Mission 10: Feelings

7.8K 197 5
                                    

(Terrence's POV)

Nagising ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana,umaga na pala teka? Nasaan ako? Ay oo nga pala nasa unit ako ni Alex ngayon. Nakatulog na pala kami kagabi ang dami kasi naming napag-aralan kung saan saan na kami napunta kay yun siguro nakatulog na kami.

Ang totoo ay hindi ko naman talaga kaylangang pag-aralan yun,gumawa lang ako ng dahilan para makasama syang kumain. Hindi ko alam kung bakit pero kasi ang sarap nyang kasama pag kumakain.

Tinignan ko sya habang natutulog sa lamesa,maamong mukha,magandang mga mata,matangos na ilong at mapulang labi. Perpekto syang babae para sa akin pero hindi ko alam kung bakit parang naiiba sya sa lahat ng babaeng nakilala ko,siguro dahil simple lang sya at walang arte sa katawan.

Gusto ko ang personality nya,gusto ko kung ano sya Maria Alexis Torres siguro nga gusto na kita. Tinignan ko ang mata nyang may mga morning glory kaya lumapit ako para tanggalin at..

"Ahh!!" Bigla syang dumilat at sumigaw.

(Alex's POV)

Walang hiyang lalaki yun!? May balak ba syang gawin sa akin kanina? Ang lapit ng mukha nya sa akin kanina kaya agad akong napatayo.

"Anong balak mo ha!?"

"Oh! Chill! Tatanggalin ko lang sana yang glory mo sa mata"

Kinapa ko yung mata ko at meron nga nakakahiya..nakatulog na pala kami kagabi.

"Pasensya na" sabi ko habang hinihimas yung batok ko "A-aray!" Napaaray ako sa sakit nagkastiff neck yata ako dahil sa lamesa kami natulog.

"Oh? Anong nangyari sayo?"

"May stiff neck yata ako"

"Patingin nga" lumapit sya sa akin at hinawakan yung leeg ko. Sobrang lapit namin sa isa't-isa kay tanaw na tanaw ko yung mukha nya,parang bumilis yung tibok ng puso ko.

Ano bang nagyayari sa akin? May gusto na ba ako sa kanya? Hindi Pwede! Hindi Alex! Hindi!

"A-ah may pasok pa pala tayo sige umalis ka na ayos na ako"

"Sigurado kang ayos ka lang?"

"Oo salamat!"

"Walang anuman! Salamat din pala sa pagtuturo mo sa akin kagabi"

"Sige!"

"Mauna na ako!" Tumango nalang ako at sya naman ay lumabas na ng pinto. Napaupo ako sa kama ko.

Focus Alex! Focus! Nalilibang ka na masyado dahil sa lalaking yun! Tandaan mo wala KAYONG lugar sa misyon na to! Walang KAYO!

Kinabukasan maaga akong pumasok,tinext kasi ako ni Pau may pinapagawa daw sa akin yun isa namin Teacher.

"At last nandito ka na rin!"

"Ano ba daw yung ipapagawa sa akin ni Ms. Reyes, Pau?"

"Sabi nya pumunta ka daw sa storage para kumuha ng mga bond papers!"

"Eh bakit ako?"

"Ewan ko?!" Nakibit balikat nalang si Paulo "Siguro pabirito ka nya?"

"Paborito? Pabiritong utusan!" Sarkastikong sabi ko "O sya sige na nga! Samahan mo naman ako Pau,hindi ko kaya kayang dalhin yun lahat!"

"Sige ba! Basta ikaw!"

(Terrence POV)

Papasok na sana ako ng room ng makasalubong ko sina Alex at Paulo. Bakit sila magkasama? Nakakairita na ha!

"Hi Bro!" Bati sa akin ni Paulo pero pumasok nalang ako ng room at hindi na sila pinansin Ano ba Terrence! Bakit mo ginawa yun? Nagseselos ka ba? Nagseselos ka nga! Hay! Kainis! Bakit ba sila magkasama?

"Ma'am may i go out?"

"Yes you may Mr. Montemayor!" Lumabas na ako ng room at hinanap yung dalawang yun hanggang sa may makita akong dalawang tao sa stock room. Lumapit ako para makumpirma kung sila ba yun.

At ikinagulat ko talaga yung nakita ko,tinatakpan ni Alex yung bibig ni Paulo at si Paulo naman pilit tinatanggal to Huh! Ang sweet ha? At dyan pa talaga nila ginawa yan! -_- *sarcasm overload* sige lang! Ipagpatuloy nyo lang!

             ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon