Epilogue
Nathalia's P.O.V
It's so sad to lose the people you love the most. It's hard to accept that you cannot see them again because they are gone. Forever. It really hurts to lose someone special to you.
I loathed myself.
I hate myself.
If it wasn't because of me, maybe, they're still here.
If only they don't sacrifice their own lives just to save me, they wouldn't have died.
This is all because of me and I couldn't forgive myself knowing that they died because of me.
Here I am, standing in front of two tombs.
I wish this was all a dream. But it wasn't. They're really gone, forever.
I can't help, but to cry and grieve because of them.
"I love the both of you. I'm sorry and goodbye. Thanks for saving me." Malungkot na sabi ko sa kanila bago ko punasan ang luha ko at himasin ang mga nitsong kinalalagyan nila.
Nag-iwan muna ako ng tig-isang bulaklak sa ibabaw ng puntod nila bago ako tuluyang umalis sa sementeryong iyon.
Pagkalabas ko ng sementeryo ay pumasok na kaagad ako sa loob ng kotseng kanina pa naghihintay sa akin.
"Okay ka lang ba, Ma?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Justine.
"Oo okay lang ako. Hindi ko lang talaga matanggap na wala na si Bryce at Aileen dahil sa akin." Malungkot na sabi ko sa kaniya.
"Huwag ka nang malungkot. Sigurado akong masaya na sila kung nasaan man sila. At tsaka hindi sila matutuwa kapag nakita ka nilang malungkot. Sadyang mahalaga ka lang talaga kaya mismong buhay nila ay isinakripisyo nila mailigtas ka lang." Sabi naman sa akin ni Justine tapos ay hinawakan niya ng mahigpit at kamay ko.
"I love you, Justine. Salamat dahil hindi mo ko iniwan." Sabi ko sa kanya tapos ay niyakap ko siya ng mahigpit.
"I love you more, Nathalia." Nakangiting sabi sa akin ni Justine tapos ay niyakap niya ako pabalik.
Mabuti na lang talaga at nakaligtas si Justine mula sa balang natamo niya.
*Flashback*
"Nathalia!" Sigaw nila Justine at Bryce habang tumatakbo papunta sa akin.
At nagulat na lang ako ng biglang may baril na pumutok ng dalawang beses at nakita ko na lang na nakahandusay na sa sahig si Justine at Bryce.
May tama ng bala si Justine sa balikat samantalang si Bryce naman ay sa dibdib tinamaan ng bala.
"H-hindi! Justine! Bryce!" Umiiyak kong sigaw habang tumatakbo palapit sa kanila.
Pagtingin ko sa direksyon kung saan nanggaling ang bala, nakita ko si Jayden.
Napansin siguro niya na hindi ako ang tinamaan niya kaya muli niyang itinutok sa akin ang baril.
Pero nagulat ako nang biglang sumulpot si Aileen sa harapan ko.
"Tama na ate!" Sigaw niya kasabay ng putok ng baril at napahandusay na lang sa damuhan si Aileen na tinamaan din ng bala sa dibdib.
"No, Aileen!" Umiiyak na sigaw ko.
H-hindi pwede 'to! This can't be happening!
Hindi naman makapaniwala si Jayden sa mga nangyari kaya napaluhod na lang siya at sakto namang nagsi-datingan ang mga pulis at hinuli na nila si Jayden.
Kasunod naman na dumating ang ambulansya at isinakay na doon sila Justine, Bryce, at Aileen.
Halos hindi ako makagalaw at natulala na lang dahil sa gulat sa mga nangyari.
*End of Flashback*
Maswerte si Justine dahil sa balikat lang siya nabaril kaya nakaligtas siya. Hindi gaya nila Bryce at Aileen na sa dibdib nabaril kaya binawian kaagad sila ng buhay.
Hay. Bakit pa kasi nangyari iyon?
"Ano na namang iniisip mo dyan?" Nagtatakang tanong sa akin ni Justine.
"Narealize ko lang na sobrang sakit talagang mawala ang mga taong mahal mo. Kaya Justine, sana ipangako mo sa akin na ako lang ang mamahalin mo at hindi mo ako iiwan." Seryosong sabi ko sa kanya.
"Syempre naman. Hinding hindi kita iiwan, pangako 'yan. Pero hindi ko maipapangakong ikaw lang ang mamahalin ko." Sagot naman niya.
Nagulat at nagtaka naman ako dahil doon.
"B-bakit naman?" Tanong ko sa kanya tapos ay tumulo na nga ang luha ko.
Tinawanan naman niya ako at pinisil yung pisngi ko.
"Ikaw talaga! Hahahaha! Napaka-iyakin mo." Pang-aasar niya sa akin.
"Ikaw naman kasi eh." Nakasimangot na sabi ko sa kanya.
"Hindi ko maipapangakong ikaw lang ang mamahalin ko, kasi syempre kailangan ko ding mahalin ang mga magiging anak natin." Nakangiting sabi niya kaya naman napaiyak na ko ng tuluyan, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa sobrang tuwa.
"I love you so much, Cloud Justine Arante. Forever and ever." Masayang sabi ko sa kanya.
"I love you more, Princess Nathalia Von Sweich. Forever and ever." Nakangiti ring sabi niya tapos ay hinalikan niya ako.
A kiss that is full of sweetness and love.
-The End-
© 2018, BubblyPinkMilk
BINABASA MO ANG
My Runaway Princess (Completed)
Teen FictionA story about a princess who run away from the palace to avoid being married to the person she doesn't love, and end up living a normal life in a normal world where she will find her real love.