(Alex's POV)
Nasa stock room na kami ni Paulo ngayon at kinukuha na namin ang mga bond papers na kailangan ni Ms. Reyes,habang kinukuha namin yung mga bond paper aksidenteng nahulog ang baril na nasa hita ko dahil natanggal ito sa holder nya.
At ang mas malala pa ay nakita ni Paulo,nanlaki ang mata nya sa nakita at agad na kinuha ang baril ko.
"Teka! Caliber 45 to diba?" Sabi nya habang inoobserbahan yung baril
"Akin na yan Paulo! Mapanganib yan! Baka makalabit mo ng hindi sinasadya" kinuha ko sa kanya yung baril.
"Bakit ka may ganyan? Saan mo nakuha yan?" Sunod sunod na tanong nya sa lakas ng boses nya baka may makarinig sa kanya,kaya tinakpan ko yung bibig nya
"Paulo baka may makarinig sayo ano ba?!"
"Hm!hmmmm!hmm"hmm" ano daw?
"Ha?" Tinanggal ko yung kamay ko at sinensyasan sya na wag gaanong maingay.
"Eh bakit ka ba kasi may ganyan?" Mahina nyang tanong.
"Wag kang maingay ha? At mas lalong wag mong sasabihin sa iba,ipangako mo sa akin!"
"Pangako!"
"Kasi may threat sa buhay ko kaya kailangan ko yan para sa self defense ko!"
"Talaga? Eh sino naman yung gustong pumatay sayo?"
"Basta Paulo,mahabang kwento! Tara na nga! Baka hinihintay na tayo ni Ms. Reyes!"
Dinala na namin yung mga bond paper sa office at pagkatapos ay pumunta na ng room,isang buong araw nanaman ang natapos lumabas na ako ng school at tinignan kung nandyan pa yung van ng mga agents pero wala na.
Gusto ko pa naman sanang iparesearch sa kanila ang lahat ng tungkol kay Paulo sa tono kasi ng pagsasalita nya kanina para bang ang dami nyang alam tungkol sa baril,kung ganun sya na ngayon ang pangatlong suspect ko.
Sumakay na ako ng bike ko at umuwi na. Himala! Wala yatang nangungulit ngayon? Mula nung nangyari kanina hindi ko sya nakita,nasaan na kaya yun? Hay naku Alex! Ayaw mo nun? Walang nangungulit sayo!?
Pagdating ko sa bahay kinuha ko yung notebook kung saan ko nilalagay yung mga findings ko sa misyon ko. Nakaekis na ang panglan ni Richelle at idinagdag ko naman ang pangalan ni Paulo. Kagaya ni Snake head may interes sya sa mga baril,sya na kaya ang hinahanap ko?
Nakuha ang atensyon ko ng may narinig akong kalabog sa labas ng unit ko,kinabahan ako kaya kinuha ko yung baril ko at inilagay sa likod ko at tinakpan ng damit ko.
Pumunta ako sa pinto at dahan dahang binuksan,luminga linga ako hanggang sa may nakita akong lalaki na nakasalampak sa tabi ng pinto ng unit ko,nakayuko ang lalaking yun kaya hindi ko sya makilala kaya pumunta ako sa harap nya.
"Mister! Huy mister! Bawal matulog dyan!" Sabi ko habang sinisila ng marahan ang paa nito.
"Uhm!" Umungol sya at dahan dahang umangat ang ulo nya ha!? Si Terrence ba to?!
"Terrence!" Umupo ako at tinapik tapik ang mukha nya para magising sya. Amoy alak! Uminom ba sya? Tsk! Ang lalaking to talaga! Pasaway!
Ikinawit ko ang braso nya sa leeg ko at binuhat sya papasok sa unit ko ang bigat naman nitong lalaking to! Ibinagsak ko sya sa kama ko at pumunta ako sa kusina para kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig.
"Wag mo akong iwan! Ma!" narinig kong sumisigaw si Terrence. Sinilip ko sya at nakita kong tulog pa rin sya, siguro nananaginip sya..
Bumalik na ako sa kusina at pinagpatuloy ang ginagawa ko,pagkatapos ay binalikan ko nya sya kumuha ako ng upuan para umupo sa tabi nya at sinimulang punasan ang ulo nya at katawan. Pansantala ko munang hinubad ang t-shirt na suot nya.
Medyo naiilang pa ako dahil kahit puro lalaki ang kasama ko sa bahay namin hindi ako nakakakita ng lalaking nakahubad inhale..exhale..kalma lang Alex lalaki lang yan.. Woh! Sana malagpasan ko ang gabing to ng matiwasay..
★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★
BINABASA MO ANG
SHE's one of the BOYS [COMPLETED]
AzioneSa panahon ngayon uso pa ba ang mga malamaria clarang babae o mas marami na ang mga babaeng kung kumilos ay parang lalaki na kung tawagin ay 'one of the boys' Ito ay kwento ni Maria Alexis Torres o mas kilala sa tawag na Alex at siya binigyan ng mi...