Mission 46: Contentment

5.8K 139 2
                                    

"Hindi po ba kayo sasama?"

"Hindi na Alexis,ikaw nalang! Madami pa kasing kailangang asikasuhin dito eh!" Sabi ni Papa habang busyng busy sa ginagawa nya.

"Ok po kung ganun,mauna na po ako!"

"Mag-iingat ka!" Tumango nalang ako at umalis. Gusto ko sanang magpasama sa kanila na dalawin ang puntod nina kuya at mama,kagagaling ko lang din kasi sa isang misyon na pinatrabaho sa akin ni Papa.

Kaya medyo naging busy ako sa pagpunta sa iba't ibang lalawigan para manghuli ng masasamang loob. Kapag natapos ko ng dalawin sina kuya pupuntahan ko naman agad si Terrence,ilang araw ko ng kasi syang hindi nakikita at nadadalaw.

Miss na miss ko na sya.. Lumapit ako sa puntod nina Mama at Kuya at ninilapag ang dala kong bulaklak,saka nagsindi ng kandila. Umupo ako sa damuhan katapat ang puntod nila.

"Kuya! Mama! Kumusta na po kayo dyan? Kami po dito maayos naman!" Inalis ko ang mga dahon na nakakalat sa puntod nila "Hindi ko kasama sina Papa at Kuya kasi busy sila,Si Kuya Ryan naman nagtatravel parin sila nila Ate Shaina para sa honeymoon nila"

"Miss ko na po kayo!" Isang malamig na hangin ang umihip kaya niyakap ko ang mga binti ko at yumuko. Nang may tao akong naramdaman na nakatayo malapit sa akin,pero hindi ko nalang pinansin kasi baka dumadalaw lang din yun sa puntod sa kabila.

"Pwede bang umupo sa tabi mo? Because I can't breathe" malumanay na sabi ng isang lalaki.

Dillusion ko lang ba to? O talagang pamilyar ang boses na yun? I can't breathe.. Saan ko nga ba narinig yun?
"Ma'am I can't breathe!"

"Really,ok you may go to the clinic now"

"No need ma'am! I just need to sit beside that girl"

"But why Mr. Montemayor?"

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon