Chapter 15
Claud’s P.O.V
Nandito ako sa office nanonood ng t.v. Palipat-lipat lang ako ng channel kasi wala namang magandang movie dito. Ililipat ko pa sana pero biglang may narinig na pamilyar na pangalan sa t.v.
“Kamahalan, kamusta naman po si prinsesa Nathalia? “tama ba ang rinig ko? Prinsesa Nathalia daw?
“Maayos na po ba ang lagay niya? “Sunod-sunod na tanong nung mga reporter kina haring Adamous at reyna Thania. Nasa t.v sila at nasa labas ng kaharian!? Nung masigurado kong sila talaga yun dali-dali akong pumunta sa horror house. Gusto ko kasing sabihin kay Cloud. Kahit naman magka-away kami kapatid ko pa din yun. At kailangan niya yung malaman kasi mahal din naman niya si Khate eh.
So ayun nga basta pumasok na lang ako dito sa loob. Hindi naman nila ako pinagbawalan.
“Where’s my brother!? “tanong ko dun sa mga ka-grupo niya. Wala kasi dun si Cloud.
“Bakit? “sabay-sabay na tanong nila.
“CRAP ! I SAID WHERE’S MY BROTHER!? ANSWER ME WITH AN ANSWER! DON’T ANSWER ME WITH A QUESTION ALSO! “sigaw ko sa kanila at halata naman na nagulat silang lahat. Pano ba naman kasi. Alam na nga na nagmamadali ako patanga-tanga pa. Sagutin ka ba naman ng tanong din!? Tangina yan.
“Wala siya dito eh. Hindi pa nga siya pumupunta dito.”sabi nung isang babae dun.
“Where do you think he’ll go?“ tanong ko sa kanila.
“Hindi din namin alam.”sabi nung iba. Aalis na sana ako ng biglang magsalita si Grey.
“Nandun siya sa may Dean’s office kasama yung mga kaibigan niya.”simpleng sabi ni Grey habang nakayuko. Anong meron? Ay basta! Dali-dali akong tumakbo papunta dun. Medyo malapit lang naman yung building nun dito kaya nakarating agad ako dun. Sa sobrang pagmamadali ko, napalakas yung pagbukas ko ng pinto.
“Boooogsh “sound lang yan ng pagbukas ko sa pinto. Nasobrahan pala talaga kasi as-in lahat sila nagulat at napatingin dito sa pinto eh. Yung expression naman ni Cloud parang disappointed. Akala siguro niya si Khate. Tss. Panong pupunta dito si Khate eh nasa ospital nga siya kasama na yung mga magulang niya.
“Mr. Arante bakit nandito ka na din? “gulat na tanong ni ma’am sa akin.
“Ma’am please leave me, my brother, Darryl and Bianca alone.”sabi ko kay ma’am. Nung una parang naguguluhan siya na nagtataka pero ayun naman lumabas din siya tapos sumunod na din yung mga iba.
“Ano na namang kalokohan yun Claud!? “inis na tanong ni Cloud sa akin.
“Turn on the t.v.”utos ko na lang kay Cloud.
“Bakit na naman!? “putek naman to oh.
“Just turn on the t.v! “inis na utos ko. Binuksan naman niya pero padabog. Sakto pagkabukas niya yun pa din ang balita. Kaya lang mukhang masyadong masama yung balita eh.
“Kamahalan magbigay lang po kayo ng konting balita.”sabi nung reporter.
“Oo nga po. Ano na po bang balita kamahalan? “tanong pa nung isa. Yung tatlo dito halatang gulat na gulat sa napapanood ngayon. Halata eh. Mga ang lalaki ba naman ng mata at halos mapa-nganga na eh. Dun naman sa t.v naiyak na si reyna Thania. Si haring Adamous naman walang karea-reaksyon at sobrang seryoso ng mukha. Basta medyo huumina yung mga sinasabi nila kaya hindi na namin narinig. Tapos maya-maya lang umalis na sila kamahalan. Then may isang reporter na humarap tapos siya na yung nagsalita.
“Ayon po sa ating hari’t reyna. Nabangga daw po si prinsesa Nathalia kahapon malapit sa palasyo. Mabuti at nakita na ulit nila ang ating prinsesa. Ngunit imbis na dapat ay nagsasaya sila. Sila ay nalulungkot at nagagalit. Nalulungkot sila dahil sa kalagayan ng prinsesa ngayon at nagagalit naman sila sa taong nakasagasa sa ating prinsesa. Sabi din ng ibang mga doctor medyo masama ang pagkakabagok ng ulo niya sa kalsada kaya nagkaroon ng kaunting damage ang kanyang utak. Sana gumaling na si prinsesa Nathalia. Sana gumaling na ang prinsesa natin.”malungkot na sabi nung reporter. Pagkatapos sabihin yun nung reporter bigla nalang tumayo si Cloud at lumabas. Yung dalawa naman dito parang hindi parin nagsi-sink in sa utak nila yung mga narinig at napanood nila sa t.v.
BINABASA MO ANG
My Runaway Princess (Completed)
Teen FictionA story about a princess who run away from the palace to avoid being married to the person she doesn't love, and end up living a normal life in a normal world where she will find her real love.