Mission 16: Unheard Feelings

6.5K 174 3
                                    

(Terrence POV)

Pagkasarado ko ng pinto ay napaupo ako sa sahig bakit ko ba nasabi yun? Hindi dapat iyon yung sasabihin ko sa kanya,ang tanga mo Terrence bakit ang torpe mo? Sinabunutan ko ang ulo ko sa sobrang inis ko sa sarili ko.

Dahil ba nasaktan ka sa nakita mo kanina sa room nyo kaya ginusto mo rin na saktan ang damdamin nya? My gad! Terrence your are so childish! You're being an idiot again! Pero bakit naman sya masasaktan? As if naman na gusto nya rin ako diba? Eh mukhang may nakakuha na yata ng puso nya.

Sumuko ka nalang Terrence alam mo namang kahit kailang ay walang papupuntahan ang isang one-sided love..

Pumunta nalang ako sa kama ko at pinilit na ikalma ang puso't isipan ko,pilit ko ding iniwasan na isipin sya para makatulog pero nabigo ako at buong magdamag ko syang inisip at hindi na nakatulog pa. Susuko nalang ba ako sa kanya?

(Alex's POV)

Nakayuko lang ako buong magdamag at iniisip ang mga nangyari ngayong araw,halo halo na ang nararamdaman ko pagkalito,lungkot at siguro sakit?

Bumalik ang kaluluwa ko sa katawan ko ng may narinig akong kumakatok sa pintuan ko. Gabi na ha? Sino naman kaya yun? Siya kaya yun? Pumunta ako agad sa pintuan at binuksan ito. Pero hindi ko alam kung bakit parang may disapointment akong naramdaman ng makita kong hindi siya iyon.

"Denisse? Gabi na ha? Bakit ka naparito?"

"Pasensya ka na Alex,pwede ka bang mahingahan? Wala kasi akong maiisip na masabihan ng problema ko eh"

Magsasalita na sya? Nagkaroon ng pag-asa ang puso ko ng marinig yun sa bibig ni Denisse.

"Oo naman! Tara pasok ka!" Pinatuloy ko sya at pinaupo sa kama ko. Kumuha muna ako ng tubig sa kusina at binigay ko sa kanya. "Uminom ka muna oh!"

"Salamat"

"Ano ba yung problemang sinasabi mo Denisse?" Lakas loob kong tanong.

"Kasi Alex yung Papa ko,may tao syang gustong layuan ko dahil kung hindi ipapatay nya daw sya"

"Kaya ka pala umiyak kahapon?"

"Oo"

"Eh sino yung taong yun?" Sana sabihin na nya yung totoo.

"Siya si..Jerry,boyfriend ko"

"Bo-boyfriend?"

"Oo all this time patago kaming nagdidate para hindi malaman ni Papa"

"Yung Jerry  na tinutukoy mo yun din ba yung Jerry na nagsosoccer sa school natin?"

"Oo sya nga!" Totoo kaya yung sinasabi nya? O magkukunwari lang sya?

"Eh bakit naman ayaw sa kanya ng Papa mo?"

"Kasi hindi daw namin kauri si Jerry,ayaw nyang maniwala na hindi masamang tao si Jerry ang akala nya pera lang ang habol nito sa akin"

"Bakit hindi mo sabihin sa Papa mo? Bakit ayaw mong patunayan?"

"Ginawa ko na yan,pero sadyang sarado ang tenga ni papa sa akin kahit noong nasa bahay palang ako hindi nya ako pinakikinggan kaya mas pinipili ko nalang ang manahimil hanggang sa makasanayan ko na" sabi nya habang umiiyak kaya naman kinomfort ko sya.

"Kaya ba lagi kang tahimik at hinahayaan lang ang mga taong nanapak sayo?"

"Ganun na nga,pero simula ng dumating si Jerry sa buhay ko nagbago na ang lahat,pinagtatanggol nya ako at hindi nya ako hinahayaang masaktan" Niyakap ko sya at hinaplos ang buhok nya

"Sshhh tahan na.. " sa mga narinig ko parang nawalan na ako ng pag-asa. Mali pala ako hindi si Denisse ang anak ni Snake Head. Kunga ganun sino? Sino ba kasi!? Frustrated na ako at hindi ko alam kung saan magsisimula lalo na ngayon na hindi pala si Denisse ang hinahanap ko.

          ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon