Kinabukasan ganado akong pumasok sa school,gusto ko kasi na magkaroon na ng development sa kaso ni kuya..
"Hi Alex! Masaya ka yata ngayon?"
"Haha oo! Ikaw? Ok ka na ba?"
"Oo salamat sayo,kung hindi dahil sayo hindi gagaan ang loob ko ng ganito" nakangiting sabi ni Denisse.
Maayos na pala si Denisse,konting words of wisdom lang ang kailangan nya at encouragement,ipinangako ko din kasi sa kanya na kakausapin namin ang papa nya.
"Nasaan nga pala si Paulo?"
"Ay hindi pa ba ako sapat sayo?"
"Eh?"
"Haha biro lang! Hindi ko alam eh! Hindi ko pa sya nakikita! Bakit ba?"
"May kailangan kasi akong sabihin sa kanya"
"Ano naman yun? Naglilihim na kayo sa akin ha! *pout* pansin ko lang na palagi kayong magkasama nitong mga nakaraang araw,anong meron sa inyo ha?"
"A-ano? Wala!"
"Sus! Baka naman nililigawan ka na nya? O baka kayo na!? Ano kayo na noh?"
"Ha!? Hindi no!"
"Naku kayo ha!? May lihim na pag-ibig pala kayo sa isa't-isa!"
"Ewan ko sayo Denisse! Tara na nga!"
Pumasok na kami sa next subject namin hay naku lord,bigyan nyo pa ako ng mahabang pasensya sa babaeng to! Kasi kahit na nasa room pa kami nag-eeskandalo si Denisse aminin na daw namin ni Paulo,pati nga si Paulo iniintriga nya eh!
Hanggang sa matapos na ang 3rd subject namin ayaw pa rin maniwala na wala kaming relasyon ni Paulo ilang beses ko ba sasabihin na WALANG KAMI? sabagay kung alam lang ni Denisse na kaya kami laging magkasama dahil alam ni Pau yung sekreto ko.
BINABASA MO ANG
SHE's one of the BOYS [COMPLETED]
ActionSa panahon ngayon uso pa ba ang mga malamaria clarang babae o mas marami na ang mga babaeng kung kumilos ay parang lalaki na kung tawagin ay 'one of the boys' Ito ay kwento ni Maria Alexis Torres o mas kilala sa tawag na Alex at siya binigyan ng mi...