Chapter 20
Khatelyn’s P.O.V
After 1 hour nakadating na din kami. Malapit lang naman kasi eh. Yung mga kasama ko sobrang excited. Nandito pa lang kami sa entrance nag-uusap usap na sila kung ano yung mga sasakyan namin. Sila Ryan at Vince naman nagtatalo kung ano ang unang sasakyan namin. Haha. Ang cute nilang tignan. Parang mga bata.
“Ride all you can tayo.”sabi sa akin ni Justine.
“Sige ba. Para masaya.”nakangiti kong sabi sa kanya.
“Oh guys! Ride all you can ticket na kukuhain natin ah! “sigaw ni Justine dun sa mga kasama namin.
“Ayun oh!“ sabay-sabay na sabi nila habang nakangiti ng sobrang lapad.
So ayun pumila na nga kami. Pag pasok namin dun nagulat kami kasi.
“Late.”sabi ni Dustine. Waaah! Nandito si Dustine!
“Oy saglit nga lang eh.”sabay-sabay na sabi nung mga boys. So alam nila to. Ang daya nila! Akala ko pa naman hindi kami kumpleto.
“Sweetheart! “sigaw ni Bianca kay Dustine tapos nag-kiss sila. Kailangan talaga public. Grabe ah.
“Oh sweetheart. You missed me that much huh. *smirk* “pang-asar na sabi ni Dustine pero nakayakap pa din sa kanya si Bhessy.
Tapos ayun naglakad na kami. Naghahanap pa kasi kami ng una naming sasakyan eh.
“Hey guys dun tayo oh! “sabi nila Philip sabay turo dun sa ride na parang pirate ship. Yung nauga-uga. Basta! Yun na yun! Parang medyo nakakatakot kasi sigaw ng sigaw yung mga tao na nakasakay dun eh.
“Sige! Tara anchors away tayo! “sabay-sabay na sabi nilang lahat. Ah, so anchors away pala ang tawag dun.
So ayun na nga. Yun nga yung una naming sinakyan. Hindi naman gaanong madami yung tao ngayon kasi Wednesday. School days ngayon. Kami lang walang pasok kasi may seminar daw yung mga teachers. Kaya nandito kami ngayon sa amusement park na to.
After ilang turns. Turn naman namin. Dito kami sa bandang gitna umupo ni Justine saka nila Anna,Grey, at Rylryl. Yung ibang boys sa likod. Mas maganda daw kasi dun eh. Yung dalawang lovebirds naman (Bianca and Dustine) dun sa pinakaharap umupo. Ewan ko dun sa dalawang yun. Mas gusto daw nila sa harap kasi kita ng mga tao. Tss.
Nagsimula ng umandar tong ride na to. Oh my! Oh my! Kinakabahan ako. Parang nakakatakot na. Alam kong kinakabahan talaga ako. Ramdam ko yung pagkabog ng dibdib ko eh.
“Ok ka lang? “worried na tanong sa akin ni Justine.
“Oo, ok lang ako.”sabi ko na lang kahit hindi. Then fake smile.
“Kinakabahan ka ba? “tanong pa ulit niya.
“Medyo. Oo.”sabi ko. Then hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko.
“Wag kang kabahan basta nasa tabi mo ako. Nandito lang naman ako sa tabi mo eh.”sabi niya tapos bigla siyang nag-smile. Medyo nawawala na yung takot ko. Ewan ko ba pero parang pakiramdam ko basta kasama ko siya safe ako.
Maya-maya pa bigla na lang bumilis yung pag-uga nito. Kaya naman.
“AAAAAAAAAAAAAAAAH! “sigaw ko yan. Madami ding sumisigaw hindi lang ako. Pati nga sila Philip, Vince, Ryan, at Franco nasigaw din eh. Si Rylryl at Grey tawa lang ng tawa. Si Dustine seryoso lang. Tapos eto namang si Justine kalmado lang na nakangiti.
“CRUSH KO SI KHATE! “sigaw ni Philip. Haha. Adik talaga tong lalakeng to.
“AAAAAAAAAAAAAAAAAH! “sigaw ko pa ulit kasi bumilis na naman eh.
BINABASA MO ANG
My Runaway Princess (Completed)
Teen FictionA story about a princess who run away from the palace to avoid being married to the person she doesn't love, and end up living a normal life in a normal world where she will find her real love.