Chapter 13:

690 9 0
                                    

Chapter 13

Khatelyn’s P.O.V

Eto na. Sasabihin ko na talaga kay Justine yung totoo.

“Justine.”tawag ko sa kanya kaya naman humarap siya sa akin. Nakatingin kasi siya sa baba eh.

“Bakit? “tanong niya.

“Kasi diba hindi mo pa alam ang sikreto ko? “tanong ko sa kanya habang nilalaro yung mga fingers ko. Kinakabahan kasi ako eh.

“Oo.”sabi niya tapos yung mukha niya naging mas seryoso. Tapos halatang nakikinig talaga siya ng mabuti.

“Ano kasi eh. Isa kasi akong
-
-
-
-
-
-
-
-
-
------ Wala. Wala.”sabi ko na lang.

Nagulat ako kasi bigla niyang hinawakan yung magkabila kong pisngi.  Hala!?

“Khate naiinis ako.”sabi niya habang hawak yung magkabila kong pisngi tapos nakatitig sa mga mata ko. Kala ko kung anong gagawin niya eh. Haay ikaw talaga Khate! Kung anu-ano kasi ang pinag-iiisip eh.

“Naiinis ako sa sarili ko hindi sayo. Bakit ba naman kasi ako nagmahal ng babaeng hindi ko pa pala kilala!? “halatang frustrated siya. Waah! Nagi-guilty ako!  Ano ba yan! Ayokong ganyan siya! Natatakot ako sa kanya! Ihh! I hate this feeling!

“Justine.”sabi ko sa kanya para matigil na yung sinasabi niya kaya lang.

“Khate. Ano ba talaga ha!? Hindi porket sinabi ko na hihintayin ko yung araw na yun kung kelan mo sasabihin yung sikreto mo hindi na ako pwedeng magalit.”tapos biglang may liquid na pumatak sa mga mata niya. Umiyak ba siya!?

Umiiyak siya!?

“Sorry ha. For being childish. Nakakainis lang kasi eh. Ang hirap kasi ng hindi mo alam yung tunay na pagkatao ng mahal mo. Ha-ha “nag-fake laugh siya. Yung nasa mga mata niya. May galit,inis,lungkot. Basta! Hindi ko maintindihan!

“Ang tanga ko talaga! Sabagay kasalanan ko din naman eh.”sabi niya. Wala akong magawa o ni masabi man lang. Nakatulala lang ako sa kanya. Habang pilit na sini-sink in yung mga sinasabi niya kasi hindi ma-carry ng utak ko eh.

“Pagod na akong maghintay Khate. Hindi ko na kaya.”sabi pa niya tapos bigla siyang tumayo at naglakad.

Ano daw sabi niya!? Pagod saan!? Anong hindi niya na kaya!? Habang naglalakad siya biglang nag-sink in yung mga sinabi niya sa akin kaya naman tong katawan ko bigla na lang tumayo at hinabol siya. Buti na lang hindi pa siya nakakalabas. Kaya eto naabutan ko pa siya.

“Justine sandali! “tawag ko sa kanya saka ko siya niyakap sa likod. Ewan ko ba! Eh sa eto yung ginawa ng katawan ko eh.

“Khate aalis na ako.”sabi niya habang inaalis yung yakap ko sa kanya pero sobrang hinihigpitan ko talaga para hindi niya matanggal.

“Justine wag kang mapagod please.”pagmamaka-awa ko sa kanya. And in no time bigla na lang akong napa-iyak. Tuloy tuloy lang sa pag-agos yung luha ko tapos biglang umulan. Pati panahon sumasang-ayon sa akin.

“Justine please! Sorry! “sabi ko sa kanya. Basta iyak lang ako ng iyak. Wala akong pakielam kung magkasakit ako dahil dito sa ulan na to. Ang mahalaga sa akin ngayon yung wag mawala sa akin si Justine.

“Khate wag mo ng sabihin kung ayaw mo.”sabi niya ng galit tapos bigla niyang inalis yung yakap ko sa kanya tapos naglakad na siya.

“JUSTINE! ANG TOTOO AKO SI PRINSESA NATHALIA! “sigaw ko sa kanya habang naiyak.

“A-ano!? Anong sabi mo!? “halatang narinig niya pero nagulat lang siya.

“Ako si Nathalia.”pagkasabi ko niyan bigla na lang akong napaupo sa sahig. Bigla akong nanghina eh. Iyak pa din ako ng iyak.

My Runaway Princess (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon