Mission 6: Knight in Shining Armor

10.5K 292 8
                                    

Uwian na ng biglang nagring yung cellphone ko,agad ko naman tong sinagot.

"Hello?"

"Agent 1! Si Cover Agent K to"

"Oh? Agent K,ikaw pala! Napatawag ka? Atsaka nasaan na kayo?"

"Yun na nga mismo ang itinawag ko Agent,kasi kinailangan naming bumalik sa headquarters,kailangan kasi ng mga karagdagang tao dito kaya baka mamaya ka pa namin masundo"

"Ah ganun ba,ok lang sige magcocommute  nalang ako"

"Hindi Agent hintayin mo nalang kami dyan!"

"Wag na! Ok lang naman sa akin eh! At isa pa baka gabihin na kayo sa pag-uwi kapag sinundo nyo pa ako, ok lang agent k"

"O sige,mag-iingat ka agent 1"

"Salamat"

Pinatay ko na yung cellphone ko at nagsimulang maglakad papuntang bus station,naglalakad na ako sa eskinita ngayon at nararamdaman kong parang may sumusunod sa akin.

Lumingon ako pero wala kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad,mayamaya pa ay may narinig akong foot steps kaya naman lumingon ako ulit pero wala pa rin at pagharap ko ay may apat na lalaki na nasa harapan ko.

Mukha silang adik,madaming tatoo at medyo may kalakihan ang katawan.

"Hi miss beyutipul!"

"Haha pare hindi dapat hi miss seksii!"

Nagtawanan ang mga ugok. Aalis na sana ako ng..

"Oh! Miss aalis ka na agad?"

"Oo nga hindi ka pa namin nakakausap eh!"

"Oo nga wag kang bastos" hinawakan ako sa braso ng isa sa kanila pero sinampal ko sya kaya nabitawan nya ako.

"Uyy! Pare sinampal ka! Kawawa ka naman!" Tinawanan sya ng mga kasama nya habang sya naman ay namula sa sobrang galit.

Itinaas nya ang kamay nya at akmang sasapakin nya ako pero..

"Hep! Hep!" Itinaas ko ang kamay ko para senyasan na awat muna. Kinuha ko ng panali ko sa bag at itinali muna ang buhok ko,halatang nagtataka naman sila sa ginawa ko.

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon