Mission 6: Neighbors

9.1K 244 2
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan,sabado kasi at maglilipat kami ng gamit ko sa apartment na lilipatan ko malapit sa school.

Mas convinient kasi,kaysa naman ihatid sundo pa ako lagi nina Agent K at Agent R malaking abala pa sa kanila,atsaka nasa tapat ko lang din ang bahay nina Richelle at Denisse oh ayos diba? Mas mababantayan ko ang bawat kilos nila.

Nakarating na kami sakay ng van kung saan nakalagay ang mga gamit na kakailanganin ko,kaunti lang naman kasi ang dinala kong gamit kasi kakailanganin ko din umuwi sa amin pagkatapos ng misyon ko.

Pumasok na kami sa apartment ko at dyaran!! Light blue at pink ang interior paint! -_-

"Bakit may pink pa?"

"Utos po ni Commader,Agent 1"

"Eh bakit nga pink? Pwede namang white o black nalang ang ipartner sa blue ha?"

"Kailangan daw po kasi kapag nagkataon baka kailangan mong papuntahin ang ilan sa mga kaklase mo dito baka makahalata silang agent ka"

"Nang dahil lang sa pintura?"

"Oo masyado kasing manly ang blue kaya sabi ni Commander partneran ng pink para may girly side naman daw"

"Ganun!?" Hayy si papa talaga..dibale ok na rin naman :)

"Nga pala agent ayan na lahat ng gamit mo,naipasok na namin ikaw na ang bahalang mag-ayos nito"

"Oo salamat Agent Ronna"

"Sige,maiwan ka na namin!" Aalis na sana sila ng..

"Ah nga pala Agents! Pwede ba kung wala tayo sa headquarters Alex nalang ang itawag nyo sa akin,at ako naman tatawagin ko kayo sa pangalan nyo,kasi kung agent ang tawag natin sa isa't isa eh baka mahalata tayo,ok lang ba?"

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon