Chapter 28:

630 12 0
                                    

Chapter 28

Cloud’s P.O.V

“P-pa..”yan na lang ang nasabi ni Nathalia tapos hinimatay na siya.

“Hayop kang babae ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kanya!”sigaw ko dun sa babae tapos binuhat ko si Nathalia paupo dun sa bench na pinakamalapit.

Nakita ko naman na pinagsasabunutan at pinagsasasampal nila Bianca, Anna, at Shane yung babae na umaway kay Nathalia ko.

Tinitigan ko si Nathalia ko. Ang putla ng labi niya. Pulang-pula yung pisngi niya. Hayop talaga yung babaeng yun! Mamatay na talaga siya!

“P-pa..”nagulat ako ng tinawag ako ni Nathalia. Gising na siya.

“Gising ka na! Salamat, ma!”sigaw ko tapos niyakap ko siya ng mahigpit.

“Ayos ka lang ba?.”tanong ko sa kanya.

“O-oo. A-ayos lang ako..”sabi niya sa akin at halatang nanghihina pa din siya.

“Aaaaaaaah! Stop it! You’re hurting me! Get off!”sigaw nung babae sa barkada kaya naman tumigil na sila.

“Magsisisi kayo na ginawa nyo to sa isang katulad ko! You’ll all gonna pay for this! Ugh! Especially you, Nathalia! “sigaw niya tapos umalis na siya ng nagdadabog.Mabuti lang sa kanya yun. Ang sama kasi ng ugali niya.Tss.

“Kala mo naman kung sino siya! Tss!”inis na inis na sabi nila Bianca, Anna, at Shane.

“Kilala mo ba siya Nathalia?.”tanong nila Darryl, Grey, Philip, Franco, Ryan, at Vince. Except kay Claud na ‘Do you know her Nathalia’ ang tinanong kasi nga inglisero.

“Oo. Sya si..”sabi ni Nathalia pero hindi niya tinuloy kaya naman nag-comment agad yung barkada.

“Sino?.”excited na tanong nila.

“Wag kayong magugulat ah..”warning sa kanila ni Nathalia.

“Sure..”sabi naman nila kaya nagpatuloy na si Nathalia.

“Siya si. Prinsesa Jayden Klint na kapatid ni prinsesa Ailene Joy Klint  na prinsesa sa Kingdom Forbes..”sabi ni Nathalia sa kanila. Ano daw!? Prinsesa yung masamang babae na yun!? Yung buong barkada naman nanatiling tahimik. Hindi ba sila nagulat!?

“Oh sige, pwede na kayong magulat..”sabi ni Nathalia sa kanila. At pagkasabing pagkasabi niya naman nun.

“ANO!?!?.”sabay sabay na sigaw na tanong nila.

“What the!? Prinsesa yung malditang babae na yun!?.”gulat na gulat na tanong nung mga lalake.

“Oo nga! Yung nakakairitang babae na yun!?.”dagdag pa na sabi nung mga babae.

“Yup..”simpleng sabi ni Nathalia sa kanila na parang walang nangyari at ok na ulit siya.

“WHAT THE HECK!”sabay sabay ulit na sabi nila.

“Ok ka na ba talaga, ma?.”tanong ko sa kanya.

“Oo, pa. Ok na ako..”sabi niya sa akin.

So ayun tumayo na nga kami at umalis na dun. Habang naglalakad kami inakbayan ko si Nathalia tapos nag holding hands kami.

“Salamat, pa..”nakangiting sabi niya sa akin.

“Huh? Bakit?.”nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Kasi kung hindi mo pinigilan si Jayden baka sobrang sakit na talaga ng pisngi ko..”natatawang sabi niya.

“Sus yun lang pala eh. Alangan naman pabayaan ko ang pinakamamahal ko?.”sabi ko sa kanya tapos pinisil ko yung pisngi niya.

My Runaway Princess (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon