Chapter 4:
Khatelyn's P.O.V
Grabe naman dito sa school nila Darryl. Sobra makareact yung mga students.
After naman nun wala na kaming ginawa so ngayon nandito kaming tatlo sa cafeteria. And close na nga kaagad kami ni Bianca eh. Mabait din naman siya. Yun nga lang loka loka. Ang lakas lagi ng trip.
“Hey guys alam niyo na ba?“ tanong sa amin ni Bianca.
“Huh!? Ang alin?“sabay na tanong namin ni Rylryl.
“Na si Prinsesa Nathalia daw ay nawawala. Naglayas daw ata. Sayang nga eh. Ang ganda ng buhay niya dun tapos lalayas lang siya. Tss.” nabigla kami sa sinabi ni Bianca.
Then nung nawala na ang after shock ko biglang nag replay ng nag replay ang sinabi ni Bianca.
"Sayang nga eh. Ang ganda ng buhay niya doon tapos lalayas lang siya.”
"Sayang nga eh. Ang ganda ng buhay niya doon tapos lalayas lang siya.”
Arrgh! Sa sobrang inis ko hindi ko na napigilang magsalita.
“Hindi mo alam ang sinasabi mo!” and then, biglang nagunahan sa pagpatak ang aking mga luha. Tumayo na ako para umalis.
“Lynlyn saglit!” sigaw ni Darryl sa akin.
“Wag kang susunod!” sigaw ko kay Rylryl.
So ayun hindi na siya--- este sila pala sumunod sa akin. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may nakabunggo na akong lalaki ng hindi sinasadya.
“Miss ok ka lang ba? “tanong sa aking nung guy na nabunggo ko.
“O-oo.”mahinang sagot ko.
“Teka. Khate ikaw ba yan? Bakit ka naiyak? “tanong niya sa akin. Bakit kilala niya ako? Tumingala ako para makita ang itsura niya. And to my greatest shock. It's him. It's Cloud.
“Cloud.“ after kong sabihin iyon. Bigla niya akong niyakap. Kaya lalo na akong naiyak.
“Nandito lang ako Khate.”malungkot din na sabi niya.
“Cloud bakit ganun? Hindi maintindihan ng iba kung bakit ako lumayas sa amin!? Hirap na ako sa buhay ko dun sa kaharian namin!” sa sobrang iyak ko nasabi ko na lang lahat yun. Ah shit! Isa yan sa natutuhan ko kay Bianca. Hay nako!
“Anong ibig mong sabihin na kaharian Khate? Hindi kita maintindihan.” sabi niya sa akin.
“Ah wala yun. Wag mo ng intindihin yun!” at inalis ko na yung yakap niya saka tumakbo pauwi sa bahay. Hindi na ako sumabay kay Rylryl kasi ayaw ko na siyang idamay pa sa problema ko. Pagdating ko sa bahay umiyak ako ng umiyak habang nagwawala.
“Bwisit! Kung hindi dahil sa letcheng pananakot nung mga Aldens na yun! Lalo ka na! Arrgh! I HATE YOU BRYCE ALDENS! Ikaw at ang pamilya mo ang may kasalanan kung bakit ako nandito at hiwalay sa aking amang hari at inang reyna! Kung hindi mo sila tinakot na ipakasal ako sayo edi sana nandun pa rin ako sa palasyo kasama sila! Sana masaya ako ngayon!" Puno ng galit na sigaw ko.
“Ok lang yan. Kaya mo yan Lynlyn.” Huh? Ba-bakit nandito siya.
“Kanina ka pa ba diyan!?“ tanong ko sa kanya ng nakatalikod lang ako.
“Oo. At lahat yun narinig ko.”sabi niya sa akin. Humarap ako at tumakbo papunta sa kanya para yakapin siya. Nang mahimasmasan na ako bumitaw na ako sa kanya at sinabing.
“Kaya ko to Rylryl. Kakayanin ko hanggang sa makakaya ko.”then i flashed a sad smile.
“Hindi ka namin pababayaan. Tutulungan ka namin. Nandito lang kami ni Bianca.”napangiti ako dun sa sinabi niya. but this time totoo. Totoong ngiti. I'm sorry kung iniwan ko kayo. Sorry po ina, ama. Babalikan ko kaya pag kaya ko na. Dahil ayokong ikasal sa taong hindi ko naman mahal. Ayaw ko ng ganun.
Cloud's P.O.V
It's already 1:47 a.m. Oo madaling araw na pero hindi pa din ako makatulog. Naguguluhan kasi ako sa sinabi ni Khate eh. Hindi maalis sa isip ko yung sinabi niya kanina.
"Hirap na ako sa buhay ko dun sa kaharian namin.”
"Kaharian namin.”
“Kaharian namin.”
"Kaharian namin.”
Ano bang 'kaharian namin' ang sinasabi niya? Hindi ko ma-gets putek! Ang dami kong iniisip ngayon! Mas lalo namang hindi ko makalimutan na nayakap niya ako kanina. Dugdug. Letche naman tong puso na to!
“Arrgh! KHATE umalis ka na sa isip ko! Hindi ako makatulog eh! “Oh diba. Para akong tanga. Fuckshit nakakabakla! Nagagalit ako pero sobrang lapad naman ng ngiti ko.
Oh. Hi! By the way. Hindi pa nga pala ako nagpapakilala sa inyo. I'm Cloud Justine Arante. The grandson of the owner of the school. I'm 17 years old. 2nd year college of Ridgeview Academy of Kingdom Royale. Sikat din ako dito sa school namin. Syempre apo ba naman ng may-ari eh. But we're not the richest of all the people here. Kasi ang pinaka mayaman ay ang pamilya Von Sweich. Sila ang mga dugong bughaw dito or sa madaling salita Royal Family sila. Balita ko naglayas daw yung kaisa-isa nilang prinsesa eh. Si prinsesa Nathalia Von Sweich. Sobrang ganda niya nga eh. Pero parang may kamukha siya na kakilala ko. As in super. Para silang kambal nun. The two of them are both similar except in names. Maganda si Prinsesa Nathalia. Pero ewan ko mas gusto ko si Khatelyn kesa sa kanya. Bago ako makatulog isang salita lang ang binitiwan ko.
“Khatelyn.”at nakatulog na ako ng masaya na may ngiti sa labi ko.
Khatelyn's P.O.V
Hmm. Goodmorning mr. sunshine! Isang panibagong umaga sa panibagong araw. What's new kaya again ngayon!? Nagbibihis na ako para pumunta sa school. Ok naman na ako about dun sa kahapon. I already did try my best to forget the palace. Tama na nga to! Alis na ko baka malate pa kami ni Rylryl eh.
So eto nandito na nga kami sa school naglalakad papunta sa room. Hindi pa din talaga ako sanay na lahat sila nakatingin sa akin. Buti na lang at hindi nila ako kilala bilang si prinse----- ah wala. Nevermind.
“Ah Khate. Uhm. So-sorry nga pala dun sa kahapon. Hi-hindi ko talaga sinasad-----.”nauutal na natatarantang sabi sa akin ni Bianca.
“Bianca. See, hindi naman ako galit sayo eh. Naiintindihan kita. Ok lang sa akin yun.”sabi ko sa kanya.
“Talaga? Yaaay! Thank you Khate!” then bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Halos hindi na nga ako makahinga eh.
“Ah Bianca. I. Can't. Breath." Nahihirapan kong sabi sa kaniya.
“Hehe. Sorry Bhessy.” huh!?
“Eh? Bhessy?“ Parang tangang tanong ko. Eh pasensya naman. Bago sa mundong to eh.
“Hello!? Bhessy. Short for Bestfriend!” ah. Now I know.
“Ah. Ok then.”sagot ko.
“Bati na tayo Bhessy ah! “sabi niya with pouting lips pa.
“Oo naman Bhessy!” Nakangiting sagot ko naman sa kanya.
“Ay cute mo talaga. Ay hindi pala. Ang ganda mo kasi eh. Nakakainggit! “natouch naman ako. Maganda din naman siya eh.
“Haha ! “sabi ko na lang.
“Ehem. Nandito pa po kaya ako.” haha. Ang cute talaga ni Rylryl.
“*yakap sa kanya* Hmm. Eto naman. Ang cute mo talaga Rylryl!” sabi ko sa kanya with matching yakap. Halatang nagulat siya then biglang. Namula? Eh? Bakit naman kaya!?
“Bahala kayo jan ng Bhessy mo!“ sabi niya. Haha. Tampo na siya nyan?
“Tampo ka na niyan? Tara na. Ang cute mo pala magtampo Rylryl! “ayun. Lalo siyang namula.
“Ehem. Darryl, Bhessy. I smell something fishy. *grin* “di ko gets.
“Magpinsan kami Bianca! Wag kang mag-inaso! *glare* “Eh? Promise di ko talaga gets. Di ako maka-relate! Sa palas---- ah erase. erase.
“Tara na nga pasok na tayo sa room! “yaya sa amin ni Rylryl. So ayun pumasok na nga kami sa room.
© 2018, BubblyPinkMilk
BINABASA MO ANG
My Runaway Princess (Completed)
Teen FictionA story about a princess who run away from the palace to avoid being married to the person she doesn't love, and end up living a normal life in a normal world where she will find her real love.