Chapter 26:

650 7 0
                                    

Chapter 26

Cloud’s P.O.V

Yes! Whoo! Kami na ni Khate! Sinagot niya na ako! Hindi ko na talaga to papakawalan. Ang saya ko lang!

“Uy. Kanina ka pa dyan nakangiti..”sabi sa akin ni Khate. Nandito nga pala kami sa kwarto niya. Dito pa din sa palasyo nila. Ngayon nga lang ako nakapasok dito sa kwarto niya eh. Ang ganda, pang prinsesa talaga. Magkayakap lang kami dito.

“Masaya lang ako..”sabi ko na lang sa kanya. Masaya naman kasi talaga ako eh. Sobrang saya!

“Bakit naman?.”nagtatakang tanong niya. Haha! Hindi pa ba niya alam yun!?

“Kasi sinagot mo na ako. Girlfriend na kita..”sabi ko sa kanya. Nakita ko namang namula siya. Haha! Ang cute niya mag-blush. Kinikilig din tuloy ako.

“Haha. Ang cheesy mo..”sabi niya sabay.

(Tsup) halik niya sa pisngi ko. Ano ba yan! Kinikilig ako. Pota naman! Nakakabading.

“Uy Justine, namumula ka. Yiee! Kinikilig ka no!? Haha!”pang-aasar niya sa akin.

Oo na. Ako na kinikilig. Kasalanan ko ba yun? Eh sa sobrang mahal ko tong babaeng ito eh.

“Oo na kinikilig na ako. Eh sa nakakakilig ka eh. Titig mo pa nga lang natutunaw na ako. Yung halikan mo pa ako. Naku! Pwedeng pwede na akong mamatay!”sabi ko sa kanya. Tapos halatang kinilig din siya kasi namula siya. Pero nung marinig niya yung part na ‘mamatay’ biglang naging seryoso. Problema nito?

“Anong pwede ng mamatay!? Adik ka ba!? Pano na lang ako pag namatay ka!? Edi parang namatay na din ako pag namatay ka!”galit na sabi niya tapos halos tumulo na yung luha niya. Hala!

“Oy joke lang naman yun. Syempre ayaw ko pang mamatay no. Gusto ko pang ikasal sayo. Saka alagan yung sampung dosena nating anak. Pati mga apo..”sabi ko naman sa kanya. Nanlaki naman bigla yung mata niya.

“You pervert!”sigaw niya sa akin tapos hinampas niya ako. Pero tumawa naman siya.

“Joke lang. Haha! O, diba tumatawa ka na..”sabi ko sa kanya tapos pinisil ko yung pisngi niya.

Tumahimik lang kami saglit. Magkayakap pa din kami habang magka-holding hands.

“Khate..”tawag ko sa pangalan niya.

“Hmm??.”tanong niya sa akin. Ok. Nag-iiba isip ko pag ganyan sinasabi niya eh. Nate-tempt ako. Ay nako Cloud tumigil ka!

“Bangin ka ba?.”tanong ko sa kanya. Halata naman na nagtataka siya.

“Bakit?.”nagtatakang tanong niya.

“Kasi nahuhulog na ako sayo eh..”sabi ko naman tapos nakita ko na naman siyang mag-blush. haha! Ang cute talaga.

“Khate, ipapapulis na kita..”seryoso kong sabi sa kanya.

“Bakit naman?.”medyo nagulat na tanong niya.

“Kasi ninakaw mo ang puso ko, hindi mo na binalik..”sabi ko sa kanya ng may malapad na ngiti.

“Siraulo ka! Haha!”sabi niya tapos binatukan niya ako. Pero mahina lang naman.

“Eto, last na to. Hahaha..”sabi ko sa kanya.

“Haha! Last mo na yan!”pang-aasar niya sa akin.

“Pintura ka ba?.”tanong ko pa ulit sa kanya.

“Bakit?.”tanong niya pero calm na lang ang facial expression niya. Hindi na siya gaya kanina, na nagtataka.

My Runaway Princess (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon