Chapter 21
Khatelyn’s P.O.V
After ilang minutes. Natapos na din kaming kumain. Pero yung apat (Philip, Vince, Ryan, at Franco) hindi pa din tapos kumain.
“Ah guys. Punta lang ako sa ladies room muna ako ah.”paalam ko sa kanila. May huhugas lang ako and magpa-powder. Nagpapawis na kasi yung mukha ko eh.
“Sama kami Bhessy.”sabi ni Bhessy.
“Sige.”sabi ko. Then ayun sumama nga sila. Naiwan yung mga boys dun.
Walang tao sa ladies room. Bale kami lang 4.
“Khate iihi lang kami ah.”sabi ni Anna at Shane.
“Bhessy ako din. Iihi lang ako.”sabi ni Bhessy.
“Sige dito lang ako.”sabi ko sa kanila then pumasok na nga sila dun sa mga cubicle.
Habang nagsusuklay ako biglang may pumasok na babae. Tapos humarap siya sa salamin. After niyang maghugas ng kamay bigla siyang humarap sa akin.
“Hi Nathalia. Long time no see. (pak) “sabi niya sa akin then bigla niya akong sinampal. Na-shock ako. Hindi ko siya kilala. Saka hindi ko siya makilala kasi naka sun-glasses siya then naka-hat. Tapos umalis na siya pero pagdaan niya sa harap ko sinanggi niya pa yung balikat ko. Bago siya lumabas may sinabi pa siya ulit.
“Don’t worry. We will see each other again. Just wait. *smirk* “sabi niya pa ulit sa akin. Hindi pa din ako makapag-react.
Nakakapagtaka lang kasi. Una, kilala niya ako. Pangalawa, sinampal niya ako. Pangatlo, sinanggi niya ako. At pang-apat, sinabi niya na magkikita daw ulit kami, maghintay lang daw ako. Sino ba siya? Bakit niya ako kilala ?, bakit niya ako sinaktan? Ano yung mga pinagsasasabi niya?
“Uy Bhessy anong nangyari sayo!? “gulat na tanong ni Bhessy then lumapit siya sa akin.
“Oo nga Khate bakit namumula yang pisngi mo!? “tanong nila Anna at Shane tapos hinawakan nila yung pisngi ko.
“Ouch.”sabi ko sa kanilang tatlo pagkahawak nila sa pisngi ko. Ngayon naramdaman ko na masyado palang malakas yung pagkakasampal sa akin nung babae.
“Anong nangyari sayo ha? “tanong ulit nila sa akin.
“Ah. W-wala to.”sabi ko sa kanila.
“Sigurado ka? “tanong pa ulit nila.
“Oo. Tara na.”sabi ko sa kanila. Tapos lumabas na nga kami. Paglabas namin tapos na kumain sila Philip.
“Oh, ba’t ang tagal niyo? “tanong nila sa amin.
“Nag-number 2 kayo? “tanong ulit nila.
“Siraulo! “sabi nung tatlo.
“Oh Khate anong nangyari jan? “tanong ni Justine tapos akmang hahawakan niya yung pisngi ko pero iniwas ko. Medyo mahapdi kasi eh.
“Oo nga. Bakit namumula yang pisngi mo Lynlyn!? Nilalagnat ka ba? “tanong ni Rylryl.
“Nagba-blush? “parang tangang sabi nung ibang boys.
“I think someone slap your face. Who is it? “tanong sa akin ni Dustine. Uh oh. Patay!
“May sumampal sayo!? “gulat at galit na tanong sa akin ni Justine.
“Uy h-hindi ah. M-mainit kasi eh. Hehe.”pag-kukunwari ko. Ayaw ko kasi na malaman nila na may sumampal sa akin eh.
“Talaga? “sabay-sabay na tanong nila.
BINABASA MO ANG
My Runaway Princess (Completed)
Teen FictionA story about a princess who run away from the palace to avoid being married to the person she doesn't love, and end up living a normal life in a normal world where she will find her real love.