Mission 25: Courtship

6.1K 175 2
                                    

"Terrence!" Masigla kong sabi.

"Sus hindi ka naman excited na makita sya bunso eh no? Kinalimutan mo na agad na nandito ako"

"Kuya naman!" Namula ako bigla,si Terrence naman napatawa lang.

"Hindi pa naman huli,pumasok ka!"

"Salamat!" Sabi ni terrence habang may dalang bag at naka-uniform pa sya kagagaling lang nya sa school?

"Maiwan ko na kayo ha!?" Sabi ni kuya sabay kindat akin psh! Alam ko yang mga galawang ganyan ni kuya eh!

Lamabas na si kuya at sinarado ang na ang pinto, inilapag naman ni Terrence yung bag nya sa sahig at umupo naman si Terrence sa tabi ko.

"Kumusta?"

"Ayos lang!" matipid kong sagot dahil medyo naiilang pa ako.

"Sorry nga pala kung ngayon lang ako naladalaw!"

"Ok lang,eh bakit nga ba ngayon ka lang nakadalaw?"

"May inadikaso pa kasi ako atsaka nagtake down notes pala ako ng mga lessons mo sa lahat ng subjects dala ko ngayon,nandyan sa bag ko"

Teka notes? Para sa akin? Eh may mga subject areas ako na hindi nya sakop ha? Yun ba yung pinakakaabalahan nya?ay pagkasweet din pala sya!

"Salamat! Pero sana hindi ka na nag-abala!"

"Walang anuman yun! Ayos na ba yang sugat mo?"

"Oo,maayos na kahit papaano salamat sayo!"

"Ako? Wala naman akong ginawa eh! Yung mga doktor yun!"

"Haha ang ibig kong sabihin,salamat kasi hinanap mo ako,salamat kasi nakita mo ako,salamat kasi isinugod mo agad ako sa ospital at salamat kasi hindi mo ako iniwan noong nasa bingit ako ng kamatayan!"

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon