter

Nathalia's P.O.V

Maaga kaming pinauwi ngayon dahil sa nangyari kanina.

Kaya naman papunta na sana ako sa condo nang biglang tumawag sa akin si Bryce.

"Hello Bryce?" Bati ko sa kaniya.

"Nathalia kailangan nating mag-usap. Pumunta ka dito sa park ngayon na. Hihintayin kita. At huwag kang magsasama ng kahit sino. Gusto ko, ikaw lang." Dire-diretsong sabi niya.

Sasagot pa lang naman ako at agad na niyang ibinaba ang tawag.

"Oh Nathalia, nandyan ka lang pala. Tara na uwi na tayo." Sabi sa akin ni Philip.

"Ano, Ma? Let's go?" Sabi naman sa akin ni Justine.

"Sige, mauna na kayo. May pupuntahan lang ako." Sabi ko naman sa kanila.

"Samahan na kita." Sabi naman sa akin ni Justine.

"Hindi na, Pa. Mauna na kayo. Ako na lang mag-isa." Sabi ko naman sa kaniya.

"Sigurado ka?" Sabay-sabay na tanong nila sa akin.

"Oo. Sige, bye." Paalam ko sa kanila tapos ay nauna na akong umalis.

At nagpunta na nga ako sa park.

Cloud's P.O.V

Umalis na din ang mga kaibigan ko pero nagpa-iwan ako. Nag-aalala kasi ako sa kanya.

Nagmamadaling umalis si Nathalia. Saan naman kaya siya pupunta?

Pagtingin ko sa bench kung saan siya nakaupo kanina, nagtaka ako dahil naiwan niya doon ang bag niya. Naiwan niya siguro sa pagmamadali.

Pero saan naman siya pupunta at nagmamadali siya?

Parang may mali ah.

Kinabahan naman ako kaya dali-dali kong sinundan si Nathalia.

Nathalia's P.O.V

Pagkadating ko sa park ay agad kong nakita si Prinsipe Bryce na naka-upo sa bandang dulong bench.

"Nathalia!" Masayang bati ni Bryce tapos ay niyakap niya ako.

Tapos ay umupo na kami sa bench.

"Ano nga palang sasabihin mo? Bakit mo ako pinapunta dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Gusto kong ituloy natin ang kasal." Diretsong sabi niya na ikinagulat ko.
"Ano!? Diba napag-usapan na natin na hindi na matutuloy ang kasal?" Gulat at nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Pero mahal kita Nathalia at ayaw kong mawala ka sa akin." Sabi niya tapos hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Pero alam mong si Justine ang mahal ko." Sabi ko naman sa kaniya.
Agad naman niyang binitiwan ang mga kamay ko tapos ay tumawa siya ng mapait.

"Nathalia, ano pa bang kailangan kong gawin para mahalin mo din ako? Hindi pa ba ako sapat? Ano bang mayroon ang Justine na yan na wala ako? Bakit mas gusto mo siya kaysa sa akin? Samantalang prinsipe ako at di hamak na normal na tao lang siya." Sabi ni Bryce at kitang-kita ko naman sa mga mata niya ang lungkot, galit, at sakit.

"Bryce..." tawag ko sa pangalan niya.

Hindi ko na kasi alam kung anong sasabihin ko.

"Nathalia, 15 years! 15 years na kitang minamahal! Simula pagkabata natin ay ikaw na ang laman nitong puso ko! Pero yang gagong Justine na yan, wala pang isang taon mong kakilala tapos ano? Kinalimutan at binalewala mo na kaagad ang pagmamahal ko sayo, dahil sa kaniya? Nakakagago lang." Sabi niya habang umiiyak at kitang kita ko na nababalot na siya ng galit.
"Ano bang gusto mo, ha? Ganito ba?" Sabi niya tapos bigla niya kong hinila at hinalikan.

Kaya naman nasampal ko siya sa sobrang gulat ko.

"Ito ba ang gusto mo? *Evil laugh* palagi niyo bang ginagawa 'to ni Cloud kaya mas pinili mo siya kaysa sa akin? Magaling ba siya? Huwag kang mag-alala, pangako, mas magaling ako kaysa sa kanya." Nakangising sabi niya habang pilit akong hinahalikan.

Nagpupumiglas naman ako habang hinahampas-hampas siya.

"Bryce tama na!" Sigaw ko sa kaniya habang patuloy pa din akong nagpupumiglas.

Pero wala akong magawa dahil sadyang malakas siya at ang higpit ng pagkakahawak niya sa mukha ko.

"Bryce, huwag." Pagmamaka-awa ko sa kaniya habang umiiyak nang akma na naman niya kong hahalikan.

"P*t*ngina mo talagang gago ka!" Sigaw ng kararating lang na si Justine tapos ay sinuntok niya si Bryce dahilan para mabitiwan niya ako at malaglag siya sa inuupuan namin.

Agad naman akong tumakbo papunta kay Justine tapos ay niyakap ko siya habang umiiyak.

"P-pa..." humihikbing tawag ko sa kaniya.

"Shh. Tahan na, nandito na ako." Sabi niya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko at pinunasan niya ang mga luha ko.

Pagkatapos nun ay bumaling na ulit siya kay Bryce.

"Hayop ka! Naturingan kang prinsipe, ganyan ka umasta!? Malalagot ka talaga sa aking gago ka kapag ginawa mo pa ulit iyon kay Nathalia!" Galit na sigaw ni Justine kay Bryce.

Para namang nag-iba ang aura ni Bryce at biglang natauhan lalo na ng makita niya akong umiiyak

"N-nathalia, I'm sorry. H-hindi ko sinasadyan." Sabi niya sa akin tapos ay akmang lalapitan niya ako pero bigla siyang itinulak ni Justine.

At magsusuntukan sana ulit sila ng biglang...

"Nathalia!" Sabay na sigaw nila tapos ay tumakbo sila papunta sa akin.

*Bang*

*Bang*

*Blag*

Nakarinig ako ng dalawang putok ng baril at sabay na bumagsak si Justine at Bryce sa damuhan.

A-anong nangyari!?

© 2018, BubblyPinkMilk

My Runaway Princess (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon