Nang gabing yun hindi ako nakatulog ng maayos,kaya kinabukasan ay sabog ako. Ngayong araw aasikasuhin ko nalang ang mga findings ko sa kaso ng pagkawala ni kuya.
Si Richelle na isang tigre,napaamo ng isang estudyanteng katulad ko. Mula noong nagkabanggaan kami hindi na sya bumalik sa dating gawain nya at mas maayos na sya ngayon, hindi kaya.. Hindi sya ang hinahanap kong anak ni snake head? Enikesan ko ang pangalan ni Richelle,kaya ang natitirang suspect ko nalang ay si Denisse.
Pero paano kung hindi rin sya? Sino pa ba? Hay! Nakakabaliw! Sabi ko at iniyuko ko nalang ang ulo ko sa lamesa.
"Nandito ka pala Alex!" Iniangat ko ang ulo ko at bumungad aa akin ang nakangiting mukha ni.Denisse
"Ikaw pala bakit?" Wala sa sarili kong sagot.
"Bakit ganyan yung mukha mo?" Hindi pa ako nakakasagot ng muli syang magsalita "Ah alam ko na! Siguro nagpuyat ka para sa long test ngayon noh!?" Huh? Anong sinasabi nya?
"Long Test?" Takang takang tanong ko.
"Oo! Teka don't tell me nakalimutan mo?"
"H-hindi no! Syempre naalala ko,wala lang talaga ako sa sarili ngayon kaya kung ano anong nasasabi ko!"
"Ahh ganun ba? Sige tara na pasok n tayo!"
"Mauna ka na may gagawin lang ako!"
"Ok!" Umalis na si Denisse at tinignan ko kung may tao pa sa garden kung nasaan ako ngayon. Kinontak ko ang mga Agents ko gamit ang wireless microphone ko.
[Agent napatawag ka? May problema ba?]
"Oo meron Agent K! Malaki!"
[Kailangan mo na ba ng back up? Sabihin mo ano ba yung problema?]
"May long test kami at kailangan ko ng back up na magtuturo sa akin ng sagot sa lesson na yun!" Hay! Ang hirap malay ko ba sa course na to diba? At wala talaga akong maintindihan sa mga lesson this past few days
[Sige kami na ang bahala!]
Nang nagsimula ang klase,simula na rin ng kalbaryo este long test namin. Pasimple kong pinindot ang wireless microphone ko para marinig ko ang sasabihin ng mga Agents.
[Agent! Nandito na yung mga tutors base sa subject na yan! At sila ang tutulong sayo,sabihin mo lang sa amin yung question at sila na ang bahalang sumagot]
"Ok Copy" pabulong kong sabi Tutors? Saang lupalop naman kaya sila nakakuha ng mga tutors na yun? Ok lang basta matutulungan nila ako!
Ginawa ko na ang sinabi sa akin ni Agent K sinasabi ko sa kanila yung questions at sinasagot naman nila ito sa tulong ng mga tutors. Natapos ang test ng matiwasay.
"Hay ang hirap naman ng test natin!" Pagrereklamo ni Denisse habng hawak nya yung ulo nya.
"Oo nga nakakahaggard!" Pagsasang-ayon ni Paulo "Ikaw Alex? Kumusta ang Test?"
"Ayos lang!" Wala naman akong sinagutan dun eh! Yung mga tutors yung nagsagot nun! XD
"Mabuti ka pa Alex mukhang hindi ka nahirapan!"
"Oo nga! Naku Denisse hindi ako magtataka kung makakaperfect yan si Alex!"
"Naku Pau ha! Perfect ka dyan! Imposible yun no!" Naputol ang pag-uusap namin ng may biglang nagsalita.
"Alex! Sabay na tayo magrecess!" Pagtawag sa akin ni Terrence bago sya lumabas ng pinto.
"No Thanks! Sasabay ako sa mga kaibigan ko eh!"
"Ok! Eat well!" Ngumiti sya at lumabas na ng room. Naalibadbadran naman ako sa titig nina Paulo at Denisse sa akin.
"Oh? Bakit? May ginawa ba akong krimen at ganyan nalang kayo kung makatingin sa akin?"
"Close kayo?" Paunang tanong ni Paulo.
"Paano? Kailan? Saan?" Pagsesegunda ni Denisse.
Big deal? Anong ngayon kung close ko yung ugok na yun? Atska kinausap lang close agad!? Hay.. Nakaligtas nga ako sa mga tanong sa long test pero hindi yata sa mga tanong netong mga to! -_-
★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★
BINABASA MO ANG
SHE's one of the BOYS [COMPLETED]
AkcjaSa panahon ngayon uso pa ba ang mga malamaria clarang babae o mas marami na ang mga babaeng kung kumilos ay parang lalaki na kung tawagin ay 'one of the boys' Ito ay kwento ni Maria Alexis Torres o mas kilala sa tawag na Alex at siya binigyan ng mi...