Mission 15: Misunderstood

7.5K 184 8
                                    

(Alex's POV)

Nang matapos ang klase namin umuwi na ako sa apartment na tinutuluyan ko,hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ng lalaking yun kanina sa may hallway.

Sinabi ba nya talaga yun? O nag-aassume lang ako? Tama, assumera lang talaga ako! Bakit naman nya ako magugustuhan diba? E baka mas lalaki pa ako sa papa nya.

Kung iri-rate ko ang sarili bilang babae siguro from one to ten,siguro Zero. May crush nga ako noong highschool at nung nagtapat ako sa kanya ang sabi nya sa akin ay..

"Mas pipiliin ko ng maging girlfriend si Jollibee!"

Sobrang nasaktan ako noon kaya simula noong hindi na ako naghanap ng lalaking mamahalin para saan pa diba? Ipagpipilitan ko lang ang sarili ko sa lalaking yun,kung gusto nya talaga ako magugustuhan nya ako kahit ano pa ako.

Kasi may mga lalaking nagtatapat sa akin nung college pero kung hindi nila ako ginu-good time,pinagpupustahan naman. Kaya nga nagsipag ako sa pag-aaral para makagraduate agad,inisip ko na baka pag pulis na ako wala ng lalaking mananapak sa pagkababae ko.

Bukod sa mga katrabaho ko sina kuya at papa lang ang mga nakakasalamuha kong lalaki,nakita ko kung paano nila itreat ng tama ang mga babae kaya hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na someday makakahanap din ako ng katulad nila. Yung lalaking hindi ka sasaktan,hindi ka paiiyakin, hindi magsisinungaling, igagalang ka, at ang pinakahuli ay tatanggapin ka at mamahalin maging sino at ano ka man.

Ang drama mo Alex! Pwede ka na sa MMK! Tanungin ko kaya ulit sya? Ay wag na nakakahiya! Pabalik balik ako sa kwarto at pintuan hindi ko alam kung pupuntahan ko ba sya o wag nalang.

Sa huli nakita ko nalang ang sarili ko nasa harap ng pintuan ng apartment ko,binuksan ko na ang pinto at sakto namang kakarating lang nya.

"Oh? Hi Alex!"

"He-hello!"

"Lalabas ka?"

"Oo,sana, ay hindi,medyo?" Shizz Alex ano bang nagyayari sayo? Bakit ka nauutal?

"Haha ano ba talaga?" Kaya mo to Alex! Matapang ka diba? Tapos dito naduduwag ka?

"Ang totoo nya,kasi..may gusto sana akong itanong sayo"

"Sige nakikinig ako! Ano ba yun?"

"Yung kanina..sinabi mo bang gusto mo ako?" Pagkasabi ko nun ay napalunok ako. Gosh! Alex nasabi mo rin sa wakas!

"Ahh yun ba? Oo gusto kita!,i mean gusto ko yung pagiging matapang mo! Haha don't get me wrong ha? Baka iniisip mo na gusto talaga kita,kung magkagayon man magpapakasal nalang ako kay Jollibee!" Nagsmirk sya at pumasok na sa loob ng unit nya.

Naramdaman kong parang tinusok yung puso ko at parang umiinit yung mata ko. Bakit ka nagkakaganito Alex!? Ano ba! . Naramdaman kong may tumulong tubig sa mata ko. Pumasok na ako ng unit at naupo sahig sa tabi ng kama ko.

Niyakap ko ang mga binti ko at iniyuko ang ulo ko. Hindi ko alam kung saan ako nasasaktan dahil ba sinabi nya na hindi nya ako gusto o dahil narinig ko nanaman ulit ang mga katagang yun. Hindi naman kasi ako na-orient sa mga ganitong pangyayari wala na kasi si Mama.

Mama! Sana nandito ka! Sana nadadamayan mo ako sa ganitong mga pagkakataon naramdaman kong may umihip na malamig na hangin galing sa bintana kaya hinigpitam ko ang pagkakayakap ko sa binti ko. Mama ko.. Bakit kasi lagi nalang ako inaagawan ni Jollibee. Isinusumpa talaga kita Jollibee,ikaw na ang no. 1 kong karibal! Lagi nalang ikaw!

       ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon