Mission 7: Thinking each other

10.1K 237 2
                                    

Pagkaalis ng bus na sinasakyan nya umuwi na din ako,pagdating ko sa bahay naabutan ko si kuya kevin na nakaupo at seryosong seryoso sa ginagawa nya.

"Kuya! Anong pinakakaabalahan mo?" Sabi ko sabay tapik sa balikat nya at umupo sa tabi nya.

"Wala to! Atsaka wag ka ng makialam" sagot nya sabay ligpit ng ginagawa nya kanina.

Ano bang meron sa mga tao ngayon? Bakit lahat sinasabihan ako na wag makialam? Si kuya at papa laging busy sa kompanya kaya minsan ko lang sila makausap lalo na si kuya at isa pa hindi ko alam kung bakit malayo ang loob sa akin ni kuya.

"Hay.." Napabugtong hininga nalang ako at umakyat nalang sa taas. At ibinagsak ang katawan ko sa kama.

Biglang bumalik sa alala ko ang nangyari kanina,ang maamo pero matapang na mukha ni Alex. Labis talaga akong pinapahanga ng babaeng yun bigla kong naalala ang sinabi nya kanina..

"Kahit babae ako kaya ko ang sarili ko"

Napangiti nalang ako. Nakukuha talaga ng babaeng yun ang atensyon ko, ngayon nagiging mas intetesado ako sa kanya.

(Alex's POV)

"Papa,Kuya! Nakauwi na po ako!" Sabi ko pagkapasok ko ng bahay namin.

"Bunso! Mabuti naman at nandito ka na!"  Sabi ni kuya Ryan sabay gulo ng buhok ko aish! Tong mga to talaga!

"Oh andyan ka na pala Alex! Mabuti naman at ligtas kang nakauwi!" Nakangiting sabi ni Papa

"Sus ako pa ba Papa?!" Pagyayabang ko.

"Yabang mo! Tara na nga kain na tayo!" Sabi ni kuya Philip sabay upo sa dining table.

Pagkatapos ng maikling pag-uusap namin ay kumain  na kami at kimusta nila kung ano ang mga nagyari sa akin sa  school at kung may findings na ba tungkol kay kuya George.

Ikinuwento ko sa kanila ang lahat maliban sa insedenteng nangyari kanina baka kasi lalo lang silang mag-alala,bigla ko tuloy naalala si Terrence knight in shining armor ko daw sya?

"Uy bunso! Lutang ka yata ngayon?" Kanina pa pala nagsasalita si kuya Philip.

"Ha? Ano yun kuya?"

"Hay naku kanina pa ako nagsasalita tapos wala ka palang narinig kahit isa,ano bang iniisip mo at parang napakalalim?"

"Ah..ehh" hindi ako nakasagot kaagad kaya.

"Alam ko na kung bakit lutang yan tol! Siguro may manliligaw ka na sa school nyo noh?"

"Ha!? W-wala ah! Kuya Ryan kung ano ano yang pinasasabi mo!" Namula ako sa sobrang hiya.

"Meron nga ba bunso? Bakit ka namumula at bakit hindi mo sinasabi sa amin ni Papa" nanunuksong tanong ni Kuya Philip.

"Sya nga!? Meron na bang nanliligaw sayo anak?" Kumikislap ang mga mata ni Papa habang sinasabi nya ang mga salitang yan.

"Wala nga po papa nagpapaniwala kayo masyado kay Kuya Ryan alam nyo namang palabiro yan diba?"

"Ganun ba" dismayadong sabi ni papa. Ang totoo kasi noon pa nila gustong magkaboyfriend ako ewan ko ba kung anong trip meron ang mga yan!

"Asa pa tayo papa,pano ba naman magkakaroon ng maliligaw yan eh mas lalaki pa yata yan kaysa sa atin eh!" Pagkasabi ni kuya Philip nun ay nagtawanan sila.

"Hmp! Kuya! Napaka mo talaga!" >_<

"Mahanap ka na kasi ng manliligaw bunso!"

Maghanap ng maliligaw? Saan? Sa buwan? -_-

Pagkatapos ng usapang yun ay pumunta na kami sa kanya kanya namin kwarto para matulog. Sa kwarto ko nakaupo ako sa study table ko at tinitignan ang sarili ko sa salamin.

Hay.. Maria Alexis Torres mukhang malaki nga ang problema sayo.. Bigla kong nakita sa imagination ko ang mukha ng lalaking yun,ang ngiti nya kakaiba para bang napakagaan nyang tao.

Aish! Alex bakit mo ba sya iniisip? Hindi ito ang panahon para sa mga ganyang bagay! Dapat ang paghahanap mo sa kuya mo ang maging top priority mo! Tama yun nga!

          ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★ ★

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon