Mission 42: Unexpected

5.8K 133 2
                                    

Habang nakikipaglaban sina Papa at Tito sa ibang tauhan ni Kevin,kami naman ni Kevin ang magtutuos.

Naunang sumuntok si Kevin pero naiwasan ko ang suntok nya kaya binawian ko sya at sinuntok ko naman sya sa mukha kaya nagdugo ang labi nya. Pinunansan nya ito at ngumisi.

Sinipa ko sya pero nagulat ako ng hawakan nya ang paa ko at suntukin ako,bahagya akong nahilo pero hindi ko nalang inintindi yun at muling ko syang sinuntok pero nahawakan nya ang kamay ko at pinihit patalikod.

Napaaray ako sasakit kaya tinapakan ko ang paa nya at ng mabitawan na nya ang kamay ko siniko ko naman sya sa mukha. Bahagaya syang napatigil.

"I Under-estimated you para sa isang babae malakas ka palang sumuntok, pero sa pagkakatong to hindi na kita pagbibigyan"

"Wag kang mag-alala dahil nagwawarm up palang ako!" Sumama ang mukha nya at muli akong sinugod. Nagpatuloy kami sa pagpapalitan ng suntok hanggang sa nakita naming tumatakbo papunta sa amin sina Terrence at Kuya George.

Ngunit kasunod pala ang iba pang mga tauhan ni Kevin. Mukhang pagod sina Kuya at Terrence,sa tingin ko nilaban nila ang mga tauhan ni Kevin. Pumalibot sa amin ang mga tauhan nito,at isa isa nila kami sinugod kaya naman nakipagtuos na kami kasama si Papa.

Bahagyang lumayo si Kevin sa amin at pinapauod kami habang ipinaglalaban ang mga buhay namin. Sa dami ba naman ng tauhan nya, tapos laban lang sa lima? At may tama pa sa braso yung isa.

Unfair talaga to! But seeing them together fighting with me,it really gives me courage and strenght to fight!

Patuloy kaming nakipagpalitan ng suntok at sipa sa mga tauhan ni Kevin,habang abala ang lahat nahagip ng paningin ko si Kevin na may hawak na baril at nakatutok ito kay Papa. Hindi! Papa! Habang abalang nakikipagbuno ni si Papa sa mga tauhan nito sinasamantala nya ang pagkakataon nanganganib si Papa! Kailangan ko syang iligtas pero paano?

Kinalabit ni Kevin ang gatilyo ng baril nya at parang bumagal ang oras ng may makita akong lalaking naka bulagta at duguan. S-si Kuya George! Humarang sya at sinalag ang bala gamit ang sarili nyang katawan.

Nagulat ang lahat sa nangyari,unti-unting nagtubig ang mata ko at hindi nagtagal at tumulo ito. "Kuya!!" Tumakbo ako kay kuya George at hinawakan ang Ulo nya. "Kuya bakit mo ginawa yun?"

Ngumiti si kuya at nagsalita "Nakalimutan mo na ba ang motto ng pamilyang to bunso? in order to have a better family,one must sacrifice"

"Kuya naman eh! Sino ba kasing nagpauso ng motto na yan!" Habang tuloy tuloy na umaagos ang luha ko.

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon