Hindi pa pala natatapos doon ang sorpresang inihanda ni Terrence para sa kanya,nang biglang magbukas ang isang telon at bumungad sa kanya ang kanyang Kuya na si Philip at Ryan na tumutugtog. Nagliwanag ang buong entablado.
Si Philip ang naggigitara at Si Ryan naman ang nagdadrums.Habang ang lalaking pinakamamahal nya ang kanina pa pala kumakanta. Tumutok ang spot light sa kanya at nakita nya ang kanyang ama na papalapit sa kanya.
Inilahad nito ang kanyang kamay na para bang nais nitong hingin ang kanyang kamay,tinugunan naman nya ito at naglakad sila sa red carpet papalapit sa entablado.
Wala na nga akong mahihiling pa kundi ikaw,ikaw ang kailangan ko
Sa simple na katulad mo ang buhay ko'y kumpleto na ikaw lang sinta..ah..ahh..Simple lang ang pangarap ko mahalin ang katulad mo sana ay mapansin mo
Dahil simple lang ang pangarap ko maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko,simpleng tulad mo..simpleng tulad mo..
Hanggang makarating sila sa harapan ng lalaking kumakanta,binitiwan na ng kanyang ama ang kanya kamay at lumapit naman si Terrence sa kanya biglang lumamlam ang indayog ng tugtog at wala silang ibang naririnig kundi ang tibok ng kanilang mga puso.
"All this time,I've been looking for the girl of my dreams but even in my wildest dream I never thought that I will fall in love to an extraordinary girl like you, I thought i will find a girl like cinderella,sleeping beauty or snow white but you know what i found? I found My Wonder Woman perhaps being you is what makes you a unique and perfect girl for me" may kinuha ito sa bulsa nya at lumuhod.
"Ms. Maria Alexis Torres,will you be my Wonder Woman forever?" Inilabas nito ang isang diamond ring, hindi naman maipaliwanag ni Alexis ang nararamdaman nya napupuno sa galak ang puso nya pero isa lang ang matitiyak nya na ang lalaking nasa harap nya ay ang lalaking gusto nyang makasama habang buhay.
"Yes! My Knight in Shining armor! I wanna marry you!" Buong galak nyang sabi. Tumayo naman si Terrence at sinuot ang singsing sa kamay nito.
BINABASA MO ANG
SHE's one of the BOYS [COMPLETED]
ActionSa panahon ngayon uso pa ba ang mga malamaria clarang babae o mas marami na ang mga babaeng kung kumilos ay parang lalaki na kung tawagin ay 'one of the boys' Ito ay kwento ni Maria Alexis Torres o mas kilala sa tawag na Alex at siya binigyan ng mi...