Mission 20: Hired Assasin

6.6K 168 2
                                    

"Ok lang ba talagang umuwi ka ng mag-isa?"

"Oo Pau magiging maayos lang ako,wag ka ng mag-alala"

"Bakit kasi ayaw mong hayaan na tulungan kita! Kalalaki kong tao hindi ko man lang maipagtanggol ang kaibigan ko!"

"Ano ka ba! Ok lang yun Pau! Atsaka diba sabi ko sayo? Kapag nagkagipitan at dumating ang araw na manganib ako katulad ngayong araw,wag na wag kang makikialam,naiintindihan mo na ba?"

"Oo,naiintindihan ko na.." Dismayado ang mukha nya.

"Sige Pau! Uwi na ako!" Tinapik ko sya sa braso at naglakad na pauwi. Hindi ko dala yung bike ko kasi pinaayos ko pa,may nasira kasing parte. Alangan namang samakay pa ako eh ang lapit lapit lang sayang lang sa pamasahe.

Habang naglalakad ako sa eskinita kung saan ko nakasalubong yung apat na lalaking mukhang adik naalala ko si Terrence. Mula noong gabing yun naging awkward na yung atmosphere sa pagitan namin.

Sa school kapag nagkakasalubong kami kung hindi namin iniiwasan ang isa't isa,hindi naman kami nagpapansinan. Hindi ko alam kung bakit may parte sa pagkatao ko na namimiss yung kakulitan nya at pagiging malambing nya,at yung pagbibiro nya.

Namimiss na kita..sana totoo nalang yung sinabi mo sana hindi nalang sya isang biro. Natigil ako sa pagmumunimuni ng makarinig ako ng isang bagay na mabilia na bumubulusok pumupunta sa direksyon ko.

Humarap ako sa likod ko at sakto namang may panang papunta pala sa direksyon ko,mabuti nalang at humarap ako kaya yung pisngi ko lang yung nadaplisan. Hinanap ko ang kung saang direksyon nanggaling yung pana pero wala akong nakita,nilakasan ko ang pakiramdam ko dahil baka nasa paligid lang sya.

Hanggang sa makarinig ako ng palakpak,at may isang taong lumabas mula sa kung saan habang pumapalakpak.

"Mahusay! Naiwasan mo ang pana ko! Alam mo bang ikaw palang ang nakakaiwas dyan?"

"Sino ka?"

Hindi ko sya mamukhaan dahil sa itim na tela na nakatakip sa ilong at bibig nya,nakasuot din sya ng all black,mukha syang assasin Huh! Hindi ko alam na uupa pa pala ng isang assasin si Snake Head para lang ipapatay ang isang katulad ko.

"Ang tanga ko naman kapag sinagot ko yang tanong mo diba? Sabihin nalang natin na ako ang papatay sayo"

"Pinadala ka ba nya?"

"Tama ka!"

"Kung ganun bakit hindi mo pa ako inatake kanina kung kailan may pagkakataon ka pa?"

"Hindi ko ugaling umatake ng patalikod"

"Eh bakit mo ako pinana?"

"Sinubukan ko lang kung mahusay ka,at sa nakita ko mukhang mag-eenjoy ako sa pakikipaglaro sayo"

"Kung ganun naman pala umpisahan na natin! Walang armaa o ano man,mano mano lang para masubukan natin kung sino ang mas malakas sa ating dalawa!"

"Gusto ko yan!" Mabilis nya akong inatake mabuti nalang at alerto ako. Sinasangga ko ang bawat suntok at sipang binibigay nya at ginagantihan ko din naman ito ng sipa at suntok.

Hinawakan nya ang buhok ko kaya bahagya akong napatigil sa pagsuntok at pagsipa,sinabunutan nya ako kaya sununtok ko sya sa tiyan dahilan para mabitawan nya ang buhok ko.

Sinubukan nyang sumugod,pero sa pagkakataong ito ay nagkaroon ako ng pagkakatong sipain sya sa mukha dahilan para mapaupo sya ang akala ko ay naghina sya aa ginawa ko pero tumayo sya sinunggaban ako sa leeg.

Hinawakan ko ang kamay nya at nagkatitigan kami mata sa mata,babaliin ko na sana ang kamay nya na nakaangkla sa leeg ko ng maramdaman kong namamanhid ang kanang balikat ko.

Tinignan ko at may nakatusok palang balisong sa kanang balikat ko,binitiwan na nya ang leeg ko at mabilis na umalis. Tumatagas ang maraming dugo sa balikat ko at parang mawawalan na ako ng ulirat ng biglang magring yung cellphone ko.

Calling unregistered number..

Sinagot ko ito at tinapat sa tenga ko.

"Nagustuhan mo ba ang pinadala ko dyan?"

"Hayop ka talaga Snake Head! Hindi ka magtatagumpay sa mga binabalak mo!"

"Haha sa tingin ko nga nagtagumapay na ako eh!"

"Hindi ko akalain na ganon pala kalaki ang halaga ko sayo at nagawa mo pang umupa ng assasin na papatay sa akin!"

"Of course! Only the best for the Torres! Umpisa palang yan!" At humalakhak sya na malademonyo mayamaya pa ay nawala na sya sa linya.

Nakaupo lang ako at nakasandal sa pader ramdam ko na sa ilang sandali ay mawawalan na ako ng ulirat.

         ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon