Mission 35: Meeting His Family

5.5K 130 1
                                    

"Alexis!? Ang tagal mo naman!" Kanina pa katok ng katok si Terrence sa pintuan ng unit ko. Hay! Pano ba to? Maayos na ba tong suot ko? Pupunta na kasi kami sa bahay nila at hindi ko alam kung mukhang desente ba tong suot ko.

Naka-blue dress ako at silver flat shoes,niregalo sa akin to ni kuya George noong birthday ko. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na gamitin to kasi hindi naman ako sanay magsuot ng ganitong damit.

"Alexis?! Buksan mo na yung pinto! Gusto na kitang makita!"

"Konting hintay nalang Terrence! Hindi pa kasi ako ready eh!"

"Nagdadahilan ka lang yata eh! Kapag hindi mo to binuksan sisirain ko tong pinto!"

"Oo na,bubuksan ko na!" Pumunta ako sa pinto at pinihit ang door knob. Tinignan ako ni Terrence mula ulo hanggang paa.

"Alexis.." Walang emosyon nyang sabi.

"Sabi ko sayo hindi pa ako ready eh! Masagwa ba?" Napayuko nalang ako.

"Alexis.." Muli nya pagtawag sa pangalan ko habang nakatingin sa akin.

"Ano? Sabihin mo na kasi"

"Ang..ang ganda mo!" Nakangiti nyang sabi. Umaliwas ang mukha ko sa sinabi nya.

"Talaga?"

"Oo! Sigurado ako kapag nakita ka nina papa at kuya,magugustuhan ka agad nila! So ano tara na?"

"Oo!" Hinawakan nya ang kamay ko at sabay na kaming lumabas ng unit.

Sumakay na kami ng kotse nya at bumiyahe papunta sa bahay nila. Kinakabahan ako,sana magustuhan ako ng pamilya nya. Nagulat ako ng hawakan ni Terrence ang nanlalamig kong kamay.

"Kinakabahan ka ba?"

"Oo eh"

"Wag ka ng kabahan,nasa tabi mo lang ako kaya wala kang dapat ipagalala!"

"Alam ko namang hindi mo ako pababayaan eh!" Ngumiti nalang ako sa kanya at nagpatuloy na sya sa pagdadrive.

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon