(Alex's POV)
Nauna ng umuwi sina Papa at nasa park kami ngayon ni Terrence. Huminga ako ng malalim at inipon ang lahat ng lakas ng loob na maiipon ko.
"Terrence..mag..maghiwalay na tayo!"
"Ano? Bakit? Bakit biglaan?"
"Nadala lang ako ng pressure kaya kita sinagot! Hindi kita mahal!" Nangilid ang luha sa mga mata ko napakagaling mo talagang magsinungaling Alex! At ngayon ginagamit mo yan para saktan ang lalaking mahal mo!
"No hindi ako naniniwala dyan sa sinasabi mo! Please naman Alexis! Wag mong gawin sa akin to! May problema ba?" Hinawakan nya ang kamay ko.
"Oo meron! Ikaw ang problema ko! Pabigat ka sa misyon ko,gusto ko ng mawala ka sa tabi ko!" Pinipilit kong pigilan ang luha ko.
"Yan ba talaga ang gusto mo? Sabihin mo sa akin yan habang tumitingin sa mga mata ko at kapag nagawa ko yan lalayuan na kita!" Kaya mo to Alex! Kailangan mo tong gawin para sa kanya! Humarap ako sa kanya at tinitigan sya sa mata.
"Tumigil ka na sa pagstay sa tabi ko,hindi kita mahal" binitiwan nya ang kamay ko at tumalikod saka naglakad palayo sa akin.
Mahal kita Terrence..mahal na mahal! Habang nakikita ko syang papalayo at unti unting naglalaho sa paningin ko parang gusto ng puso ko na habulin sya at sabihing hindi totoo ang lahat ng yun,pero pinipigilan ng isip ko ang mga paa ko at sinasabing tama lang ang naging desisyon ko.
Terrence marahil kapag tapos na ang misyon na to, pwede pang magkaroon ng tayo. Yung walang boundaries sa ating dalawa. Tuluyan ng bumagsak ang luha ko ng makita kong wala na sya.
Ilang araw na rin ang nakakalipas mula noong gabing yun,hindi na sya tumawag o nagtext pagkatapos nun ano ba ang inaasahan mo Alex? Hahabulin ka pa nya pagkatapos ng ginawa mo? Stupid!
Hindi ko na rin sya nakikita sa school at tuwing tinatanong nila ako kung nasan na sya nakikibit balikat nalang ako.
Isang malalim na bugtong hininga ang binitawan ko bahala na! Nagsimula na akong magtype sa cellphone ko at kaagad na sinend sa kanya.
To: My Loving Saviour
[Terrence,magkita tayo sa park kung saan ko tinapos ang lahat may mahalaga akong sasabihin sayo. I know I don't deserve it but please give me one last chance to talk to you, i'll wait there till you come!] Sent..
(Terrence's POV)
Ilang araw na akong nagkululong sa kwarto ko at nagbabasag ng mga bagay na mahawakan ko dito. Pinipilit kong wag paniwalaan ang mga sinabi ni Alexis sa akin alam kong may mabigat na dahilan sya,pero bakit ang sakit? Tuwing naalala ko ang mga sinabi ng para paulit-ulit na sinasakak yung puso ko
Narinig kong tumunog yung Cellphone ko kaya kinuha ko ito at tinignan kung ano yun.
From: My Wonder Woman
[Terrence,magkita tayo sa park kung saan ko tinapos ang lahat may mahalaga akong sasabihin sayo. I know i don't deserve it but please give me one last chance to talk to you, i'll wait there till you come!]
Sabi ko na nga ba! Tumayo ako at naadaling hinanap yung susi ko pero biglang may pumalo sa ulo ko dahilan para bumagsak ako sa sahig hindi pwede! Kailangan ko pa syang puntahan,hinihintay nya ako hanggang sa unti-unting nandilim yung paningin ko.
(Alex's POV)
Dadating pa ba sya? Bakit ang tagal? Tinignan ko ang relong suot ako 7:45 na wala pa sya,siguro galit sya sa akin,hindi Alex! Mahal ka nya! Siguro nalate lang sya! Mayamaya pa may nakita akong taong papunta sa kinaroroonan ko.
Teka? Si Sapphire ba yun? Humahangos syang tumigil sa harapan ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Nagtext kasi sa akin Si Rence,puntahan daw kita dito"
"Bakit? Hindi ba sya makakarating? Kaya ikaw nalang pinapunta nya dito?"
"Ganun na nga siguro?" Teka? Diba sya yung nanalo sa tournament? Kaya malamang sya yung nagtangka sa buhay ko,baka pakana nya lang to!
Mayamaya pa ay may parang tumamang bagay sa akin at namanhid ang buong katawan ko at unti-unti ng nandilim ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.
★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★
BINABASA MO ANG
SHE's one of the BOYS [COMPLETED]
ActionSa panahon ngayon uso pa ba ang mga malamaria clarang babae o mas marami na ang mga babaeng kung kumilos ay parang lalaki na kung tawagin ay 'one of the boys' Ito ay kwento ni Maria Alexis Torres o mas kilala sa tawag na Alex at siya binigyan ng mi...