Chapter 3:

2.1K 36 0
                                    

Chapter 3:

Khatelyn's P.O.V

Grabe. Ewan ko ba pero na-stuck na lang ako dito. Parang na freeze na lang ako dito at napako sa kinatatayuan ko. Ngayon lang naman ako nakaramdam ng ganito. Iba to, ibang iba. Dugdug. Dugdug. Hala ano yun? Ah baka napagod lang ako kaya ganun ang heartbeat ko.

“Ah siya ba!? *points at me* Siya si Khatelyn. Pinsan ko.” sabi ni Darryl dun sa lalaki kanina.

“Ah. Hi!“nginitian ko siya pero nahihiya pa din ako.

“He-hello!“ eh!? Bakit ganun yung mga mata niya? Biglang kumislap nung sinabi niya yun.

“Ako nga pala si Khatelyn. Khatelyn Flores, pinsan ni Darryl. Khate for short!” Pagpapakilala ko sa kanya.

“Ah ako naman si Cloud Justine Arante. Kabarkada ni Darryl. Nice to meet you Khate!” nakangiting sabi niya.

“Nice to meet you din Cloud!” nakangiting sabi ko. Ewan ko ba pero parang ang gaan ng loob ko sa lalaking to.

“Ah Lynlyn tara na may bibilhin pa tayong ibang gamit na kailangan mo.”naiinip na sabi ni Rylryl sa akin.

“Ah ok. Sige Cloud una na kami ni Rylryl ah.” magalang na paalam ko sa kanya.

“Bye Khate!”haha ! Napatawa na lang ako. Grabe kasi ang lapad ng ngiti niya eh.

After nun may binili lang kami saglit then umuwi na kami ulit sa bahay nila. I mean namin kasi bahay ko na din daw yun tutal I’m pretending na kamag-anak nila kahit hindi naman talaga. Bigla ko na lang naisip si amang hari at inang reyna. Hay nako! Naiiyak na naman ako.

“Oh Lynlyn. Bakit ka umiiyak?“ nagtataka at nagaalalang tanong sa akin ni Rylryl.

“Ah wala Rylryl naisip ko lang yung mga magulang ko.” malungkot na sabi ko.

“Ok ka lang ba?” tanong niya. At halata ko sa mga mata niya ang pagaalala.

“Oo, ok lang ako. Sige akyat na ako sa kwarto ko.” mahina at malungkot pa rin na sabi ko.

I miss my mom and dad. I just miss them so much.  At umiyak na naman ako hanggang makatulog.

“Lynlyn, bihis ka na ba?“ tanong sa akin ni Rylryl.

“Ah Rylryl sandal na lang.” sagot ko sa kanya.

“Sige hintayin ka namin ni lola sa baba para magbreakfast.” Sabi naman niya.

Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako. Simpleng dress lang ang sinuot ko. Above the knee siya sa harap pero below the knee sa likod na may ribbon sa likod. Color white yung dress na floral at black naman yung ribbon. Yun kasi yung sinabi ni Rylryl na isuot ko eh. And tinali ko yung buhok ko ng tali na may design na flower at nagheadban ng color black at may design na flower na color black din. At tumingin sa full-length mirror dun sa kwarto ko.

“I look different to my old self. Yeah right, Khatelyn is better than Nathalia now!“ at lumabas na ako sa kwarto ko para magbreakfast ng may ngiti sa aking mga labi.

“Goodmorning la! Goodmorning Rylryl!“ bati ko sa kanila. Ang saya ko talaga ngayon. Wala na talaga si Nathalia.

“Oh. Ang ganda ata ng gising mo apo ah.” puna sa akin ni lola.

“Oo naman po, La!” sagot ko.

“Oh Darryl. Bakit ---- Hay nako. Natulala na naman sa kagandahan mo apo.” panunukso ni lola. Sumagot na lamang ako sa pamamagitan ng ngiti.

“Rylryl sabi ko goodmorning.” nakapout na sabi ko. Eh pano ba naman, wala man lang siyang response. Kanina pa siya tahimik eh.

“Ah. Eh. G-go-goodmorning d-din Lynlyn!” eh? Bakit parang nahihiya siya tapos namumula pa. At nauutal pa siya.

My Runaway Princess (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon